Chapter 38

5.5K 151 12
                                    

Hindi pa sana ako babangon dahil Sabado naman, pero ang dalawang makulit, narinig ko nalang na nasa kwarto ko pala kanina dahil may hinahanap daw sila

Ayaw naman nila sa akin sabihin kung anong hinahanap nila kahit ilang beses ko na silang tanungin

"Mom, it's really nothing. I'm sorry for waking you up" pinunasan ko ang gilid ng bibig niya dahil kumakin ito pero nagsasalita siya

"Zeke stop speaking when you're eating" and as expected, ang ever so menopausal baby ko ay nagsalita nanaman

"Sorry kuya" kaya tumuloy na ito sa pagkain

Minasahe ko ang mukha ni Jack dahil nakakunot nanaman ang noo nito. Ewan ko ba sa batang ito, gusto ata magkawrinkles

"Hello, beautiful" nakita ko si Jona at Joshua na papasok ng kitchen

Anong ginagawa ng dalawang yan dito?

Kumunot ang noo ko at pinasadahan sila ng tingin. Lumapit si Jona kay Jack at inapiran ito, sabay ako at humalik sa pisngi ko at kay Zeke. Ganun din ang ginawa ni Joshua

"TITO!" malakas na sigaw ni Zeke. OA talaga itong isang ito, kakakita lang nila nung isang araw, pero akala mo ay isang taon na hindi nagkita

"Hi kiddo" ani Joshua na nakaupo na sa tabi nito at kumakain sa pagkain ni Zeke

"So why are you guys here?" tanong ko

Nagkatinginan muna ang dalawa at si Jona na ang sumagot "Mom and Dad left the house. It's been two days at bored na ako sa bahay at work. I don't feel like going to the hospital since off naman ako and Joshua, he's just lazy" sambit nito sabay subo ng pagkain kay Jack

Mukhang hindi pa kumakain ang dalawa dahil nangalahati na ang pagkain ni Zeke dahil kay Joshua kaya tumungo ako sa cupboard at naghain para sa dalawa

"Thank you ate" ani Joshua pag lagay ko ng plato sa harapan niya

"Thank you baby" sambit naman ni Jona

Nalaman ko na kinailangan pumunta ni Dad and Mom sa US for an urgent meet up with i don't know who. Napapadalas ang pag punta ni mom and dad sa US for some reason

Natigilan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko

Elmo calling...

Sinenyasan ko si Jona na sasagutin ko muna ang tawag at tumango naman ito. Tumungo ako sa backyard at lumayo ng konti

I breathed heavily. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko

"Hello? You called?"

(Uh, yeah. Good Morning. I just woke up) that explains the husky bedroom voice

I didn't know what to say so I stayed silent (Julie, you still there?)

Tumango ako, pero na realize ko na hindi niya nga pala ako nakikita "Yeah"

Konti na lang at matatanggal na ang ibabang labi ko dahil sa pagkagat ko dito, but I can't contain what I'm feeling right now (I-I would a-ask you o-out, but I h-have a shoot today) na iimagine ko ang pag himas nito sa ulo niya

"It's okay. I'm not your responsibility anyways" shit. That sounded awful. Parang sobrang bitter ko naman ata sa pagkakasabi ko doon

The other line was silent, I could only hear his heavy breathing (Don't ever say that) mariin nitong sambit

"Please Moe. I don't want to fight about a useless thing" good thing that came out smoothly

Bumuntong hininga ito. He's trying not to yell at me, I know "I'm sorry"

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon