Chapter 32

5.3K 123 12
                                    

(Dedicated to JEMadness! Happy Belated Birthday! :) )

HINDI ko na namalayan na nandito na pala ako sa apartment ko. Mukhang awang awa sa akin si manong dahil kanina pa ito tingin ng tingin sa rear mirror at may gustong sabihin

Pag baba ko, nagbayad na ako "Ineng, magdasal ka lang. Lahat ng bagay dumadating sa tamang oras" tumango ako at nagpasalamat dito

Inutusan ako ni Elmo noon na wag nang bumalik sa apartment ko, pero hindi niya alam na kinausap ko ang landlady at sinabing babalik ako dito

Hindi ko nga lang alam na ganit kabilis ako babalik. Nakita ako ng mga kapitbahay at wala na akong pakialam kung husgahan man nila ako. Pagod na pagod na ako para pagtuunan pa sila ng pansin

Hindi ko din alam kung nasaan na ang cellphone ko. Balak ko sanang tawagan si Karl para may makausap man lang pero mukhang naiwan ko ito sa taxi kanina

Pagpasok ko sa bahay, napaupo na lang ako sa sahig at umiyak ng umiyak. Sobrang sakit na ng puso ko na ngayon ay gusto ko nalang mamatay

Ngayon ko lang napagalaman na sobra na pala ang pagkahulog ko kay Elmo. Hulog na hulog na ako at wala man lang siya sa baba para saluhin ako

Wala man lang tao ang nasa baba para saluhin ako at all

Sumasakit pa lalo ang ulo ko kaya hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Ang last ko na natandaan ay kumukha ako ng tubig, nalaglag ito, pupulutin ko na sana kaso nadulas ako

Bago sumara ang mata ko, nakita kong nagdudugo ang gitna ng hita ko. Anong nangyayari sa akin?

NAGISING ako sa isang puting kisame. Hindi na ako bago sa mga ganito kaya napagalaman ko na nasa hospital ako

Tiningnan ko ang left hand ko na may bandage at mukhang bago na ito. Sa right ko naman, nakaturok ang IV

Tatayo na sana ako, pero sobrang sakit ang naramdaman ko sa hita ko banda

Biglang bumukas ang pintuan at nakitang nanlaki ang mata ni Kuya Jonathan habang may hawak na fruit basket. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang pag alala niya ay nilaglag niya na ang hawak niyang basket at dali daling tumakbo sa akin

"I've been worried sick about you! You weren't answering my calls for a month at hindi ko man lang alam kung saan ka napadpad" bulyaw nito sa akin. Bigla naman nagbago ang expression nito kaya kumunot ang noo ko "Wait are you okay now? Thank God you're finally awake" sabay akap nito

Tumalikod ito at may hinanap ng tumingin ito sa pintuan at nakita ang basket doon. Kumuha siya ng mansananas at pumunta sa sink para hugasan ito. Binalatan niya na din ito at pinaghihiwa sabay bigay sa akin

"Salamat" hindi ko alam pero gutom na gutom na talaga ako. Napatingin ako sakaniya nang marinig ko ang halkhak niya "You look like a hobo. They way you eat, I mean"

Kinuha nito ang cellphone niya at nag tipa ng mensahe "I know Joshua will be happy to see you"

Pagbaba niya ng cellphone niya, bigla siyang napatingin sa IV na nakaturok sa akin at tinawag ang nurse. Ngayon lang ata siya bumalik sa senses niya

"You seem to be fine. We're glad that you're finally awake. Sleeping for four days is definitely not a joke, Ms San Jose. Especially when you are carrying your babies" inignora ko ang sinabi ng doctor at nanlaki ang mata

"Naku nagkakamali po kayo doc. I'm not pregnant"

Nagkatinginan si Kuya Jonathan at si Doc "I think I should leave now" sambit ng doctor

"You see that IV? Iba iba ang nilalagay diyan everyday dahil hindi ka pa gumigising. Since hindi ka pa gumigising, kailangan palitan yan every time dahil kailangan ng nutrients ng b-babies mo" nagiwas ito ng tingin "When I got to your house four days ago, nakita kitang nasa sahig at nagdudugo ang hita mo. Akala ko kung ano lang iyon, pero nag duda ako. I brought you to the hospital at na kompirma nga ang iniisp ko. That you're p-pregnant. Almost four m-months pregnant with a twin"

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon