Indebted 30

5.8K 228 98
                                        

Pain. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unti na akong kinain ng paghihinayang sa aking nakikita. Ganun pa man, I will stand up with my decision. Sapat na sa akin kung anong ugnayan ang mayroon sa amin ni Winter.

He is the father of my child. That is all what he means for me. Iyon na lang. Hanggang doon na lang.

We already have this kind of settlement. Anytime, pwedeng dalawin ni Winter yung anak namin... wala akong problema doon. Hindi ko ipinagkait sa kanya ang maging ama para kay Ash. Sapat na siguro iyon para maging okay na ang lahat.

It is been three months na rin mula nang mapagkasunduan namin ang tungkol dito. And well, they are happily living together. Hindi na rin naman kasi tutol dito si Maxine. She already knew about our child at wala iyong problema sa kanya since magiging mommy na rin siya. She is just making a favor for Ash's sake.

I heaved a sigh as I dismissed my sight towards Winter who is carrying Ash at the moment. He seemingly enjoy the company of our baby.

Mahihinuha kong galing pa siya sa trabaho base sa kanyang suot. He still wears polo shirt and slacks. I am delighted that he did try his efforts on sparing a time with his son.

Ibabalik ko na sana yung tingin ko sa mga papeles na kailangan pang pag-aralan nang marinig ko ang mumunting iyak ni Ash.

Kitang-kita ko na kahit anong gawing pagtahan ni Winter sa kanya ay ayaw pa rin itong tumigil sa pag-iiyak. Spoiled baby boy.

Tumayo na ako at nagkusang lumapit sa mag-ama. Habang papalapit ako ay mas lumalakas ang iyak ng bata.

"Come here Ash." narinig iyon ni Winter kaya napalingon siya sa kinatatayuan ko. Ibinigay naman niya agad sa akin si Ash na ngayon ay namumula na ang mata sa kakaiyak.

"Stop crying okay?  Mommy's here." sabi ko pa sabay hele sa kanya.

"Ano ba kasing ginawa ng daddy sayo?" kinakausap ko pa yung bata na tila nauunawaan na niya ang sinasabi ko. Ngumisi ako kay Winter na seryoso namang nakatingin sa amin.

"Biro lang." pahabol na saad ko kay Winter dahil parang wala nang bukas kung makatitig siya.

I stop talking when I never heard a reply from him. Ni hindi nga siya nagsasalita kanina pa. What's wrong with him?

Nang unti-unti nang tumigil si Ash sa kakaiyak ay napag-isipan kong magtimpla na muna ng gatas.

"Winter,  pakikarga muna kay Ash. Magtitimpla lang ako saglit." Walang pag-alinlangang kinuha naman niya sa akin ang bata.

Agad akong nagmadali sa pagpunta sa kitchen dahil baka ay iiyak na naman yung anak ko. Wala yung Tita ko sa ngayon dahil may pupuntahan daw siyang kaibigan niya. Sakto namang pagdating mismo ni Winter nung umalis na siya. Nang matapos ako sa pagtimpla ay bumalik na ako patungo sa kinaroroonan ng mag-ama.

Pagpasok ko sa silid ay sumalubong sa akin ang pigura ni Winter na nakatalikod habang karga pa rin si Ash. Abala ang kanyang mga mata sa bawat litratong nakadikit sa pader.

Iyon yung mga litrato namin ni Ash mula noong ipinanganak ko siya at sa mga nagdaang buwan.

Dahan-dahan lang akong naglakad. Ninanais na sanay huwag gumawa ng ingay.

"You still look beautiful here Raine. So hindi ako manghihinayang kung sa akin o sayo magmana yung anak natin. You know? We both has a good genes so we ended up having a great looking child." nakangiting ani niya saka ibinaling sa akin ang mga mata.

Hindi pa rin pala siya nagbabago. Still the same man, a conceited jerk.

"Akin na muna si A--" hindi pa ako nakatapos ay nagsalita na siya.

"I insist, ako na muna bahala kay Ash. You can go back to your work Raine.  Since I know that you still have a lot of work to do." That give me some enlightenment. Agad na nagliwanag yung mukha ko.

"You sure?" paninigurado ko pa.

"As much as I want you beside me,  I can't." hindi ko na pa pinansin yung naging saad niya at humakbang na papalayo sa kanila.

"Even how I tried to be close with you,  you always end up making reasons to avoid me, Raine." I never heard anything. I acted that I never heard any. Tuluyan na akong umalis at mas pinili na lang na bumalik sa mga paper works.

Kahit na nakalabas na ako sa silid at nakaharap na ako sa tatrabahuin ko, hindi pa rin nagbago ang atmospera. Even how I tried to act normal, he always does things that will make the atmosphere awkward.

Muli ay itinuon ko na lang ang atensyon sa nakatambak na proyekto. Dito na lang dapat ako magpokus.

Mula sa maiging pag-aaral ng bawat papel na kaharap ko ngayon ay nararamdaman ko na rin ang pagod. Napahilot na lamang ako sa aking sentido. Kailangan kong matapos ang isang report na ito para bukas.

While I am massaging my temple, my gaze tightened toward the figure who is currently beside me. Nakatitig rin siya ngayon sa mga papel na hawak ko.

May itatanong sana ako nung naunahan na niya ako sa aking iniisip.

"Our baby is fast asleep. Don't worry, magaling ako magpatulog." ...pero mas magaling kang magpaiyak. Iyon sana ang gusto kong ipuna pero mas minabuti kong tumahimik na lang.

"How's your day?" tanong ko na lamang sa kanya habang nage-encode.

"Tiresome. I need kisses and hugs. No,  more than that." Nakita ko ang pag-ngisi ng gago sa aking peripheral vision. He is seemingly teasing.

I tried to look at my watch. It is already 9:30 in the evening yet he is still here.

"Late na. Baka hinahanap ka na ni Max. You should be home by this time." plain na saad ko sa kanya.

Napatingin ako sa gawi niya nung ang tanging ginawa niya ay ang ngumiti.

"How sweet of you, Raine. Kay Max wala akong curfew pero sayo meron pala." ani niya pa.

I sighed. Akala ko ba nagmature na ang utak nito.

"I am not concerned with you, nag-aalala ako para kay Max. Buntis yun tapos baka may kakailanganin siya." Pagrarason ko naman.

"Let's eat first." tugon pa niya saka nagtungo sa kitchen. Sinundan ko siya ng tingin. Well,  kailan pa siya feel at home dito?

Hindi ko na lang siya pinansin saka muling itinuon ang mata sa ginagawa.

Maya-maya pa ay narinig ko ang yabag niya. Pag-angat ko ay nakita ko ang dala-dala niyang Adobo.

"Akin na 'to since hindi ka pa naman nagugutom." agad akong napatayo. Paborito ko yan kaya hindi ako makakatanggi. He really knows how to get my attention.

"Uy! Kainin mo lahat ng kung ano diyan,  huwag lang yan!" pagsunod ko naman sa kanya sa kitchen. Nagdadabog na ako sa paglalakad.

When I entered, I saw him grin.

"Let's eat Raine." Nagsimula na siyang kumain kaya umupo na rin ako kaharap siya.

"I really know na di mo matatanggihan ang paborito mo, Raine."

"Kasi paborito ko." I replied.

"Kasi masarap?" he asked so I nodded. Patuloy lang ako sa pagkain, maging siya rin ay lumalamon.

"Then how can you say no to me? Masarap rin naman ako." napatigil ako sa aking pag-nguya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Di ka talaga titigil sa pambebwesit?" tanong ko. Ngumisi lamang siya.

"It depends."

"Ewan ko sayo Winter." Napailing na lang ako. Mahirap talaga kumausap ng immature.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng walang nagsalita sa amin. A minute of silent.

"Please,  let me have you back." biglaang saad niya.

"Raine, just say I can still be yours and I gonna come back." ulit pa niya.

"Please let me. I know I sound selfish,  but I want to be happy."

P.S If you are in the shoe of Raine,  will you let Winter to? Comment mga Babies :) I love you all. Salamat.

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon