Chapter 27

4.9K 113 0
                                    

ILANG buwan na ang lumipas at malapit na mag finals

Walang nangyari sa mahigit na anim na buwan dahil naging busy kaming lahat. Si Karl at Charlie naging busy rin dahil lahat nga kami graduating this year. Well hindi si Karl dahil pang limang taon niya palang ito sa Medicine

Literal na aral, bahay, work lang ang ginagawa ko

Nag tetext si Kuya Jonathan, ang apat at si Charlie at Francine pero wala akong kahit isa sa kanila ang ni rereplyan

Una dahil hindi ako pumapayag na sumama sa mga gimik nila dahil nag iipon ako at pangalawa eh wala akong load

Nandito ako sa library para mag review

Nasa bahay ako kanina pero mukhang hindi pa titigil ang pag aaway ng isa sa mga kapitbahay namin kaya nag decide nalang akong umalis

Tiningnan ko ang suot kong orasan at alas tres na ng hapon. Wala ding masiyadong tao. Yung iba ata nasa classes at yung iba naman nag rereview rin siguro sa lib

Pag dating ko sa lib, tama nga ako, wala nang spot para makaupo ako. Nakalimutan ko pag malapit nga pala mag finals eh punong puno itong lib. Nag decide nalang muna ako pumunta sa cafeteria para bumili ng lunch

Buti pa sa cafeteria, wala masiyadong tao. Kaso sobrang ingay naman ng mga freshmen

Kumain lang ako saglit at nag decide na pumunta nalang sa tambayan namin sa likod ng school. Yung tambayan namin ni Elmo

Elmo

Umiiwas na ako sakaniya ever since yung sa bar incident dahil sa takot. Takot dahil dito sa nararamdaman ko. Ilang buwan ko palang siya kilala pero parang ang bilis ng mga pangyayari

Naging busy din ito sa pagmomodeling dahil may nakakilala ata dito na malaking kompanya sa Pinas at inofferan ito ng malaki

Mahal ko na nga siya

Tinry kong tanggalin yung iniisip ko at umupo na sa ilalim ng puno. Buti nalang dito walang tao.

Since alas kwatro naman na, hindi na masiyadong mainit. Partly dahil din sa puno na nagiging shade dito sa ilalim ng puno

Mga ilang oras ang lumipas at medyo dumidilim na. Pag tingin ko sa orasan, alas sais na. Mukhang napasarap ang pag rereview ko

Tatayo na sana ako ng may marinig akong kaluskos

Niligpit ko na ang mga gamit ko at hindi pinansin ang narinig ko pero mas lalong lumakas

Sa likuran ko ay ang building ng mga nursing students at ang alam ko, nag retreat ang mga ito kaya impossibleng may tao diyan unless andiyang si manong guard na nag iikot na. Pero ang alam ko, mga alas otso pa ito umiikot dahil alas siyete ang last class ngayong araw

Hindi ko alam kung matatakot ako o hindi dahil ngayon hindi lang puro kaluskos ang naririnig ko. May mga dumadaing

Naglakad ako palapit sa building at palakas ng palakas ang mga daing. Palakas din ng palakas ang tibok ng puso ko

Pag dating ko sa first floor, madilim na ang hallway

Seryoso sino ang pupunta dito ng ganito ka late?

"I love you" rinig ko ang tinig at daing ng lalaki

Nanlaki ang mata ko. Hindi tama na nandito ako pero may something na tumutulak at nagsasabi na kailangan ko makita kung sino man yung nandito

"I love you too babe" at isang pamilyar na boses at daing ng isang babae

Hindi, hindi tama ito.

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon