One week nang comatose si Tita at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising. One week na rin akong hindi muna pumapasok. Kahit alam kong malapit na yung finals ay mas pinili kong bantayan na muna yung Tita ko. Wala rin naman kasi akong pera pang gastos don sa school. Buong magdamag akong nagbabantay at baka sakaling gumising na siya.
Kahit na sabihin kong hindi ako nabigyan ng magandang buhay ng tita ko ay mahal ko pa rin siya kahit papaano. Natatakot rin ako na baka mawala siya sa akin. Siya na lang yung meron ako. Kahit paulit-ulit pa niyang sinumbat sa akin na ako ang naging dahilan ng pagkamatay sa kapatid niya ay mahal ko pa rin siya. Hindi ko pa rin nanaising iwan ako ng tita ko kaya sana naman ay magising na siya.
Ilang araw na rin akong pabalik-balik sa tinatrabahuan ng tita ko. Balik na naman ako sa sideline ko. Balik na naman ako sa pagiging entertainer sa club na iyon pero di pa rin sapat yung kinikita ko para matustusan yung bayarin sa hospital. Bigla akong napatayo mula sa pagkakaupo nung pumasok yung doctor sa silid na kinahihimlayan ng tita. He checked again her condition at bumaling sa akin. "Ms. Montreal." pagkilala pa niya.
"Doc, how is she? May posibilidad bang magigising siya agad?" nag-aalang tanong ko. "Walang kasiguraduhan, there are cases na matagal magising yung patient yet there are still instances na gigising rin siya kaagad. And of course there might be the possibility that she wouldn't wake up with her conscious again." ipinukol ko naman yung aking mga mata sa mahimbing na natutulog na tita ko.
"All you need to do is to hope for the best. You shouldn't thinking worse things." he gave me an assurance smile. "But Ms. Montreal, kailangan mo rin ng pambayad sa hospital. The longer she will be here, the more the expenses." napatango na lamang ako sa sinabi ng doctor bago siya umalis.
Marami na rin akong tinakbuhan para mapag-utangan pero puro pagtanggi lamang yung natanggap ko. Iisang tao lang yung naiisip ko ngayon na maari kong mapapag-utangan ulit. Kakapalan ko na lamang ang aking mukha at baka sakaling pumayag si Chase.
Marahil ay nasa school pa siya sa mga oras na ito. Mag-aalasingko na kaya binilisan ko ang pagpunta roon. Baka kasi umuwi na yun. Hindi ko pa naman alam yung address ng bahay nila.
Pagkarating ko palang sa school ay agad kong tinakbo yung Engineering Department. Wala nang gaanong estudyante. May mga room pa nga na wala na talagang tao kaya mas minadali ko pa yung bawat paghakbang ko.
Sana naman ay di pa yun umuwi. Maabutan ko pa sana siya.
Halos lahat ng room ay napuntahan ko na. Tatlong room na lang yung nakabukas pa. Agad namang pumukaw sa akin ng atensyon ang mga boses na naririnig ko sa isa sa mga silid. Lumapit ako para mas marinig ko pa yung pinag-uusapan nila.
"So, are you sure na nahuhulog na siya sayo ng tuluyan?" base sa tono ng pananalita ng lalaki ay alam kong nakangisi siya.
"Of course dude! Who wouldn't be?! Ako pa." parang kinurot yung puso ko sa narinig kong sagot niya. Hindi ako nagkakamali pero alam kong boses niya iyon.
"Baka naman nagugustuhan mo na rin si Ms. President dude. Maganda rin naman yun at seksi din." sabay-sabay naman silang tumawa. Naikuyom ko yung mga kamay ko dahil sa sinabi ng isa sa mga barkada niya.
"There's no way dude! Hindi ko naman yun type kahit pa sexy tsaka maganda yun. Kailan pa kami nagkapareha ng taste ni Winter? I can choose better for fuck sake dude."
"Whoaa! Paniguradong nagpupuyos na sa galit yun si Jimenez kapag palagi kayong magkasama ni Ms. President."
"What's your next move?" interesadong tanong ng isa sa kanila. "Not yet. I'll make Raine fall really hard first. Lalo na ngayong unti-unti ko na ring nakukuha yung loob niya."
Parang gusto nang kunawala ng luha ko pero pinigilan ko. Doon naman kasi ako palagi magaling. Kaya kong itago yung tunay kong emosyon. Sanay na rin naman akong magmukhang malakas at palaban sa iba. Hindi na ako nakapagpigil kung kaya't sinugud ko na sila sa loob ng silid. Sapat na yung mga narinig ko. Ayoko nang marinig pa yung ibang pag-uusapan nila.
"So, did your plan really work pala Mr. Fajardo huh?" I smiled at him. Nakita ko naman yung pagkagulat nila sa biglaan kong pagsulpot. "You know what? Akala ko iba ka sa kanila pero nagkamali ako ng akala dahil ang totoo.. mas malala ka pa pala kay Jimenez. You made me believe in things which are just illusions."
"Raine --" isang malutong na sampal yung naging sagot ko sa kanya. "Shut up Fajardo! Shut up!" galit kong naisigaw iyon sa harapan niya. "Imposible nga namang magkakagusto sa akin ang isang Chase Fajardo. Isang nga lang naman akong hamak na mahirap na kaya mo lang paikutin sa iyong kamay." I smiled bitterly. "You are not a loss anyway."
I hurriedly walk out. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pinilit kong huwag umiyak pero sa loob ko ay sobra na akong nasasaktan.
Masakit na malamang pustahan lang pala yung pagiging mabait niya sa akin and what is worst is I almost fall for that shit trap. I almost eat the bait. Akala ko ay gusto niya rin ako pero I'm mistaken.
They really all are the same. Ang tanging alam lang nila ay ang paglaruan ang isang tulad ko. Walang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko. They seems have life.
Namalayan ko na lang na dinala na pala ako ng paa ko sa bench na palagi kong tinatambayan sa kada may free time ako. Dito ako ikalawang nilapitan ni Chase.
Ang saya-saya ko nga that time dahil linapitan niya ako. Agad akong napahawak sa banda ng aking puso. Gusto ko ba talaga siya? O pinilit ko lang na paniwalain yung sarili ko kahit na sa bawat pagtibok nito ay iba ang taong aking naiisip?
Note: Update tayo kasi walang pasok. Kay Chase at Raine pa rin ba na moment sa next updates? O kay Jimenez-Raine moment na naman?
![](https://img.wattpad.com/cover/33777320-288-k328506.jpg)
BINABASA MO ANG
Indebted
General FictionDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...