Chapter 4

9.2K 195 1
                                    

Kanina pa kating kati kamay ko para matawagan ang imbestigador na binabayaran ko para magmasid kay Elmo. How come I've never heard of him joining a bad?

The thought of it pisses me off. Ako pa ata ang huli sa balita. Yes, ever since na umalis ako sa bansa, may balita pa din ako sakaniya. Although, I only want the general things: kung humihinga pa ba siya at kung matatag pa ba ang career niya. Not obsessed, just making sure that once I start the plan, everything is all good

Dapat kanina ko pa siya tatawagan kaso kumain kami sa labas at hindi ko ma timingan na makatawag dahil ayaw ako paalisin ng dalawa. Yung kahit na pupunta lang akong washroom, gusto pa din sumama ni Zeke kahit sa loob na ng cubicle samantalang si Jack ay sa labas daw magaantay dahil big boy na daw siya. Mas lalo ko tuloy narealize na medyo matagal din silang nawala. Well para sa akin

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ng dalawa at nasa gitna nila. Hindi ko alam kung matatawagan ko pa ba yung imbestigador dahil nakapalupot ang tiny arms ni Zeke baby sa bewang ko at nakapatong ang maliliit na legs niya sa legs ko samantalang si Jack ay nakabaon ang mukha sa aking leeg at ang arms niya din ay nakapalupot sa leeg ko at ang kaniyang mga paa naman ay nasa bewang ko kung nasaan ang kamay ni Zeke

Siguro bukas nalang ako tatawag. Patulog na sana ako ng marinig ko na magsalita si Jack sa tainga ko

"Mommy, I want to see Daddy"

Tumingin ako sakaniya kung gising ba siya at fail dahil hindi ko makita ang mukha niya since nakabon sa leeg ko. Mukhang hindi naman dahil never siya nag open-up about sa Daddy nila unless magtatanong lang about his favourites and such

"Soon, baby." kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig

NAGISING ako ng parang may nararamdaman akong chicken kisses sa pagmumukha ko. Naku parang alam ko na kung sino itong mga ito. Naririnig ko din ang pag giggle ng isa sa mga bulinggit sa right side ko

"Do you think she's awake yet, Kuya?" sambit nito sabay hagikgik. I could get used to this, you know?

"Shh, if you're going to keep on talking she might wake up, Zeke."

"Okay Kuya, Zeke is quiet"

Nakaramdam pa ako ng isang halik at yun na yung ginamit kong cue at hinablot si Zeke na nasa right side ko at si Jack na nasa left side ko

"AH! Mommy! You're going to give me a heart attack" daing ni Zeke habang nakapout at nakahawak ang isang braso sa dibdib niya banda at isa ay ginawag suporta sa balikat ko.

"MOMMY STOP PLEASE KUYA HELP" napuno ang kwarto ng tili ni Zeke at halakhak ni Jack

"HOW AM I SUPPOSED TO HELP YOU?? MOMMY'S ALSO TICKLING ME"

"MOM WE GIVE UP" sabay nilang sabi.

"Good Morning babies" sabi ko sabay kiss sa cheeks nilang dalawa. Umupo na ako ng maayos para itali ang buhok ko

"Good Morning mom. We brought your breakfast" sabay lakad ni Zeke sa mini table nila at nakita ang tray doon

Tutulungan na sana siya ni Jack dahil baka 'mahulog' niya daw ito, pero big boy na daw siya. Naku, nahahawa na ata sa kuya niya kaya ending, eto nandito si Jack sa gilid ko at tinatanggalan ako ng muta. Yes, tinatanggalan ng muta

"Mom, you're so beautiful" pag lapit ni Zeke sa kama. Nilapag niya na yung tray. Buti nalang pala at mababa lang ang kama nila unlike sa kwarto ko na napakataas. May isang kama silang malaki in case na gusto nilang magtabi, pero pag hindi, mayroon silang sarili nilang single beds. Tinanong ko sila kung gusto nila ng separate rooms since apat yung kwarto dito sa bahay kaso ayaw ni Zeke at alam kong ayaw din ni Jack kahit sabihin pa niyang big boys don't share rooms

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon