Inignora ko na lang si Elmo at nakipag kwentuhan kay Charlie.
"Kain na, girls. Walang damo ngayon" ani Karl na lumapit at binigay ang plato sa amin dalawa ni Charlie.
"Diet ako, ano ba" sambit ni Charlie at pilit binabalik ang plato kay Karl. "Alam kong gusto mong maging sexy pero hindi pwede ngayon Charlotte. Umayos ka" ani ni Karl with his serious face kaya tumahimik si Charlie at pilit kinain ang mga pagkain. Gusto ko mang humalakhak, hindi pwede dahil pinanlalakihan din ako ni Karl ng mata. Tumayo siya at tumungo sa lima na nag k-kwentuhan.
"Umayos ka" panggagaya ni Charlie using Karl's voice. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sa akin si Charlie "Babes okay ka lang? Namumula ka?"
"Ah oo" you know the feeling when you can't keep your laughter. Holy.
"Para kang natatae na ewan. Kainin mo yan sabi ni master" sambit niya na nagpaparinig kay Karl. Bumaling ako kay Karl at nakitang nakatingin na din siya sa amin. And there, I burst into laughter
Umalingawngaw ang tawa ko with matching palo pa yan kay Charlie
"Tawa pa babes. Pasakan ko yang bibig mo" ani Charlie habang nag r-roll ng eyes
"Mukhang nag eenjoy kayo ah" ani Trav at tumungo kung nasaan kami ni Charlie at umupo sa harapan ko. Bale may nakalatag ng blanket nung dumating kami kaya dito kami umupo.
Sumunod si Karl na umupo sa gilid ni Charlie at yung tatlo, kaya naiwan si Elmo kung saan sila nakaupo kanina. At ewan ko kung gumagawa ng way ang apat dahil walang umupo sa gilid ko. Literal.
"Laro tayo? Ignore niyo lang si Mr Ice. Parang hindi kayo nasanay" sambit ni Del. Nagtawanan naman sila pwera lang sa akin at kay Blaze
Nag brainstorming sila ng laro at mostly si Charlie ang nakaisip ng mga laro. Instead of playing one game daw, laruin namin yung dalawa. Ayaw daw nila ng truth or dare dahil mainstream na daw.
"We have maltesers in our room. Kunin mo nga, Karl" ani Charlie. Tumayo naman si Karl at tumungo sa villa. "So you basically empty the maltesers and transfer it into a bowl. Tapos we all get straws and we all try to suck the maltesers in and keep it in our hands. 30 seconds only. The person who gets the most maltesers wins. Crystal? And no to KJ's"
"Clear" pagsambit nilang lahat, tumingin sila sa akin "Alright Clear" at bumaling din kay Elmo na nakatingin sa akin. "Uhm hello, anyone out there" sambit ni Charlie. "Clear" sagot nito at tumayo at umupo sa tabi ko
I felt my heartbeat fast. Or should I say, faster than normal
Kami lang ang tao dito dahil pina reserve ata ni Elmo ito specifically para sa amin
Bumalik si Karl with five maltesers bag at binigay sa amin tag isa ni Karl ang dalawa. "Thanks babes" sambit naming dalawa ni Charlie. "Anytime" sagot naman ni Karl
Nilagay ni Charlie yung tatlong maltesers sa isang bowl at binigay sa amin yung straws na hiningi niya siguro kanina nung umupo si Elmo sa tabi ko.
"Remember 30 seconds. In-on ko na ang timer sa phone ko kaya right when we hear the ringtone, we all stop" sambit nito putting emphasis on we all stop while looking at AJ.
"Bakit ako?"
"Alam mo kung bakit, Ajax"
"Okay, okay. Gosh, girls" bulong nito.
"May sinasabi ka?"
"Wala, ma'am" tumawa kaming lahat dahil mukhang takot na takot si AJ kay Charlie. Well ever since we were in high school, takot na talaga kay Charlie yan. Who wouldn't be?