NANDITO parin ako sa hospital. It's Zeke's second day and it's already 3 in the morning. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog, maybe the fact na I think na hindi pa din okay si Zeke.
I remember kahapon ng magising siya at una niyang hinanap ay ako. Hinanap niya din si Jack pero umuwi ito at nilibang panandalian ni Joshua dahil nakatulala lang ito kay Zeke, umaasang gigising ito.
Umiyak siya ng umiyak dahil daw masakit ang paa niya at hindi niya ito magalaw. As a mother, seeing your kid weep like that with you not being able to do anything will break your heart. Buti nalang dumating si Jack at kinausap ang kapatid nito. Siguro nga, naging strength na nilang dalawa ang isa't-isa and I can't help but smile.
Pumunta si Jona pero umalis din dahil nagaway lang kami.
Inirapan ko si Joshua na pinipicturan na pala ako. I don't usually show him my weakness, dahil ganito ang nangyayari.
Dinala din ni Jack ang iPad niya para mag share silang dalawa. Tumahimik naman si Zeke pero pag nagkakataon na mag isa siya dahil kailangan pumunta ni Jack sa washroom, nakikita ko kung gaano ito kalungkot.
Sa hapon naman, dumalaw si Charlie at Karl na may dalang mga pagkain at prutas. May dala din silang balloons. Ewan ko ba sa dalawang yan. Pero nung maggagabi na, umalis din at may shift pa daw si Karl.
Kinagabihan, tumwag sa akin si Dad para magsabi na hindi sila makakapunta ni mom dahil may importanteng meeting kaya kami nalang dalawa ni Jack ang natira. Nakatulog si Jack ng mga 11 dahil dun inantok si Zeke. Right now, what Zeke wants, he gets. Although, hindi siya kasing jolly like every other day, pero makikita mong masaya siya.
Naramdaman ko nalang ang patak ng luha sa pisngi ko. I tried forgetting what Jona said awhile ago "When are you planning on telling Elmo about your kids? When you're dying or when they're dying?" aniya habang natutulog si Zeke. Mahina lang ito pero mariin.
Tiningnan ko siya at kita ko ang galit sa mata nito "Alam ko ang nangyari sainyo dahil sa storya mo, nasaktan ka, oo, pero Julie Anne isipin mo yung mga anak mo. You've been lying to them" bumaba ang boses nito at naging mahinhin. I couldn't help it, pero napahikbi nalang ako.
He pulled me and hugged me tight. "I'm sorry baby, pero nung nakasama ko ang mga bata, lagi nilang binabanggit about sa daddy nila. Kung nasaan na daw ba si Elmo or kung babalik pa daw ba. Nahihirapan ako sa sitwasyon niyo. Mas better ng ikaw ang magsabi kesa sa malaman pa ito ni Elmo sa ibang tao." I just nodded. I mean they're already seven. I feel like soon is the time.
But it's not about that, I fear rejection. Paano kung ayaw niya sa mga bata? Yun lang yung kinakatakutan ko. Rejection. The way he rejected me almost 7 years ago now. Hindi ko kayang makita ang mga anak ko na maranasan ang naranasan ko.
But I smiled from the thought, our memories.
FLASHBACK
Nandito ako sa condo ni Elmo. Pupunta din yung apat na lalaki, pero mamaya pang alas tres ang usapan namin, pero nakatanggap ako ng mensahe kay Elmo na kung pwede daw ba ay pumunta ako ng mas maaga.
Pagkadating ko sa floor kung saan ang condo niya, nilabas ko ang card para maopen ang pintuan. Meron ako dahil malayo ang pamilya niya at madalas siya magkasakit kaya nagpupunta ako dito.
Dito minsan tumutuloy yung kapatid niyang fifteen years old, pero mas gusto nito kasama ang parents niya, kaya dumadalaw nalang ito
Pag pasok ko, sinalubong ako ng malamig na hangin. Nakalimutan nanaman niyang patayin ang aircon sa sala nila. Tumingin ako sa orasan at nakitang mag aalas onse palang ng umaga.