"Fifty-five thousand." basa ko sa papel na hawak-hawak ko ngayon. Iyon pa ang kakailanganin kong pera para mabayaran ko yung tuition fee ko sa unibersidad na ito. Wala na naman sana akong babayaran kung hindi pa nila binawi sa akin yung scholarship ko. Hindi naman sana ganun kalala yung nagawa kong kasalanan para itanggal nila ako sa scholarship pero sadyang bruha lang talaga ang babaeng yun at dahil sa pera ay napaikot lamang nila ang sistema sa pamamahala dito. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nung tingnan ulit yung halaga ng perang kailangan kong pagtrabahuan. Kahit ano pang titig ang ginawa ko sa mga numero ay nanatili pa rin itong malaking halaga.
Paniguradong pagagalitan na naman ako nito ng auntie ko pag nalaman niya ang gusot na pinasukan kong ito. "Saan naman kaya ako makakakuha ng ganito kalaking halaga?" isa iyon sa mga tanong na paulit-ulit tumakbo sa aking isipan. Mababaliw na ata ako sa kaiisip ko.
Gusto ko na lang sanang itulog lahat nung may papel na nahulog mula sa may aklat ko kaya dalian ko itong punulot at baka ito ay liparin. Agad kong sinuri ang laman ng papel na iyon saka lang mas sumakit yung ulo ko. Mga requirements ito na kailangan kong gawin bago matapos ang quarter na ito. Sa mga oras na iyon ay gusto ko nang sumigaw na lamang dahil sa sobrang gulo na ng utak ko.
"Hey! The ball party will be next week. May nagyaya na ba sa inyo?" rinig kong usap-usapan ng mga estudyante dito na ang tanging problema lamang ang iyong susuotin nila at yung ka-date na lang nila. Samantalang ako, pinoproblema ko pa nga kung may pera ba ako para sa gagastusin ko sa susuotin ko. Ayoko na sanang sumali sa party na yan pero required kasi sa isang subject ko.
"Rain!" isang panlalaking boses ang narinig kong tinawag ako sa pangalan ko mula sa likuran dahilan para mapalingon ako. Hindi ako sanay na tinatawag ako sa pangalan ko dahil mas naririnig ko madalas yung pagtawag sa akin ng "Miss President" o "Montreal". The one and only Chase Fajardo.
"May I join you?" napakamot pa siya sa ulo nung tinanong niya ako. "Of course." sagot ko naman kasabay ng pag-ngiti ko ng pilit. Bumalik na naman yung isip ko sa kalawakan kasama nung mga bumabagabag sa akin.
"Something wrong?" he ask me showing me his curious face. "Wala." I heaved a sigh saka binaling yung atensyon sa school ground. Marami akong nakikitang estudyante na parang walang nga problema at ang sasaya pa talaga nila.
"Raine, may date ka na ba?"
Hindi ko talaga maiwasang maisip ko ano kaya ang buhay na meron ako kung di namatay si mama at kung alam ko lang sana kung sino yung ama ko. "Raine, do you have a date?" may narinig akong sabi ni Chase pero di ko napakinggan ng mabuti kung ano iyon.
"Ha?" wala sa sarili kong tanong. "I'm sorry. Pardon?" pakiusap ko naman sa kanya.
"Sabi ko, may date ka na ba?" umiling naman ako. "Wala akong planong umatend niyan."
"It's one of the requirements Raine. Paano na lang pag hindi ka pupunta, there is no exception. You should be there." napaisip naman ako pero wala rin naman akong magagawa.
"You will be my date, Raine." he didn't ask me. He just commanded me. "I never says yes Chase."
"No buts."
"Chase naman eh. Hindi mo kasi naiintindihan, wala akong pera para sa mga kaek-ekan na yan. Dagdag gastos lang yun. Bahala na." sabi ko naman sa kanya.
"Kung pinoproblema mo ang susuotin at gastos then ako na ang bahala sayo Raine. Remember niyaya kita, kaya ako na ang bahala sa lahat kakailanganin mo." he offered.
"There is no way. Nakakahiya na yun. Ayokong magkaroon ng utang na loob sayo o sa kahit kanino." tugon ko naman pabalik.
"Then I'll lend you some of my money. Bayaran mo na lang kapag nakaluwag ka na. Hindi ka naman kasi mapilit." he smiled. I saw his perfect white teeth. Kung gaano kaanghel si Chase ay ganun naman kademonyo yung Jimenez na yun. No doubt kung bakit nahulog ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Magkalayo talaga ang pag-uugali nilang dalawa.
"Sure ka ba sa pinagsasabi mo Chase?" paniniugrado ko. Baka mamaya niloloko lang ako ng isang to at maniwala ako. Mahirap nang magtiwala at umasa ngayon.
"I really am Raine." ngumiti siya ulit. "So ano na? Deal? Payag ka na?" umangat pa yung kilay niya. Tumango na lang ako.
"So it is final. Ikaw yung ka-date ko. "
"Oo na." magpapakachoosy pa ba ako kung si Chase Fajardo na ang nagyaya sa akin? Malamang hindi rin naman. May nahagip ang mata ko nung bigla na lang nagtinginan yung iilan sa mga estudyante sa covered court.
Agad na nakita ng dalawa kong mata si Jimenez na may kasamang ibang babae na naman. Another fling na naman. Nakita ko na yan ng minsan yang babaeng kasama niya ngayon sa Nursing department.
"Another flavor of the month." Chase chuckled kaya napadapo yung tingin ko sa kanya. "Bakit ayaw mo sa kanya Chase?" nakita ko ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. He seems holding something deep down. I am not just sure kung ano ang bagay na yun.
"It's a long story Raine. And maybe we are not just best buddies for each other. Tsaka isa pa, kailangan ba talaga ng rason kung bakit ayaw mo sa isang tao?" napaisip naman ako sa mga binitawan niyang salita. Oo nga naman, may punto rin naman siya. May mga tao talagang ayaw lang natin sa walang sapat na kadahilanan.
"So Raine, see you this coming Saturday. I'll take care everything for you." saka siya tumayo na at nagsimula nang humakbang.
He turned his back to me. Pinagmasdan ko lang ang likuran niyang papalayo nung bigla siyang humarap ulit. "Raine." kinindatan pa niya ako saka agad na tumalikod. Ang ewan niya para siyang high school.
All I think is him. All I think is Chase. I just have realized that I am smiling for no reason or do I have?

BINABASA MO ANG
Indebted
Ficțiune generalăDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...