Indebted 6

7.3K 237 14
                                    

Summer Choice. Yan yung kasalukuyan kong binabasa ngayon. Umuupo lang ako sa may bench ng school ground. Nakakainis na nakakaiyak kasi yung story. They do have the not so happy ending na story. Okay na sana yung lahat pero huli na rin naman kasi para sa kanilang dalawa. Nakakainis yung bidang lalaki.

My attention was focused on the book I'm presently reading when a black car suddenly caught my attention. It's Jake's car. Maya-maya pa bumaba na siya. Three days siyang absent at ngayon lang siya pumasok ulit. Napansin kong naka-jersey lang siya dala yung bag niya.

He was heading in my way then stopped in my front tsaka siya umupo sa katapat na bench kaya magkaharap na kami. He looked at me for a moment as I looked at him too. I was the first who give up and looked away.

"Missed me?" he leaned on the table and his one hand at his mouth na tila ba may iniisip. Ngumisi siya ng nakakaloko nung tumingin ulit ako sa kabuuan ng mukha niya. Hazel eyes and a proud nose ever.

"You wished." Sabi ko saka binalik ko yung atensyon ko sa pagbabasa ng libro.

"What's this?" Balak ko sanang ilayo sa kanya pero huli na dahil nakuha na niya yung libro.

"Summer Choice huh?" He examine the book at napakunot noo siya nung binasa niya yung synopsis. Binaling niya ulit sa akin ang atensiyon at sa libro ulit ng ilang beses.

"Give it back to me Jimenez." I commanded him pero ngumiti lang siya. He keep on scrolling the pages.

"Not until hahalikan mo ako." sabi niya while he still keep on scrolling. My jaw drop in awe, what I mean is napakakampante naman niyang susundin ko yun. Pwede naman siyang kumuha ng mahahalikan diyan dahil for sure maraming magvovolunteer.

"You're just kidding me right?" maigi kong tiningnan yung bawat galaw niya habang pilit na inieksamina ang bawat pahina ng libro.

"I'm serious."nakayuko pa rin siya while he is still keep on scrolling.

"Then sayo na lang yan. Asa kang halikan kita." umangat na siya ng tingin at binigyan ako ng ngiting aso. Effortless siya kasi mukha naman talaga siyang aso.

"Kunyari ayaw mo pa." parang nanunuyo pa niyang sabi sa akin.

"Shut up!" ----

"Rain." nagising na lang ako nung may naramdaman akong tumapik sa balikat ko. Inangat ko yung ulo ko saka ko lang narealized na si Chase pa lang iyong kaharap ko ngayon.

"Chase." walang ibang lumabas sa bibig ko kundi iyon lamang pangalan ng lalaking gusto ko. "Nag-ring na yung bell nung napadaan ako dito at nakita kitang nakatulog sa isa sa mga benches so I decided to woke you up at baka may subject kang papasukan this time." napaisip ako sa sinabi niya. Nakatulog? So panaginip lang pala ang lahat ng iyon?

Two days... Three days... Four days... One week. One week na akong hindi binebwesit ng lalaking iyon dahil one week na rin siyang hindi ko nakikitang pumapasok pero nagawa niya pa rin akong kulitin kahit sa panaginip man lang.

"Rain?" napabalik ako sa riyalidad nung narinig kong tinawag niya ako. "Is everything okay?" mababatid mo ang pag-aalala sa tono niya. Napatango na lang ako habang busy ako sa pagmomoryado sa mukha niya na estruktura ng kaperpektuhan.

"I've heard, pinag-awayan niyo ni Yelin si Jimenez." Naalala ko na naman yung nangyari. Nang dahil sa Jimenez na yun, nawala yung scholarship ko!

"Correction, inaway ako nung babaeng yun nang dahil sa lalaking yun. Ginagawa ba naman akong karibal sa Jimenez na yun. Asa naman yun!" I burst out remembering what had happened. Kumukulo na naman yung dugo ko pero nanumbalik ako sa normal na pakiramdam ko nung narinig ko ang tawa niya. Ang tawa ng isang Chase Fajardo.

"I find you really intimidating. You intimidate me especially when you burst out." sa pag-ngiti niya pa lang ay mas lalong nahuhulog na ata yung loob ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"I'm sorry. Naiinis lang talaga akong sariwain yung nangyari na ayawan sa pagitan namin ng babaeng yun nang dahil lang sa lalaking mahilig mambwesit sa akin." litanya ko naman. "Don't be, okay lang na sabihin mo sa akin kung ano yung gusto mong sabihin. I can be your diary." napangiti ako sa naging saad niya.

"Diary? Pambabae lang yun." umiling siya. "I can be." natahimik ako ng ilang segundo bago pumakawala ng isang buntong hininga.

"Nang dahil sa Jimenez at sa babaeng yun nawala yung scholarship ko. Malapit na matapos yung klase, malapit na akong gumraduate." pag-aamin ko.

"So?" Tanong naman niya na para bang tinatanong kung "Ano naman ngayon?"

"Yun lang yung dahilan kung bakit ako nakakapag-aral. Kung pwede mo lang pakiusapan si Yelin na huwag na niyang ituloy yung kagustuhan niyang mawalan ako ng scholarship." pagsisimula ko pa.

"Ginawa ko na kasi yung best ko para pakiusapan si Yelin pero no effect pa rin. Kahit anong pagmamakaawa ko yung ginawa ko ayaw niya pa rin. Ang oa niya talaga, nagkagalos nga lang siya sa braso at nagkapasa sa mukha niya kinuha na yung scholarship ko. Siya kasi yung mas naagrabiyado kaya siya yung mas kinampihan ng school, palibhasa kasi kaya niyang paikutin ng pera yung batas."

"I'll help you. " it caught my attention. "Naku! Huwag na. Tsaka sige nah at may klase pa ako, kanina pa yung bell. " pag-ayaw ko pa habang tiningnan yung orasan ko.

Kinuha ko na yung bag ko tsaka yung libro ko na hawak niya. Mas maigi pang maghanap na lang ako ng trabaho, yun bang part time job. Kahit mahirap pagsabayin yung pag'aaral at pagtatrabaho, kakayanin ko pero ang tanong ngayon... sa hirap ng buhay ngayon may mahahanap ba akong trabaho? At kung makakahanap ba ako ng trabaho... sapat na bang pagtrabahuan ko iyon ng dalawang buwan at mababayaran ko na yung 30,000 na total fee ko dito?

Arghh kung hindi naman yung nangyari, wala sana akong poproblemahin ngayon. And not to mention marami pa akong kailangan gawin at ipasa on time na requirements sa bawat subject. Paano na lang yung pangarap ko?

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon