Chapter 62

5.9K 153 8
                                    

Nakarating kami sa hotel room at ewan ko kung ako lang ba ang pagod or mataas lang talaga ang energy nilang tatlo 

"The four will be staying in one room beside us.." ani Elmo

Tumango lamang ako dahil antok na antok ako. Since February dito sa Japan, medyo malamig pa din ang simoy ng hangin kaya mabuti na lamang at nag pack ako ng light na mga sweaters para sa aming apat 

Pagpasok na pagpasok sa hotel room, tumungo agad ako sa kwarto. I feel like sleeping. Hindi ko alam kung bakit sobrang pagod ako. Maybe because of work 

"Mom!" narinig kong sigaw ni Zeke

I was too lazy to even get up "Yes baby?" sigaw ko pabalik

Hindi ko narinig ang sagot niya kaya inignora ko na lamang. Baka kasi hindi ganun ka importante at gusto lang nito ako lambingin

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakita ko na si Zeke iyon "Daddy's asking what you want for dinner, mommy" 

Lumapit siya sa kama at akala ko ay tatabi ito sa akin pero naramdaman ko na lamang ang kamay niya sa paa ko. Malamig ito, mukhang nag a-adjust din ang isang ito sa medyo malamig na klima 

"Whatever you guys want. Mommy's fine with anything" 

Nakatingin pa din ako sakaniya habang siya naman ay nakakunot ang noo habang tinatanggal ang sapatos ko

Pagtanggal niya, saka siya nagtaas ng tingin at bumalik na ang masayang ngiti nito "Is it okay if we order pizza mommy?" nag puppy eyes pa ito. And who am I to resist my baby, right?

Tumango ako saka naman siya tumabi sa akin at hinalikan ako sa pisngi "Mommy's just gonna sleep for awhile okay?" 

"Okay, mommy! I'll make sure that tito's won't finish the pizzas so that you have something to eat when you wake up" 

Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya "Okay, baby"

"Okay mommy. I'll go out na. Love you" hinalikan ako nito sa labi 

"Love you too baby" pinatay niya ang ilaw at sinarado ang pinto ng dahan dahan 

Bago ako makatulog, naramdaman ko ang papgpasok ni Elmo at ang pag halik nito sa ulo ko at ang pag bulong nito ng I love you kaya napahimbing din ang tulog ko 

NAGISING ako nang marinig ko ang ingay na nanggaling sa living room. Mukhang nandito na ang apat. I glanced outside at nakitang wala na ang sinag ng araw 

I turned on the light at nakita ang maleta sa gilid ng kama kaya inopen ko ito at kumuha ng pajama na pamalit 

I went in the bathroom and did my thing. Nakalimutan ko din pala magtanggal ng make-up kanina. Paglabas ko sa washroom, nakita ko na nakaupo si Elmo sa kama at mukhang may binabasa sa laptop

Nung makita niya ako ay bumaba ang tingin niya sa suot ko kaya kumunot ang noo ko, pero nung ma realize ko kung bakit, namula ang pisngi ko "I hope you don't mind" 

When I saw his shirt on top of mine kanina, I felt like wearing it kaya pinares ko ito sa isang pambaba na capris pajama 

Umiling siya at ngumiti "No, baby. I don't mind at all" 

I looked away dahil naramdaman ko ang paginit ng mukha ko. Naramdaman ko ang paglapit niya at maya maya ay naramdaman ko na ang kamay niya sa bewang ko "You smell good. I think I might just use your shower gel so I can smell like you too.."

Umiling ako at hinampas siya ng mahina sa dibdib "Moe.. stop joking. Lumabas na tayo at nagugutom na ako"

Bumulong siya at tumawa "I hope I was kidding, but I was not. Let's go" 

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon