"Anong resulta babes?" sabay na sambit ni Charlie at Karl
Naka three way call na kami. Nalaman ko na nasa hospital ngayon si Karl dahil naka duty siya kaya tinawagan na lamang namin ni Charlie
"Wait lang kayong dalawa. Three to five minutes nga daw ang aantayin bago makita ang resulta eh"
Ilang beses ko na pinahiran ang kamay ko dahil namamawis ito. Kanina pagkasabi ni Charlie noon, dali dali akong pumunta sa isang drug mart at bumili ng pregnancy test
"Parang isang taon na ang lumipas" sabi ni Charlie na sobrang frustrated
"Calm down lovey" ani naman ni Karl. I don't know why but now, i really want to see EK at Joshua.. if I confirm my pregnancy, baka sila ang pinaglilihian ko
I rolled my eyes "Corny niyong dalawa"
"Weh inggit ka lang. Tawagan mo si Magalona at para may lumandi din sayo" sabay tawa nilang dalawa
I just stared at the screen dahil mas bumibilis na ang oras para sa akin. I'm afraid and excited to glance at the thing dahil ayaw ko ma disappoint sa resulta
"Ano na babes?" excited nanaman na sabi ni Charlie
I turned the cam phone around "Kayo nalang tumingin. I don't want to be disappointed"
"Okay, okay" sabay nilang sabi dalawa
Pinikit ko ang mata ko at nilapit ang cam phone sa tester "Ay..." malungkot na sambit ni Charlie. Ganun din ang reaction na nakuha ko kay Karl. Parehas na malungkot at disappoted
Same feeling na nararamdaman ko. Napasimangot na din ako. This is why I don't like expecting. Hindi mo talaga alam kung anong makukuha mo
Well in my case, I expected too much I guess. I mean Elmo and I haven't talked about this topic, pero I would really want a baby dahil maayos na kami ngayon
I opened my eyes at nakita ang resulta sa phone ko. I closed my eyes at tiningnan ulit, pero parehas pa rin ang resulta "Congratulations babes!!!!" sigaw ni Karl at Charlie
Nakita ko ang dalawang linya sa PT! Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong meaning nung dalwang linya sa PT
I turned the cam phone around at nakita ang reflection at ang nagbabadya na luha na gustong lumabas sa mata ko..
O my good Lord. Thank you so much!
Hinawakan ko ang tiyan ko and I caressed it! Omygosh may laman ang tiyan ko!
"Omygosh babes! I'm so freaking happy for you! Lipad na ba ako papunta diyan? What are you craving for right now? Gusto mo bang tawagan ko na si Elmo para malaman niya at maalagaan ka niya? Tell me what you want babes" ani Charlie na nakarecover na ata sa pagiyak niya kanina
Kanina, puro hagulgol niya lang ang naririnig ko. Si Karl din ay naiiyak, pero ang iyak ni Charlie ay sobra na akala mo ay siya ang nabuntis
I'm happy that I have friends like them. Friends who are more affected in situations like these because you know that they truly care for you
Umiling ako. I don't know what to say or how to even react. Nakita ko na nangingilid na din ang mata ni Karl
"Babes, I'm so happy for you" aniya
Tumango tango ako. Still speechless about what just happened. Hindi pa rin ako makapaniwala na magbubunga ang isang pangyayari sa amin ni Elmo
Then I felt the same feeling years ago. This time, mas fulfilled. Maybe because this time I have my family, Elmo, our friends, and Elmo's family with me to share this with