Walang bahid nang emosyon ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Naglalaro ang diwa ko sa kung saan-saan at di na inaaalala ang mga sinasabi niya ngayon. Wala akong ni isa na naintindihan sa mga lumalabas sa bibig niya. Basta ang alam ko lang, nagsasalita siya sa harap ng maraming estudyante, nakatitig ako sa kanya, menimemorya ang bawat parte ng mukha niya dahil sa tingin ko ay ito na ang huling beses na muli ko siyang mapagmamasdan ng ganito katagal at makikita sa malapitan.
Our Suma cumlaude is now delivering his speech. Dominique Winter Jimenez is our Suma Cumlaude.
I should be happy that it is already my graduation day but instead I feel the other way around. Pinagsisihan kong kumapit ako sa mga salita ng isang Jimenez. Jimenez will always be Jimenez. Kaya ako nasasaktan ng ganito dahil nagpakatanga ako sa lalaking nasa stage ngayon at nagsasalita.
"Sometimes in life, we need to bid goodbyes even if you don't want to. Some things in life are meant for someone else rather than what you think is yours. It's seemingly like our dreams we'll build sooner or later, we might ended up loosing some things or some one because of what we choose. What we have decided to choose often times are not for us so there is a chance that we'll fail. We need to remember that failure is the biggest part of success. Life is a little bit boring if success is the only reward at the end." I never understand any of his words dahil wala ako sa sarili ko. Tanging ang pag-ngiti niya lang ng bahagya sa mga sinasabi niya ang inaatupag ng mga mata ko.
His playful smile. Yung mga ngiti niyang minsan nang naging dahilan upang makalimutan ko ang isang tunay na Raine Montreal.
"Practically sometimes means choosing what we must and not what we love." Nakangiti siya subalit alam kong may bahid iyon na kalungkutan. His eyes speaks itself.
Mga ilang minuto pa bago ko na narinig yung mga kapwa kamag-aral ko na nagsipalakpakan. Nagsitawanan rin sila at tanging ako lang yung hindi.
Nahuli ko pa siyang tumingin sa akin bago umalis sa pamphlet na kinatatayuan niya. Hindi ko maiwasang makipagtitigan sa kanya nung nagtama ang aming mga mata.
He smile pero di na ako ngumiti pa. Nauna na akong bumitaw ng tingin. Hindi na kaya ng labi ko ang ganung bagay. Bumaba na rin siya sa stage.
Ito na siguro ang huling pagkakataon na makakaramdam ako ng bagay na di pwede, I shouldn't feel pity on myself. Ito na rin siguro ang araw na muli akong aasa. At ipinapangako ko sa sarili ko na ito na rin ang huling pagkakataon na hahayaan ko ang aking sarili na masaktan.
I need to wake up that there is no thing such fairy tales. I need to accept that when some thing don't last, some don't eventually starts. Maybe my utopia ends up here.
I'm not his girl. I'm not his to hold. Some things in life are meant for someone else rather than what you think is yours.
Isang patak ng luha ang kumawala sa mga mata ko. Pinahid ko iyon gamit ang aking kamay. Actually it is a tear of joy. Just one tear of joy. Ito na ang huling beses na iiyak ako.
Napalingon ako sa taong humawak sa balikat ko. Isa iyon sa mga professor ko. Ngumiti ako habang nakamasid sa kanyang mukha at sa tingin ko ay may sasabihin siya.
"We need to talk." she gestured me way out there. Dalian akong tumayo at sinundan siya.
Malayo-malayo kami mula sa karamihan at di na masyadong malakas ang ingay na naririnig dito.
"Ano po yun maam?" I tried to smile but I failed when she looked at me with concern. I feel that something is worrying her.
"We have just receive the call na yung Tita mo ay nag-aagaw buhay." Yung Tita ko, hindi pa siya nagigising at ngayon naman ay malalaman kong nag-aagaw buhay siya.
Hindi na ako nakapagpaalam pa at nagkusa na ang aking mga paa na tumakbo sa kung saan ito nararapat ngayon.
I hailed a taxi. Mabuti na lang at dala-dala ko ang wallet ko ngayon.
Nagmadali akong bumaba at nagtungo sa silid na kinaroroonan ni Tita.
Maraming nakapalibot sa kanya ngayon. "Tita!" nagsisigaw na hikbi ko habang inaasikaso siya.
Katulad ito ng mga napapanood ko sa telebisyon. Mas lalo lang lumalakas ang sigaw ko habang tumatagal. Umaasa akong sa mga sigaw ko ay baka sakaling magising siya.
"Tita! No please!"
It won't happen again. I don't want someone leaving me again. I don't want to lost someone again this time.
Pati ba naman siya, iiwan na rin ako? Hindi pwede. Hindi ko kaya.
Tumigil ang ingay. Tumigil sila. Tanging ang tibok na lamang ng puso ko ang naririnig ko ngayon.
"She is fine now. She is awake Miss Montreal."
I smiled thankfully. And there is one thing I'd realize.
When my Tita is in a coma, si Winter ang naging kasama ko pansamantala. And now she's awake, Winter's also leaving me. How painful to think that I can't have two special persons in my life at the same time.
-------------
You were hired.
Di maalis sa labi ko ang mga ngiti na nakadikit dito nung makatanggap ako ng call sa isa sa mga kompanyang gusto kong pasukan.
Makakatrabaho na ako! Maaahon ko na ang sarili ko at si Tita. Sa two months na pakikipagsapalaran, finally ay tanggap na ako!
I hurriedly run towards Tita. Nais kong ibalita sa kanya iyon. Nagbago na si Tita, I was thankful though na may mga iilang bagay siyang hindi pa naaalala at hindi na maaalala, that's what the doctor said to me. Pero okay lang yun, ang mahalaga ay kilala niya pa rin ako at buhay siya hanggang ngayon.
Nakita ko si Tita sa may kusina habang nagkakape. "Tita!" masigla kong sabi dahilan para ibaba niya ang dyaryo na kasalukuyan niyang binabasa.
"Makakapagtrabaho na ako! Hired na ako. " pati siya ay nahawaan ko sa pag-ngiti. "Matutupad mo na talaga ang gusto mo Raine." agad akong lumapit sa kanya at niyakap niya ako.
"Masaya ako Tita." saka ako kumawala sa mga yakap niya. "Tama na nga ang drama." ani ko pa saka umupo sa tabi niya.
"Hindi ba kaklase mo 'to?" bigla akong napalingon sa larawang tinuturo niya na nasa dyaryo.
"Si Mr. Jiminez!" wika niya pa nung natandaan na niya.
"Ang aga niyang nag-asawa, palibhasa may pera nga naman sila. May kaya naman sila eh." kinuha ko sa kanya ang dyaryo. Tiningnan ng maigi anh babaeng kasama niya.
Nakasuot sila pareho ng pangkasal habang mababakas ang kasiyahan na nagyayakapan. Naka-sideview kaya di ko nakita ng maayos ang itsura ng babae.
Nalaman ko lang ang pangalan niya dahil sa iilang impormasyon na nakasulat sa ibaba.
Maxie Buenavintura.
Bigla ko na lang inilapag sa mesa ang dyaryo nung naramdaman ko ang pagbaligtad ng sikmura ko. Nagtatakbong tinungo ko ang sink at nagsuka.
Naramdaman ko agad ang presensiya ni Tita sa likuran ko. "Raine, okay ka lang?" nag-aalalang hinahaplos-haplos niya ang likod ko.
"Napapadalas ata yung pagsusuka mo. May di ka ba sinasabi sa akin?" napahilamos ako sa mukha ko. Unti-unti humarap kay Tita at niyakap siya.
Pinilit kong huwag nang umiyak. Pero ramdam ko ang panginginig ng labi ko. May pagdadalawang isip kong aaminin ko na ba o hindi pa.
"Sinong ama?" naunahan na ako ni Tita. Wala pa akong nabanggit sa pagbubuntis ko ay iyon na ang tanong niya sa akin.
Tumahimik ako saglit. "Hi-hindi ko alam." mas maiging iyon na lamang ang isasagot ko sa kanya.
Mas maigi na yung walang nakakaalam kung sino ang ama ng magiging anak ko.
Mas mabuti na ring ibaon ko siya sa limot. Iyon ang dapat... Ang kalimutan ang isang Dominique Winter Jimenez.
Note: Curious lang, Anong gusto niyong mangyari kay Raine o kay Jimenez kung sakali lang. Haha back to zero ang following at Followers.
BINABASA MO ANG
Indebted
General FictionDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...