Chapter 29

4.9K 114 0
                                    

ILANG linggo na ang lumipas since may nangyari sa amin, at back to normal nanaman ako

Nung hinatid ko yung cake na araw na iyon, minake sure ko na hindi ko sila makikita

Pero mukhang mahal na mahal ako ng tadhana, dahil pag dating ko sa place, nakita kong naghahalikan si Elizabeth at Elmo

Sa ilang linggong lumipas, ako lagi ang gumagawa ng way para kay Liz para magkabalikan sila. Last time na nagkita kami, sabi niya tawagin ko na daw siyang Liz dahil tinutulungan ko naman daw sila kaya nag agree nalang ako kahit ayoko

"Julie you're spacing out"

Bumalik ako sa reality ng mag snap si Kuya Jonathan ng fingers niya sa harapan ko

"I apologize kuya" ever since din, nasanay na ako magsalita ng ingles dahil sa trabaho na pinapasukan ko ngayon. Required daw ito at nagpapasalamat ako dahil medyo nahahasa naman na din ako, pero and weird lang ng feeling dahil parang sanay na sanay na ako

Nag look back nga ako nung elementary pa lamang ako, ako ang laging Best in English kaya tinatanong ng ibang nanay kung bakit daw ang hasa ko magsalita eh ang nanay at tatay ko nga ay hindi marunong

Ang sabi naman ni nanay ay dahil nahasa lang daw ako sa eskwelahan. Tumigil lang ako sa pagsasalita ng ingles ng naging highschool na ako at naging magk-klase kami ng pinsan ko. Ang arte ko daw kaya lagi niya akong inaasar

"Are you sure you're okay ate?" napatingin naman ako sa gawi ni Joshua at ginulo ang buhok nito

"Yes, baby. I'm okay" I assured him

Ngumiti lang ito kaya binalik ko ang tingin ko kay Kuya Jonathan na nakakunot ang noo at nakatitig sa akin. Mukhang hindi ata siya satisfied sa sagot ko

Nagpatuloy lang ako sa pagkain pero maya maya, nagsalita ulit ito "So as I was saying, how is work?"

"All is well with work, kuya. And you?"

"All is well princess. Glad you're finally okay"

I gave him an assuring smile. These past few weeks, nagbago na din ang pananamit ko. Minsan dahil kay Charlie, minsan dahil trip ko lang

Nag open up ng clothing line si Charlie at ako ang ginawa niyang 'model'. Since kakasimula palang daw kasi niya, gusto niya daw kumuha ng tao na magsusuot ng mga damit na dinidisenyo niya at ako ang na tripan nito samantalang si Joshua sa pambatang lalaki at si Karl sa pang lalaki

"So what's your plan?"

"Plan po para saan?"

"The offer that I was telling you? You know you can come to our company and I can put you in one of the managements. You're a fast learner so it doesn't matter if you didn't take any business course related. Although, pag nagustuhan mo, for sure kailangan mo mag take"

Ilang araw na niya ako kino-convince na pumasok sa work niya. Magiging head daw ako ng HR. Mas malaki daw ang sahod at mas mababantayan daw niya ako. Papayag sana ako dahil mukhang nawawala na yung interes ko sa com arts

"Ah kuya. Pagiisipan ko pa po. Pero may 80% chance na po na mag j-join ako" nanlaki ang mata nito at dahan dahan na napalitan ng ngiti. Eto ang gusto niyang marinig. Matagal tagal na din kasi itong offer niya

"Yes soon, you'll be going to London to meet with m--"

He got cut off by Joshua "Ma m-meet ni ate Julie si mom, kuya? I know she can't wait" tumigil naman si Joshua dahil sa titig na binibigay sakaniya ni Kuya Jonathan

Mommy nila? Excited makita ako?

"Uhm excited si mom kasi she's been hearing a lot about you from Joshua. You know" then he let out an awkward laugh

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon