Indebted 33

5.2K 166 32
                                    

I scanned the four corners, kanya-kanyang grupo ang mga nag-uusap. Lahat naman kakilala ko subalit mas pinili ko lang na huwag munang masyadong makipaghalubilo sa kanila dahil naiilang lang ako sa hindi malamang dahilan.

Jimenez is still busy socializing with our circle of friends na inimbitahan niya sa proposal niya. Nagmukha na rin naman itong reunion ng batch namin. Double purpose, ika nga nila.

Masuyo kong kinakarga si Ash sa aking mga kamay. Mabuti na lang at nasa mood ang anak ko kung hindi ay nag-iiyak na naman ito at kailangan kong patahain.

"Montreal! What's up? Walang forever, alam mo yun?" yun ang unang bati agad sa akin nung barkada ni Jimenez. If you are guessing kung sino ang asungot noon na tumatawag rin sa akin sa apilyedo ko ay siya ring nasa harapan ko ngayon.

"Tumigil ka Ferrer. Hindi ka pa rin nagbabago palibhasa wala kang lovelife, walang babaeng tumatagal sa iyo." diniinan ko pa ang salitang tumatagal para mas lubusan niyang maunawaan iyong ipinaparating ko. Imbes na magseryoso siya mula sa narinig niya ay binigyan lamang ako ng isang ngiting aso. He devilishly grin at me.

"Promise good boy na'to. Lahat kaming magbabarkada nila Jimenez, retired f*ckboy na." nagpanatang Makabayan pa siya tapos tila nagpapacute.

"Hindi na kami nang-iiwan ng babae. Dinaragdagan lang." saad niya sabay kindat sa akin. Kung hindi ko lang karga si Ash ay nasuntok ko na ang asungot na ito.

"Sa tagal ng panahon, hindi ka pa talaga nagmature Ferrer." Maigi kong siyang tinitigan. Alam ko naman kasing gwapo siya, talagang walang mapipintas sa pisikal niyang anyo pero sobrang bawing-bawi naman sa ugali nito.

"I swear, darating ang araw na makikita mo ang babaeng magpapabago sayo Ferrer. Tingnan lang natin kung hindi ka magmamature." Ani ko pa sa kanya.

Tinawanan lamang niya ako. Tawang-tawa siya sa sinabi ko.

"Well, let's see." kampanteng sabi pa niya. Naituon naman niya agad yung mata kay Ash.

"Whoaah. He really looks like Winter. Paano ba gumawa ng kamukha ko Montreal?" siningkitan ko siya ng mata. Ayan na naman siya ulit sa pagpapacute niya.

"May I try?" He is asking me if he could carry Ash. Nag dalawang isip pa ako dahil hindi ako sigurado kung alam ba niya kung paano kumarga ng bata.

"Just take care. Lagot kang Winter pag di mo ginalingan Ferrer." pambabata ko pa nung binigay ko na sa kanya si Ash.

Akala ko nga ay iiyak yung anak ko pero hindi naman pala.

"Hmm, I'm planning to have a little version of mine soon." nakangiti pa niyang saad habang inaaliw si Ash.

"For sure that soon will be 10 or 15 years from now. Wala kasing tumatagal sayo kaya mahihirapan ka. Girlfriends mo nga hindi umaabot ng 1 week, asawa pa kaya?" I roll my eyes ceiling ward. Hindi ko mapigang sermonan siya.

"Chill. Sinabi ko lang gusto kong magkaroon ng kamukha ko, hindi kasali ang asawa sa sinabi ko. Masyado ka namang advance para doon Montreal." ika niya pa sa akin. Napaawang ang labi ko sa naging tugon niya sa akin.

Anong akala niya? Madali lang gumawa ng bata na parang lalaruin niya lang?

"Ewan ko sayo. You'll eat your words." litanya ko para sa kanya.

"Sinusumpa mo ako niyan?" natatawang ani pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at napalingon na rin naman ako kay Jimenez na papalapit sa amin.

"Dude! I'm going to be a dad soon." pambungad niya kay Jimenez.

"Ano? Bagay ba sa akin?" he asked when Winter's already with us.

"I'll carry Ash. And it doesn't suits you. Ang engot mo tingnan." Saad naman niya at kinuha si Ash mula sa bisig ni Ferrer.

"Don't try to be Asshole, and being a father will suits you." humalakhak na naman siya ng tawa.

"Asus! Nagpapapogi points ka lang. By the way, congratulations ulit pala sa inyo. Walang forever dude." kumindat siya sa amin saka bumalik na ulit sa pwesto ng kanilang barkada.

"Makakanahanap rin yan ng katapat yang Ferrer na yan, tingnan lang natin kung hahalakhak pa yan." napasabi tuloy ako sa harap ni Jimenez.

"He already did." I was astonished by what I heard. Sa lagay niyang yun nakahanap na yun?

"He is just in a state of denial. Hindi niya lang talaga maamin sa sarili niyang inlababu na yun." natatawang sabi ni Jimenez habang nakatanaw kami mula sa di kalayuan kay Ferrer na grabe kung makapag-usap. Ang lakas ng boses.

"Talaga? Who's the unluckiest girl?" karga niya pa rin si Ash. Kahali-halina silang tingnang mag-ama.

"Ferrer has a good match with a girl named Cali I think. They are even." mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Jimenez.

"Cali." I nodded. "What do you mean they're even?" dagdag ko naman.

"As what our friends say, she's a female version of him. They both don't take life seriously." napakunot naman ang noo ko.

"What?" naguguluhan ring tanong ni Winter sa akin.

"Pareha lang naman kasi kayong lahat magbabarkada, you never take life seriously." litanya ko sa kanya.

"What the--. I've change. I am taking it seriously now, knowing that my life is on the both of you." naging seryoso na ang kanyang mukha.

"Lokohim mo Lelang mo. Totohanin mo lang yan Jimenez kung di lagot ka talaga sa akin." ma awtoridad naman na sagot ko sa sinabi niya.

"Oo na. I promise." He brushed his hair using his fingers. "Diba baby?" tinanong niya pa yung anak namin.

"Kiss daw sabi ni Ash."

"Shut up, hindi pa yan nakakapagsalita kaya huwag mo akong otuin diyan." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Montreal naman! Kanina pa walang kiss!" pag-aalsa naman niya.

"Saan ang mas matamis, yung oo ko o yung kiss?" Nakangisi kong tanong.

"Ahh sabi nga ni baby dapat behave si daddy." ilang minuto rin kaming nanatiling nakatayo doon habang nilalaro at inaaliw yung anak namin.

Heto pala yung feeling na magpapakatotoo ka. Yung feeling na aakuin mo siya.Yung feeling na magiging masaya ka.

At sana ganito na lang palagi. Sana.

Author's note: Si Ferrer nangangailangan ng ka-forever sinong may gusto? Haha Nag- give way lang muna ako kay Ferrer sa Chapter na'to. :)

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon