Chapter 53

6.2K 180 37
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, pero nagising ako at ganun pa din ang pwesto namin

Naramdaman ko ang pamamanhid sa left leg ko kaya pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Nakikiliti din ako sa hininga niya dahil nakabaon na pala sa leeg ko ang mukha niya 

I tried moving his right hand na nakapatong sa bewang ko. Umungol siya at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin "Elmo..." I shook his arm 

Umungol lang ulit siya "I need to get food. I'm starving" 

Binuksan niya ang mata niya. Mapungay ito. Parang kinikilatis niya kung totoo ba na nandito ako or hindi, pero maya maya naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya 

Tatayo na sana ako, pero mas nauna siya tumayo kaya napasama din ako sa pagtayo niya. Nakita kong alas diyes na sa orasan 

"Saan ka pupunta?" tanong ko sakaniya

Tumingin siya sa akin "I'm coming to get breakfast with you" aniya

Umiling ako "No. Go back to sleep. Baka masakit pa ang ulo mo dahil sa mga ininom mo. I'll call room service para hatiran tayo ng pagkain"

Tumahimik siya panandalian at hinawakan ang kamay ko "Are you mad?" 

"Why would I be?" 

"Cause I'm forcing myself to get up?" 

Tiningnan ko lang siya looking for hint of humor, pero wala kaya umiling ako "No. Just go back to sleep. Pumunta ka na sa kwarto at dun matulog" 

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay. He stood up kaya tumayo na din ako, mukhang pupunta na siya sa kwarto 

Humiga siya habang hawak parin ang kamay ko "Let go, Moe" 

Biglang lumungkot ang mukha niya "No.. Why do you keep on pushing me away? Even in my own dreams?" 

Hindi ko alam kung matatawa or maaawa ako sa sinabi niya "Moe.. I mean let go dahil tatawag ako ng room service para makakain na tayo mamaya pag gising mo" 

Umaliwalas ang mukha niya at binitawan ang kamay ko. Inayos ko ang comforter sakaniya at habang ginagawa ko iyon, nakatingin lang siya sa akin 

Kahit nang papalabas na ako, sinusundan pa rin ako ng tingin niya

Paglabas ko, bumalik muna ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. I texted Charlie and Jona saying that I'm already here at nakatanggap kaagad ako ng reply na nagsasabing Have Fun galing kay Charlie at Take Care galing kay Jona 

Tumawag ako ng room service gamit ang telephone sa kwarto ko. May free breakfast pala sila, pero since hindi ako pupunta ng mag isa knowing na hindi pa kumakain si Elmo, nagpadala nalang ako ng pagkain. Mga 15-20 minutes pa daw bago mahatid ang pagkain 

I was about to get out of the room when I received a call. Tiningnan ko ang caller ID 

Baby Bro Calling... 

"Hello?" 

"Hi ate" narinig ko ang boses ni Joshua na parang kagigising lang 

"Hmm? What's up?" mukhang alam ko na ang rason kung bakit siya tumawag 

"EK told me that you're with kuya Elmo at Huma Island?" sabi ko na eh, pero kumunot ang noo ko. Si EK ang nagsabi sakaniya? 

"Yes. Teka paano kayo naging mag close ni EK?" I couldn't get my mind off of it

Tumahimik ang kabilang linya at narinig ko ang tikhim niya "Oh please don't tell me.." 

"Do you want to talk to the two?" as if on cue, biglang nawala ang attention ko sakaniya dahil sa dalawa. Naririnig ko ang hagikgik ni Zeke sa kabilang linya 

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon