Indebted 9

6.9K 321 25
                                    

Mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako umupo sa isa sa mga silyang nasa harapan namin. Naghintay lamang yung dean na umupo si Jimenez bago siya nagsalita.

"Alam niyo naman siguro ang batas na nilabag niyo dito sa institusyong ito." pagsisimula ng dean. "Mr. Jimenez" pagbaling niya ng atensyon sa lalaking kaharap ko ngayon. "Ms. Montreal" pagkilala rin niya sa akin at tiningnan rin ako. Nanatili lang kaming tahimik pareho. Mabuti na nga lang dahil yung paghalik lang sa akin ng lalaking yan yung nadatnan ni Professor Cieba sa room na iyon.

"The offense you have both violated is analogous under category three. Doing indecent things and informalities in the school is prohibited." nakatuon lamang yung atensyon ko sa dean. "It's a must to have a conference with you. But because this is your first offense, I will have to consider this as a mistake but of course there will still be a detention for the both of you." ibinaling ko yung atensyon ko sa kanya pero halata namang hindi siya nakikinig. Pabalik-balik na naman siya dito eh. Sanay na siyang bumisita dito dahil sa mga away na laging pinapasukan niya.

"I will be giving you a two weeks detention. Kailangan niyo lamang linisin yung Biology laboratory at Chemistry Laboratory everyday. Pareho naman ninyo sigurong pinangangalagaan yung reputasyon ninyo dahil isa kayo sa pinakaagaw atensyon ng University. Every students has a high expectation from the two of you. Being on the top means you are no an ordinary already. You gain respects which makes you earned a good reputation." mahabang paliwanag ng dean namin. Inayos niya pa ng bahagyan yung eye glasses niya bago nagpatuloy.

"Lalo ka na Ms. Montreal dahil ikaw ang kinikilalang Student Executive Council President. Walang makakalabas na issue about this if hihilingin niyo yun but be sure, the next time around, you should have the formalities because school will always be a formal affair. Hindi ito makakaabot sa ibang estudyante. I'll make sure of that kaya huwag kayong mag-alala." paninigurado pa ng dean. Mabuti na lang at may puso rin siya kahit papaano. Hindi tulad ng nababasa ko sa kwento na kahit yung dean mismo ay kontrabida.

Tiningnan ko si Jimenez pero panay laro lang siya ballpen na hawak niya. "So it is settled then. Two weeks detention." nagkibit balikat lang si Jimenez.

Nauna na akong lumabas ng office. Pumikit ako at kinagat ko yung labi ko. Buti na lang talaga at nakalusut ako sa gusot na pinasukan ko. Naglalakad ako sa hallway nung may biglang umakbay sa balikat ko. Napatingin ako sa kung sino man ang nag-mamayari nun at nakita ko ang mukha ng lalaking naging dahilan ng kahihiyan ko.

"What if we'll continue it? My place." agad kong iwinaksi yung braso niya mula sa pagkakaakbay sa balikat ko. "Ano ba!" naiinis kong tugon sa kanya saka ko siya tinulak palayo. "Mandiri ka nga sa mga kalokohan mo." pagpapatuloy ko sa mga litanya ko habang binibilisan yung paghakabang ng aking paa.

"What's wrong with what I said? What's the big deal? I already touched you. You already let me touched you." huminto ako dahil sa narinig kong sinabi niya. What's the big deal? Gago ba siya? Of course he made me feel low of myself.

"Pwede ba Jimenez, kung sayo wala lang yun. Yung ginawa mo, yung pagpapaubaya ko sa sarili ko sayo kanina ay parang okay lang yun sayo, sa akin hindi." sumbat ko pa na nagpatinag sa kanya. "I was just out of control kaya nangyari yun." I heaved a sigh.

"And one more thing, just forget about it." I turned my back to him and started walking away. "Damned you Montreal!" I suddenly stopped pero nanatili pa rin akong nakatalikod sa kinaroroonan niya. I can tell base from his voice na galit na nga siya. Minsan ko na siyang nakitang nagalit sa isa sa mga studyante dito dahil kinalaban siya. At dahil ako yung School President kailangan ko siyang awatin that time. Halos mapatay na niya yung lalaking estudyante sa bugbug noon.

This time, I decided to face him. "I'll do anything that will make you just to be with me. Kahit buntisin pa kita. I will do it."

"Easy for you to say those things dahil may pera ka nga naman. Oh I forgot, kaya mo nga namang tustusan ang pangangailangan ng bata kapag may nabuntis ka. Pero being a father? Masyadong malabo ang bagay na iyon. Hindi mo nga kayang magtino, maging ama pa kaya. You always think that everything can be possible through your money. Oo nga pala, ang baba ng tingin mo sa akin dahil isa lang na naman akong hamak na entertainer." pinigilan kong magmukhang mahina sa harapan niya kada nandiyan siya para bwesitin ako. Palagi ko na lang pinapakita sa kanya na palaban ako pero di niya alam na nasasaktan ako kapag tinatrato niya lang akong katulad nung mga babaeng kinakama niya lang dahil kahit kailan hindi ko gugustuhin na maging katulad ako ng ina ko. Ayokong maging ganun rin yung kapalaran ko.

"Uy! Bro! Kanina ka pa namin hinahanap. San ka na naman bang kama nanggaling?" pareho kaming lumingon sa mga barkada niya na papalapit sa kanya. Pinagtuunan naman ako ng pansin ni Ferrer.

"It seems that you two are fighting again. Palagi na lang bang lovers quarrel? Wala man lang bang intimacy?" mapagbirong sabi ni Ferrer. Narinig ko pa ang tawanan ng mga kasama nila pero nanatiling seryoso si Jimenez.

"Shut up bro! Fuck you!" saway naman ni Jimenez saka siya umalis at iniwan silang mga barkada niya. Nakita ko ang pag-iling sa isa sa mga kasamahan niya. They even slightly chuckled.

"It's your fault Montreal. Ilang araw na yung celibate dahil sayo. Pagbigyan mo na kasi yun. Believe me, he is really good at it." panunuya pa niya kaya kasabay ng pagngisi niya tulad ng isang aso. Napatiim bagang ako.

"Will you please watch your word?! Go and tell him to fuck himself alone. Manigas siya." maangas na sabi ko saka na rin sila iniwan. Narinig ko pa ang ingay nila pero di ko na lang iyon pinansin.

Napailing na lang ako. Mga taong walang magawa sa buhay nila kaya buhay na lang ng iba yung pinagdidiskitahan.

Author's Note: Libreng sumigaw dito. Walang bayad kaya mapasilent o active reader ... Comment kayo haha Lol

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon