Chapter 23

5.5K 138 1
                                    

IT'S been a week since that incident with Liz. I feel like I have not mentioned how she's like.

Elizabeth Katherine Angel Reyes is her full name. We went to the same college as she mentioned, but different course. She and Elmo became close again because of me

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa hangout place namin ni Elmo. Hindi pa kasi tapos yung klase niya. Either siya ang mag aantay sa akin or ako ang magaantay sakaniya "Hi Julie, right?" nagulat ako kasi walang kumakausap sa akin sa school na ito

Wala na kasi yung parents ko. Yung tita ko sa probinsya, sabi niya since 18 na daw ako pwede na daw ako pumunta ng Maynila. Lahat ng meron ako ngayon, pinaghirapan ko talaga

"Uhm, oo ako nga. Anong kailangan mo?" sambit ko. Nag fa-fast track kasi ako sa school works kasi nag t-trabaho ako tuwing gabi. Scholar naman ako, pero kasi kailangan ko pang araw-araw.

She smiled suddenly, she's so beautiful "I'm Elizabeth Kaitlyn Angel Reyes, same batch tayo. Tanong ko lang kung pwede ako umupo kasama mo? Kararating ko lang kasi galing sa U.S for vacation kaya medyo nalate ako ng pasok" never ko pa siyang nakita. Maybe kasi pag tapos ng klase, mag me-meet kami ni Elmo then hahatid niya ako pauwi tapos work tapos uwi.

Hindi na ako nag hesitate at tumango. Mi-nove ko yung gamit ko para makaupo siya sa blanket na dala ko. "Thanks" sambit niya. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero parang nakita ko na inikot nito ang mata niya, pero nag kibit balikat nalang ako.

"What are you reading?" after a while, nagsalita na siya. "Uhm, yung sa lit lang kasi kailangan ko mag fast track" sambit ko naman habang nakatingin pa rin sa libro. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang limang minuto nalang at lalabas na si Elmo.

Kakarating ko palang dito sa school na ito at ito na ang pangalawang buwan ko dito. Nakilala ko si Elmo dahil one time pumunta siya sa bar kung saan ko nag t-trabaho at sobrang nalasing ito tapos hinatid ko siya sa bahay nila. Tapos ever since noon, naging mabuti ito sa akin kaya naging mag best friends na kami. Weird, dahil hindi niya kinakausap ang ibang tao except lang sa mga kaibigan niya na kabanda niya rin.

"Oh, bakit ka naman nag fa-fast track?" sambit nito. Pero this time parang natunugan ko yung pait sa boses nito. Na parang na pipilitan lang siya magtanong.

Tiningnan ko lang siya para makita kung ano yung expression pero nakasmile pa din naman siya "Ah, kasi scholar lang ako dito kaya nag t-trabaho ako sa gabi" simple sagot ko.

Natawa naman siya at narinig ko pang bumulong ito "Pathetic" pero in-gnore ko kasi pag tingin ko sakaniya naka cellphone ito. Baka hindi naman ikaw ang sinasabihan, Julie.

Lumipas ang limang minuto at niligpit ko na ang mga gamit ko at nilabas na ang baunan ko. "What's that smell?" sambit naman ni Elizabeth. Naamoy niya siguro yung niluto ko. "Uhm, niluto ko para kay Elmo, Del, AJ, Trav at Blaze" sagot ko naman dito. Tiningnan niya lang ako parang nagsasabi na 'nag jojoke ba ito?'

Nagulat nalang ako ng biglang may nag poke sa tagiliran ko at pag tingin ko si AJ pala. "Uy J ayan ba yung favourite naming pagkain?" sambit nito at kinuha yung plastic bag kung saan nakalagay ang mga baunan. "Sumunod ka nga sa mga kulay, Del! Ang daya mo naman eh!" sambit naman ni Blaze dahil kinuha ni Del yung baunan niya.

Bineso ako niilang apat at lahat nagsabi ng "Thanks" tumango lang ako sakanilang apat at inayos na ang blanket na pinaguupuan ko kanina since tumayo na si Elizabeth.

"Why are you with her?" tanong ni Del. Napatingin naman ako sakaniya at nakitang nakatingin ito kay Elizabeth. Kilala ba nila ito kasi lahat sila nakatingin na kay Elizabeth at parang ang sama ng tingin nila dito. "Ah, nagtanong siya kung pwede daw siya makiupo kaya pinaupo ko na" sambit ko. Binigay sa akin ni AJ yung blanket. Kasi nung tinanong nlila ako, binaba ko muna para kausapin sila.

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon