"Rain Montreal."
"Rain Montreal."
"Rain Montreal."
Pang ilang ulit kong narinig yung pangalan ko na binanggit ng isang gago na papunta sa direksyon na kinaroroonan ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil alam kong isang asungot lang ang may boses na ganyan. Simula nung tumuntong ako sa unibersidad na ito ay memoryado ko na ang itsura ng lalaking yun at maging boses nito ay kilalang-kilala ko na.
Patuloy lang ako sa paghahalungkot ng gamit ko mula sa locker ko at nag-aalalang baka male-late na ako sa next class ko.
"Ms. President."
Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil paniguradong mangugulo lamang siya. Wala yang ginawa kundi ang bwesitin ako.
Nang sinara ko na yung locker ko ay naramdaman ko nang papalapit na ang hakbang niya sa likuran ko.
"Babe." and this time ay nasa likuran ko na nga siya. Ramdam ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko at ang pagdami ng mga labi niya rin doon na nagbigay naman sa akin ng kakaibang boltahe. Yuck! Mandiri nga ako sa pinag-iisip ko.
Mula sa kanyang pagkakaakbay ay pilit kong iwinaksi yung mga kamay niya sa balikat ko.
"Fuck off Jimenez!" nanggagalaiting sabi ko nung tuluyan ko na siyang kaharap. He just act cool. Naglip bite pa ang gago and he slightly grin.
"And one more thing, huwag mo akong tawaging babe. Huwag mo akong itulad sa mga babae mo." I start to walk away from him at tuluyan ko na siyang tinalikuran.
"What about your secret?" napahinto ako sa narinig ko mula sa bibig niya. I faced him for the second time around. I saw him smirked.
"Are you blackmailing me?" Gusto ko na talagang isampal sa kanya ang mga librong dala-dala ko ngayon. Maging ang mga kamay ko ay naikuyom ko na sa galit ko sa kanya. Hanggang kailan ba siya titigil?
"Does it works?" he raised his brows. He leaned in the locker nakuha niya pang ilagay yung mga buhok kong nakatabon sa mukha ko pabalik sa likuran ng tenga ko pero buti na lang natapik ko yung kamay niya nung sinimulan na niyang haplusin yung mukha ko.
"Huwag mo nga akong mahawak-hawakan Winter! Baka sa kung saan-saan na dumapo yang kamay mo." tila nandidiri ko pang sabi sa kanya. I didn't find any reason kung bakit maraming nanghahabol at tumitili sa kanya. Nakakabwesit nga itong isang ito.
"Woahh! Chill!" sabi pa niya sa akin na pilit akong pinapakalma. "I promised, sayo lang ako." he gestured me the panatang makabayan hand. "Hetong puso ko, sayo lang nakalaan."turo pa niya sa puso niya. "Itong isip ko, ikaw lang laman nito. "
Nasusuka ako sa mga naririnig mula sa bibig niya. "Itong katawan ko para lang to sayo. Ito... " turo pa niya sa pagkalalaki niya na ikinakunot naman ng noo ko. Like hell hindi ako interasado sa kanya. "promise, sayo lang ito."
I just heaved a sigh. "Pwede ba Winter tantanan mo na ako? Alam mo, style mo sobrang napakabulok. Narinig ko na yang sinabi mo sa mga babaeng kinama mo na."
"Come again?" this time I was confused. Bakit parang ang saya-saya niya? "My name. Tinawag mo ako sa pangalan ko. Not my surname, not Jimenez."
"Yeah whatever." This time narinig ko na ring tumunog yung bell so I hurried up.
"Wait! Babe naman." sigaw ni Jimenez habang sumusunod sa bawat paghakbang ko. Bahala siya diyan. I-babe niyang mukha niya.
I decided first na pumunta ng C.R dahil gusto ko munang umihi. Kaunti na lang yung mga estudyanteng nasa labas at halos sa kanila ay nagmamadali para sa next subject nila.
Mga ilang minuto pa akong naroon sa cubicle dahil ayokong makasabay yung Jimenez na yun papunta sa third floor. Dahil sa malamang ay malamang hinihintay na ako nun sa labas para bwesitin na naman.
After three minutes ay napansin ko na rin na mukhang wala na ring mga babae sa ibang cubicles at rinig kong tahimik na yung labas ng C.R.
I was busy checking my whole reflection in the mirror when I heard that very manly voice yet ang sakit sa tenga ko. "Maganda ka na. Kung alam ko lang nagpapaganda ka lang sa akin." he hugged me from my back then he traced a deep kiss in my neck.
"One more try Jimenez, manyakin mo pa ako at masisigurado ko talagang mawawalan ka ng future mo." I keep on staring ourselves in the mirror. Dikit pa rin yung katawan namin.
"Babe naman, pano na lang kaya kita mabibigyan ng junior, ng prinsesa? Pangako ko pa naman sayo na bubuo tayo ng isang malaking pamilya." he even trace his finger on my neck.
"Ano ba?! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo. Huwag mo nga akong bwesitin at tigilan muna ako sa mga kalokohan mo. " I almost shouted but I tried to minimize my voice dahil baka may makarinig. "I already heard that many times na sinabi mo sa mga babaeng nagamit mo na. Am I right?" I smirked. Alam ko naman kasing laro lang ito para sa kanya. It seems that everything to him is just a mere game na kapag pagod ka na ay pwede mo lang tapusin ng salitang "Sorry".
Nakitang kong nag-iba yung mukha niya. Alam kong galit na siya ngayon. Kilala ko na itong lalaking ito. "Paano ba kita makukuha? Hindi ka ba talaga madadaan sa usapan? Ha? Montreal?" he even raised his brow when he said those words to me.
"I can make your life a living hell within just a single of glimpse." This time I feel uneasiness dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya at sa mga matang hindi ko maipaliwanag kung ano ang emosyong kumakawala sa mga ito.
"A-ano ba talaga yung gusto mo?" nauutal ko nang tanong habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Ikaw. Yung katawan mo. How much? Magkano ka ba?" halos sumakit yung dibdib ko nung sabihin niya yun. Hindi porket mahirap ako maari na niyang tapakan ang pagkatao ng kahit na sino. Nagmistulang may sariling isip yung kamay ko at nasampal ko na lang siya.
"Hindi porket ganun yung trabaho at katayuan ko ay pwede mo na akong tratuhin na parang laruan na pwede mong bilhin na lang. Tandaan mong hindi ko ginusto ang trabahong iyon. Hindi ko ginustong sumayaw sa maraming tao na halos nakahubad na. Ganun na lang ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin? Hindi lahat nabibili ng pera mo." I was about to walk away nung narinig ko siyang nagsalita.
"Just enjoy your days Montreal dahil kapag naging akin ka na sisiguraduhin kong matitikman mo ang tunay na impyerno hatid ng isang Jimenez. Sisiguraduhin kong ikaw na ang lalapit sa akin para magmakaawa."
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Indebted
Ficção GeralDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...