Walang tigil sa pag-aalsa itong puso ko. Pilit kong nilalakasan ang aking loob sa bawat paghakbang papalayo sa iskandalo kani-kanina lang nangyari na kinasasabwatan ko. Hindi maiwasang manginig ng tuhod ko dahil siguro ay dala na rin sa kahihiyan na maari kong maani nito kalaunan.
I am hesitant whether I should follow Winter or not. Kung susundan ko naman siya ay baka mas lalo ko lang pinatunayan na kabit ako na wala namang katotohanan. Kapag hindi ko naman siya susundan ay wala naman akong ibang alam na pupuntahan o ewan ko na nga ba kung may mapupuntahan ako.
"Raine! Get in." Napatingin ako kay Winter na hanggang ngayon ay iritado pa rin ang mukha. Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan habang hinihintay akong pumasok.
"Bilisan mo. The media is fast approaching towards us." Bigla akong napalingon sa likod ko. Halos nakikita ko na ang mga nag-iilaw na camera na kanilang dala kahit ang layo pa lang nila. Kahit ano mang minuto ngayon ay pwede nila akong makorner.
May parte sa akin na gustong linawin sa kanila ang katotohanan datapwat ay gusto ko na lang rin tumakas sa kung ano man ang meron ngayon.
"I hate interviews and such kaya kung ayaw mo, di kita pipilitin." Narinig ko na ang pag-andar ng makina ng kanyang sasakyan subalit ang pinto nito ay nakabukas pa rin para sa akin.
I know Winter won't really take jokes at the very moment. Seryoso talaga siyang iiwan niya ako dito at di niya ako pipilitin.
With a little hesitation, I jump into the car. Pagpasok ko pa lang sabay saradong pinto ay siyang pagharurot naman ng sasakyan niya.
Habang lumalayo ang aming sinsakyan ay siya naman pagtanaw ko sa media na dumadagsa na parang zombie.
Unti-unti nang napawi ang aking labis na kaba nung kampante na akong nakalayo na kami mula sa kanila. Tulala na lamang akong nakatingin ng direkta sa daan na aming tinatahak. Ngayon pa labg ay iniisip ko na ang problema na maari kong kasangkutan sa harap ng publiko.
Kabit. Third party. Iyan ang bagay na ayaw kong masiwalat dahil hindi naman talaga iyon totoo. Subalit hindi ako tanga na aasang walang lalabas na kahit ano mula sa pangyayaring iyon. News are too fast. Siguro ay na on air na iyon.
"Raine, stop thinking about it." agad kong iwinaksi ang kamay niyang ipinatong sa kamay ko. Tila nakakakuryente ito na parang hindi ko maipaliwanag. I am exaggerating things.
"Everything will be okay." Itinuon ko ang aking mga mata sa nakaside view niyang mukha. He is now the winter who is in the state of calmness. Wala na yung iritado niyang mukha.
How can he say things like that? How can he be so sure?
"Trust me. We will be okay. Our family would be eventually okay." Kumunot ang noo ko sa aking narinig mula sa mga katagang sinabi niya. Our family? Wala akong natatandaan na meron kami niyan.
I want to smile bitterly. Sadly, wala kaming ganun. Hindi kami pamilya.
"Yeah. Your family will be eventually okay." sagot ko pa sa kanya pabalik para linawin na rin lahat.
"We are not married. Hindi akin yung batang dinadala niya. Sayo lang ako mayroong anak Raine." seryosong saad niya habang tuloy pa rin ang pagmamaneho.
"Pero kasal kayo sa mata ng mga tao, sa harap ng publiko. Kailan mo ba mauunawaan na hindi na tayo pwede. Hindi na magiging pwede. Hindi na tayo Winter. Matagal na tayong wala." Walang siyang naging imik sa sinabi ko. Hindi ko siya kayang tingnan at nanatili lamang ang tingin ko sa gilid ng daan.
Napansin ko na lang na huminto na pala yung sasakyan namin. Wala akong ginawa kundi nanatiling nakatanaw sa gilid.
Hindi ko masisisi yung sarili ko kung may parte pa rin sa isipan ko na sinisisi siya sa lahat ng nangyayaring ito.
Bakit pa kasi niya ako iniwan? Bakit di niya ako nagawang ipaglaban? Alam kong nagpaliwanag na siya tungkol don pero di ko ma lang naramdaman noon na pinaglaban niya ako kahit papaano.
Bakit pa kasi siya bumalik? Kung makaasta siya ngayon ay kaya na niya akong ipaglaban sa gayong matagal nang tapos ang laban.
Tapos na iyon simula nung natutuhan niya akong pakawalan. Wala nang saysay pasa pagbuo ng aming pamilya kung alam ko namang may mawawasak.
"Don't I have a chance? Wala ba talaga Raine? Wala na ba talaga?" Rinig na rinig ko ang basag niyang boses. Hindi man niya ipapahalata ay alam ko pa rin iyon.
He still is a human. Umiiyak rin siya. Hindi na bago sa akin yun.
"Wala na ba talaga? Raine, handa na akong harapin lahat ng pambabanta ni Dad, kahit ano pa yan, makasama ko lang kayo ng anak natin." Pangungumbinsi pa niya.
I tried to close my eyes to keep the tears on running. Noong idilat ko ang aking mata ay kasabay ng pag-iling ko ng ilang beses.
"I want to hear it from you. I don't want gestures. Tingnan mo ako sa mata Raine kung iyan talaga ang gusto mo." paghahamon pa niya sa akin.
Kahit hindi ko kaya ay dahan-dahan pa rin akong tumitig sa matang minsan nang nagsabi sa akin ng totoong pag-ibig.
"Stop fighting. Para kang tanga kung magpapatuloy ka sa ginagawa mo. Lalaban ka? Anong ipaglalaban mo kung sa simula pa lang ay matagal nang sumuko ang bagay na nais mong ipaglaban. Matagal na kitang sinukuan Winter. Sobrang tagal na." Iyon ang mga salitang aking binitawan bago napagpasiyahang lumabas na nang sasakyan.
Hindi ko na kakayanin pang makita siyang lumuluha.
Narinig ko ang pagsunod niya sa akin pero sige pa rin ako sa paglalakad kahit du ko alam kung saan na ako banda.
"Raine..." Ayoko nang pakinggan pa siya.
"Raine... " Ayoko nang tingnan pa siya sa huling pagkakataon.
"Raine..." Ayoko na.
"Raine Montreal!" Hindi ko sita matiis. Huminto ako pero hindi ako lumingon. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na siya.
"It will be the last time I will ask a hug from you and promise hindi na kita guguluhin pa." wala akong imik at nakatitig lang sa kanya.
He smiled. "Iyon ang gusto mo diba?" Without any answers, he hugged me for a while.
"Kahit di na tayo magiging buo pa, ipakilala mo lang ako sa anak ko. Susuportahan ko siya bilang ama niya, yun lang ang hihingin kong pabor." Pinakawalan na niya ako mula sa mga bisig niya.
"I promised you Rain, wala na akong hihilingin pa. Babalik na ako kay Max. Aakoin ko na rin yung batang dinadala niya. Yun nga siguro ang makakabuti." Kumawala na ulit siya ng isang mapait na ngiti.
"I will be looking forward to meet my child." Pumasok na siya sa sasakyan. Nakatayo lang ako doon habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng sasakyan niya.
Ang sakit-sakit. This is the second time I let go of him. How ironic. He is the one who wants to let me go before and now I was the one who is ready to let him go and be with someone else.
BINABASA MO ANG
Indebted
General FictionDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...