Nagising ako sa na nasa isang kwarto at nakahiga sa isang malambot na kama
Alam kong wala ako sa ospital dahil hindi ganito ang hitsura nito kaya bumangon ako at nakitang hindi ako pamilyar sa kwarto na ito.
"Yeah, she's really sick mom. I don't know.. I saw her.. I was following her on the road.. I think she was headed home.. I didn't know how to approach her.. Sorry mom.." narinig ko ang isang boses na nanggagaling sa labas. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko ang isang lalaki na nakalong sleeve na itim at naka jeans.
Napatingin ito sa akin at biglang nanlaki ang mata "Oh thank God you're awake!" sambit nito sabay lapit sa akin
Nagulat naman ako sa pagyakap nito at siya'y mukhang nagulat din dahil bigla itong bumitiw "A-ah, o-oo. Nasaan nga pala ako?" tanong ko sakaniya.
Mukha naman siyang maayos at hindi kriminal. "U-uhm, you're in our place" sambit nito.
Nakatingin ako sakaniyang mukha at hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero magkahawig ang mata at ilong namin
"Ah sige. Salamat nga pala. Uuwi na ako" sabi ko.
Didiretso na sana ako, sa kung ano mang pinto sa tatlong nakikita ko ng pigilan niya ang kamay ko. That warmth, na feel ko lang yun kay nanay at tatay.
"Ah, your things are in the room. I insist I drop you off at your place" aniya. "Julie right?" pagpapatuloy nito.
Naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko. "U-uh, I saw it on your ID" kinapa ko ang ID ko pero hindi ko yun nakapa kaya napatingin ako sa damit ko at nakitang iba na ito.
Mag rereact na sana ako ng pangunanhan niya ako "Before you say anything, ou- my mom changed your clothes. She left just an hour before you woke up" sambit niya. Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.
Bumalik na ito sa kwarto kung saan ako nanggaling kaya sumama din ako.
Pambabae ang kwarto na ito pero walang kalitra-litrato kung kanino man itong kwartong ito "Uh, this is my sister's room. Too bad she isn't here" bigla naman akong naging interesado
"Uh, nasaan siya? Nasa school?" nakita ko ang pag ngiti niya.
"Actually she was lost as a kid. We came looking for her for so many years. We found her, but we need confirmation at nagbabakasakaling matanggap niya kami" naging malungkot ang mukha nito.
"Kuya, alam kong kung nasaan man siya ay masaya siya at alam kong tatanggapin niya kayo dahil pamilya niya kayo" hindi ko alam kung tama ang sinabi ko pero biglang lumiwanag ang mukha nito.
Lumabas na kami sa kwarto at nasa harapan ko na siya. Nag insist siya na siya na daw ang magbubuhat ng bag ko kaya nahihiya pa din ako.
Pag pasok namin sa sasakyan niya, nilabas niya ang cellphone niya at tinanong sa akin kung saan ako nakatira at tinipa niya ito sa cellphone niya. Nakita kong isang oras pa ang biyahe dahil nakasulat ito sa cellphone niya. Nasaan ba kami?
Halfway ng biyahe, nag stop kami sa isang drive thru at binilhan niya ako ng fries, kanin, coke float at iba pa. Nahihiya ako pero sabi niya yung iba daw kainin ko nalang pag uwi ko kaya nag end up na kinain namin dalawa yung fries.
Naging komportable ako sakaniya na parang pamilya ko siya kaya nilabas ko ang bag ko at kinuha ang notebook ko na umaasang panaginip lang ito kaya pinikit ko ang mata at nang buklatin ko, nakita ko na nandun parin yung mantsa.
This time, tuyo na siya kaya wala na talaga akong makita. Naramdaman ko nanaman ang lungkot.
"Anong nangyari diyan?" napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin naman siya sa kalsada.