Chapter 34

5.5K 128 2
                                    

Pag dating namin sa back room, tinanong ako ng mga staff kung kamusta daw ba ako at kung nasaktan daw ba ako

Bago kami makarating dito sa back room, narinig ko pa ang panggigigil sa boses ni Liz na nagmumura na biglang napalitan ng paumanhin dahil na realize ata niya na marami ng tao na nanunuod sa kaniya

"I'm fine you may all leave" hindi ko padin tinatanggal ang sunglasses ko dahil wala naman talagang luha ang lumabas sa mata ko. Binigyan ako ni Cora ng damit na parehas ng suot ko at jeans

"Salamat" ngumiti ito sa akin at lumabas na din. Buti nalang nagpalagay ako ng mga sariling kwarto sa lahat ng branches ko. Code ang lock nito kaya kahit wala akong susi, pwede pa din itong ma open

Pag open ko, sumalampak ako sa upuan at inalis ang sunglasses ko

I looked at the mirror at nakitang pulang pula ang mga braso ko. But instead of feeling the pain, I felt happy

I'm not cruel, I'm just starting

Pagkatapos ko magbihis, nagpasiya akong magstay muna dito dahil may isang oras pa naman ako para mag kill time kaya okay lang

Nilabas ko ang cellphone ko at inopen ang app na facebook. I recently downloaded it dahil kay Jona

Naiwan na nga ang laptop, hindi pa marunong magclear ng history sa laptop

For the past few days, parehas ang laman ng history nito. Ang pangalang Gail Belara

Maganda ito at mukhang mayaman, but I don't get why he's stalking her. That is so unlike Jona

When we were in London, he had three girlfriends and mind you, he was dating all of them at the same time. He broke up with them because when I found out, I shat and lost it

He knows about my past and that's the last thing I would want my brothers to do

Pag malaman ko lang na maging ganiyan si Jack or si Zeke, naku, ako pa mismo magsasampa sakanilang dalawa

I found out na parehas ang kurso nila ni Jona at parehas din ng paaralan ang pinag aattendan nila

But then again leads to why is he stalking her?

I made facebook recently kaya si Josh, Jona, Charlie at Karl palang ang mga friends ko

Nakarinig ako ng apat na sunod sunod na tunog na para pala sa friend request at nakita ang apat na inadd ako

Pinag a-accept ko silang apat at nag log out na sa facebook dahil twenty minutes nalang pala at lalabas na ang dalawa. Masiyado ata ako naging fond sa pag tingin sa profile ni Gail. She's interesting

Sinuot ko ang sunglasses ko at lumabas na ako ng back room. Nakita kong nagkakagulo pa din sa may spot kung saan nangyari yung kanina, pero this time, may mga malalaking camera na. Hm, the press is here

I was about to leave quietly when a person yelled "Ayun siya oh!" at nagsilapitan ito sa akin

"Ate okay ka lang po ba?"

"Ms! Were you hurt?"

"Ms ganda nasa side niyo po kami. Kami na po ang Anti-Elizabeth Kaitlyn. Kakapatayo palang namin. Ano po bang pangalan niyo?"

And so on. I just gave them a smile and the security came to escort me out. Mukhang nakaalis na si Liz. Eh to hell I care anyways

"Salamat" I said to the securities when I got to my car. Sana hindi traffic para mabilis masundo ang dalawa

Buti nalang at hindi traffic. Right when I parked my car, nag bell na ang paaralan kaya bumaba na ako at nag antay sa shed ng school guard

"Hi ma'am" ani ni manong guard. Ngumiti ako sakaniya at tumango

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon