Tahimik lang kaming kumakain ni Chase ngayon sa cafeteria ng school. Nagulat nga ako at nagyaya siyang kumain daw muna kami. Tumanggi pa ako noong una pero sadyang mapilit siya kaya pumayag na lang ako. Inaamin ko rin namang natuwa rin ako dahil sa pagyaya niya sa akin.
"Whoa!! Bro! That's effin worst! Mas malala ka!" halos lahat kaming nasa cafeteria ay napaagaw yung atensyon sa grupo ni Jimenez na siyang pagpasok naman nila. Halos akalain mong kanila yung cafeteria dahil kung mag-usap ay sila lang yung nandito.
"Chill! It isn't my intention. Sadyang nangyari lang ng kusa yun. Kasalanan rin niya yun!" nakita ko pa yung pagsapak ng balikat ni Ferrer sa nagsasalitang si Jimenez. Narinig pa namin yung malakas nilang tawanan at tudyuhan bago sila nakapwesto sa bandang likuran namin.
Nasanay na rin yung mga estidyante na ganun palagi yung eksena kapag yung grupo na nila yung nakikita. Palagi na lang silang agaw atensyon.
"Sounds great at mukhang di ka na kinukulit ni Winter." biglaang saad ni Chase sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi niya. Mabuti nang hindi niya ako pinapansin kesa naman sa palagi akong pinagtitripan nun.
"It seems that you are not greatful about it." nagsalita siya ulit saka niya isinubo yung isang chips. "Bakit? Kailangan ko bang magdiwang?" naiinis ko namang sagot.
"Your face tells me the other way around." he stated. "Don't worry Raine. I am always ready to be in your side. Nandito naman ako." napatitig ako sa kamay ko na hawak niya ngayon.
Hinablot ko yung kamay ko kaya binitawan niya rin ito kinalaunan. Ngumisi naman ako. "Ang tsansing mo! Lokohin mo pa ako Chase."
"I'm not kidding Raine. If you need someone then I could be that someone for you. I promise you." napangiti na lamang ako sa mga sinabi niya. Paanong hindi ako sasaya kung siya na mismo nagsabi niyan? Malamang hindi ako manhid para hindi kiligin.
"The prom will be tomorrow, see you then. I'll fetch you." dagdag pa niya kaya tumango na lang ako.
----------
Nakangiting tiningnan ko ng maigi yung repleksyon ko na nagmumula sa salamin na aking kaharap. Katatapos ko lang mag-ayos at nakapagbihis na rin kanina pa. Suot ko ngayon ang isang kulay asul na kasuotan na hanggang paa ko yung haba. I look like a princess in this gown.Umikot pa ako na tulad ng mga prinsesa sa kwento. Maya-maya pa ay narinig ko na ang sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto ko at iniluwal nun yung tita ko. "Abay may bisita ka. Hinihintay ka kung kaya't dalian moat bumaba ka na." tugon niya sa akin kaya nagnod na lang ako.
Mga ilang minuto pa ay nagdesisyon na akong bumaba pero bago yun ay sinuri ko ulit yung sarili ko sa salamin.
Nadatnan ko si Chase na nakaupo sa may sala. Agad rin siyang tumayo nung napansin na niya ako. "Good evening Raine."
His eyes examine me from head to toe. He smiled at me kaya sinuklian ko rin siya ng isang matamis na ngiti. "You really are beautiful."
Nagpaalam na ako sa tita ko at umalis na gamit yung puti niyang sasakyan. Hindi siya yung nag-drive kaya magkatabi kami sa back seat.
Mahigit thirty minutes rin yung byahe bago kami nakarating sa mismong venue ng sinasabing prom namin. Marami-rami na rin yung estudyante. Klase-klase yung disenyo at tabas ng mga kasuotan. Inilalayan rin ako ni Chase sa pagpili ng mauupuan.
"Close pala si Ms. President at si Chase?"
"Diba nga nililigawan na siya ni Chase."
"Baka nga sila na dahil madalas silang magkasama."
"Bagay rin naman sila pero kainis naman taken si Chase."
Narinig pa namin yung mga tilian ng babae dahil kay Chase at maging yung mga bulong-bulongan nila pero di na lang iyon pinansin at nagkunwaring di sila naririnig. Wala rin naman kasing katotohanan iyong mga bali-balita tungkol sa bagay na yun.
Nagkwentuhan lang kami ni Chase nung nagtilian na naman yung karamihan. Nakita ko ang pagpasok ni Ferrer ng mag-isa, samantalang yung ibang barkada niya na nasa likutan niya ay may kanya-kanyang dalang ka-date. Yung panghuli ay si Jimenez. He is with Yellin. Todo ngiti pa siya kahit di naman talaga bagay sa kanya.
"Sila ba ulit?"
"Gwapo naman talaga nila!"
"Naku! Maghihiwalay na naman yan. Pustahan tayo, di yan magtatagal."
"Alam mo naman yang si Winter, paiba-iba lang yung dessert."
"Huwag ka nang sumimangot diyan Raine. I'm still here." hinawakan niya pa yung bibig ko at pilit itong hinulma sa ngiti. "Magtigil ka nga Chase. Hindi naman ako nakasimangot dahil sa lalaking yun noh." sinubukan ko ring alisin yung kamay niya pero tinawanan niya lang ako.
"Sinabi kong nakasimangot ka pero di ko rin naman sinabing dahil sa kanya." I sighed when I found no words to say. Tumingin si Jimenez sa banda namin pero agad rin siyang umiwas ng tingin nung nahuli ko siya.
"Never mind Chase. Let's just enjoy this night."
Past ten o'clock na pero kanina pa ako hindi mapakali. Hindi nga ako nag-enjoy sa prom. Ewan ko ba at parang may kung ano-anong bagay na lamang yung pumapasok sa isipan ko. Kanina nga habang sumasayaw kami ni Chase ay palagi na lang mali-mali yung steps ko.
"Chase, uuwi na ako." hindi ko na talaga na kayanan at nagpaalam na ako sa kanya. "Uuwi ka na ba talaga?" tumango-tango naman ako bilang sagot sa kanya.
"Ihahatid na kita Raine." he insisted pero ilang beses akong tumanggi. "No, you need to enjoy this party. Ayokong maabala ka pa."
"If that's what you want ay ipapahatid na lamang kita sa driver ko Raine. Baka mapaano ka pa." I just nodded and left him.
It was already 11 in the evening nung nakarating ako sa bahay pero hindi ko nadatnan si Tita ko. Hindi rin naman ako nagtaka dahil nasanay na rin akong madaling araw na siya umuuwi kadalasan.
Natapos na akong magbihis nung nakita ko si Aleng Selly na humahangos na nagtatakbo sa akin.
"Iha, yung tita mo... Kanina pa nasa hospital dahil na hit and run siya."
Note: Team Chase o Team Jimenez? Pili kayo please para malaman ko. Haha Survey lang. Lols!
BINABASA MO ANG
Indebted
General FictionDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...