Indebted 23

7.5K 241 90
                                        

Agad kong pinahid ang luha kumawala sa aking mata. Hindi ko namalayang nakatakas na pala ang isang butil ng luha mula don.

Damned it! Why the effin I am crying?! Nakakabaliw. Umiiyak ako ng walang rason.

Nilingon ko ang isang maleta na nakahanda na kanina pa. Kahit ayaw ko man ay kakailanganin kong pumunta doon. Mawawala ako ng tatlong araw. Hindi ko makakapiling ang anak ko. Nalulungkot ako sa ideyang yun.

Kanina nga ay napag-isip kong, isasama ko na lang pareho sila ni Tita doon. Kahit sa hotel lang sila tumuloy pansamantala ay okay na yun. Hindi ko na iisipin ang gastos.

Subalit naiisip ko rin na baka malaman iyon ng kasama ko na si Jimenez. Kahit na sabihin pa nating maraming hotel doon. Malaki ang mundo subalit ayoko nang sumagal pa ulit. May parte sa aking baka makita niya kami.

I directed my warm gaze to my son who is peacefully lying on my bed. May dala siyang stuff toy na maliit lang.

Hinahaplos ko pa ang makinis niyang balat. I want to tell some stories about his Dad pero alam kong hindi naman niya iyon maiintindihan.

Basta ay iyon lang ang gusto ko. Gusto kong malaman niya na may ibang pamilya yung ama niya. Na kahit kailan ay wala na kaming magagawa pa.

Nakatali na siya sa tunay na nagmamay-ari sa kanya. He is with his real family.

Hindi ko malimutan ang araw kanina. Malinaw pa rin sa isipan ko kung paano kami nagkasabay sa elevator ng asaw niya. Kung paano sila naghawak kamay papaalis doon. The thought of them having a baby is killing me. Ano ba kasing nangyayari sa akin?!

Kung makareak naman kasi ako ay parang ako yung tunay na asawa tapos nakita ko yung kabit niya at siya na magkakaanak. Yun yung feeling ko.

"You look like him Ash. Bakit sa kanya ka pa nagmana?" Huwag lang sana siya magmana ng ugali mula sa ama niya.

Umilaw ang phone ko na nasa table. Senyales ito na may tumatawag. Nakakatamad kunin kaya ibinaling ko na lang ulit ang atensyon kay Ash. Baka kasi tatawag na naman si Ivo at ipaparemind sa akin ang usapan kanina.

"Baby... " nakangisi kong sambit. Nakailang attempt na umilaw iyon hanggang sa sinagot ko na lang. It is not Ivo. Si Havana pala ang siyang kanina pa tumatawag.

"Hi Hav. I am sorry, nalingat lang ako dahil inaasikaso ko pa si Ash." magiliw na sagot ko sa kabilang linya. Hawak ko yung phone habang nakatutok ako kay Ash ng mabuti mula sa kinatatayuan ko.

I heard someone sighed on the other line. "Who's Ash?" I know whose accent is like this. Base sa tono niya at kilala ko siya pero inpossible naman ang iniisip ko.

"Who's Ash, Raine?" The way he says my name only concludes my guess. Siya nga ito pero bakit nasa kanya ang phone ni Havana?

"Never mind it." randam kong may bahid na paghihinayang ang kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa pangalang Ash o dahil lang sa hindi ako sumagot kung sino si Ash?

"Anyway, I just used Havana's phone to call you. Nandito kami sa isang resto na malapit sa Quirino District. We are still planning about the reunion. Will you mind if you'll be here for the planning? This is Winter, baka di mo na naaalala ang boses ko." I grimace at the last sentence. Kahit anong gawin ko pang tanggi, kilala ko pa rin siya... that's if he never change.

How can I forget him, when every time I look at my son, he is the one whom I always remember?

Ako na naman ang bumuntong hininga. Ayoko kasing iwan sa ngayon si Ash. I just can't.

"Pwedeng sa susunod na lang? Huwag muna ngayon, hope you'll understand. I uhh ---I am quite busy at this moment." ilang minuto pa akong naghintay sa isasagot niya. Matagal bago siya nakapagsalita ulit.

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon