Indebted 12

7.2K 250 14
                                    

Kanina pa ako nakaupo sa bench. Pinagmasdan ko lang yung mga estudyanteng unti-unting nagsiuwian na. Tanging ingay lang ng mga tawanan ng mga estudyanteng nasa kanya-kanyang silid pa ang naririnig ko ngayon. Malapit na rin palang gumabi. Muli ay sumulyap ako sa relo na nasa wrist ko. Mahigit twenty minutes na rin pala akong nakaupo dito. Napagpasiyahan kong sumayaw na lang sa bar ngayong gabi para kahit papaano ay may pera akong tutustusin. Napailing na lamang ako at tumayo na nung biglang nag-ring yung mumurahing cellphone ko.

Nakita ko ang pangalan ni Ate Pam na tumatawag. Kilala ko siya dahil isa siya sa mga kaibigan sa tinatrabahuan ng Tita ko. Pinindot ko yung answer button.

"Ate Pam---"

"Raine, kasi yung hospital hinahanap na nila yung pang-unang bayad." isang buntong hininga na lang ang nagawa ko. "Sige, ate... Maghahanap na muna ako." umo-oo lang siya sa kabilang linya at inend na niya yung tawag. Napakagat labi ako. Saan naman ako hahanap ng malaking halaga ng pera agad-agad? Panigurado namang kung magsa-sideline ako ay aabot lang sa hanggang limang libo yung kikitain ko kapag suswertihin.

Mula sa kinatatayuan ko ay tumingin ako sa gymnasium. Bukas pa yung ilaw, tanda na baka may practice pa at tao sa loob. May naisip akong ideya na kahit ako ay alanganin sa plano ko. Maybe, susubukan kong magmakiusap sa kanya. Baka nasa gymnasium pa siya ngayon at nagpapractice pa rin.

Ang bilis ng bawat hakbang ng aking paa. Halos tinakbo ko na nga yung pagpunta sa gym, nagbabaka sakaling hindi pa nakauwi si Jimenez.

Nilibot ko yung mga mata sa paligid sa loob ng gymnasium. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko sila Ferrer at yung iba pa niyang barkada na kakaukop lang sa bench.

Walang pagdadalawang isip ay nilapitan ko sila. Halatang galing practice ang mga ito dahil tumutulo pa yung pawis nila.

"Hi! Ms. President!" bati naman ng nasa tabi niya. Alam kong pinagloloko lang ako ng mga 'to. "Babe!" nakita ko naman ang pagsita ni Ferrer sa isa pa nilang barkada. "Gago! Kay Winter na yan! Lagot ka talaga dun." hinampas niya pa ito sa ulo. Nagkantyawan lang yung ibang kasama nila.

"San si Jimenez?" ngumisi naman ng nakakaloko si Ferrer kaya naikuyom ko yung ang aking kamao. Napansin niya iyon kaya agad rin siyang sumeryoso.

"Umuwi na kanina pa Ms. President. Kung nami-miss mo siya baka bukas nandito na yun. Wala na naman kasi yun sa mood kanina." napailing siya na kunyari nag-aalala.

"Can you please give me his address?" nakita ko na naman yung pag-ngisi niya pero agaf rin naman niyang ibinigay yung address. Nagpaalam na ako sa kanila dahil kahit papaano ay may naitulong naman sila.

Agad rin akong pumara ng taxi at binanggit yung address na binigay ni Ferrer sa akin. Mahigit thirty minutes rin bago ako nakarating sa Jimenez Real Estate. Malaki ang lugar na iyon. Engrande at sa unang kita mo palang ay alam mo nang hindi basta-basta ang nagmamay-ari nito.

Ang dami pang ginagawang security checks bago kami pinapasok ng taxi. Halos ayaw na nga kaming papasukin kung hindi ko lang sinabing kaklase ko si Jimenez. Pero kahit sinabi ko na iyon ay inalam pa ng mga guards yung pangala ko at kung ano-anu pa. Ganito nga siguro ang buhay ng mga mayayaman. Maswerte si Jimenez at lumaki siya sa ganitong klaseng buhay.

Nung tuluyan na kaming nakapasok ay mahigit sampung minuto pa bago talaga kami nakarating sa mismong mansion nila. Ang laki nga ng binayad ko sa taxi. Nang nakababa na ako sa taxi ay talagang namangha ako sa laki ng tahanan na meron ang pamilyang Jimenez.

"Anong kailangan niyo maam? How may I help you?" agad akong tumingin sa babaeng nasa harapan ko. "Gusto ko lang makausap si Winter Jimenez. Kaklase ko siya. I'm Raine Montreal." kilala ko naman. Agad naman siyang nagsalita sa lapel niya. "Sir, someone's looking for you.... It's under the name of Ms. Raine Montreal....okay sir." isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin. "Just wait him into the living room maam. May I escort you." magalang niyang bati kay nag-nod na lang ako.

Pinaupo niya ako sa kulay grey na sofa at nagpaalam na munang iiwan niya na ako dito at pababa na raw si Jimenez. Everything in here shouts luxury. Every single things defines perfection. That's how powerful and wealthy Jimenez are.

Tumayo ako nung may narinig akong hakbang mula sa hagdan. Halatang kakagising niya lang at ang kalat pa ng buhok niya. Agaw atensyon ang halos nakahubad na niyang katawan. Naka-boxers lang siya kaya nag-iwas ako ng tingin at hinintay na makalapit siya dito.

"What are you doing here Raine?" magkasalubong yung kilay niya. "Gusto kong humingi ng tulong sayo Jimenez." napayuko ako dahil ayoko siyang titigan sa mata.

"Why don't you ask help to Chase? Sa kanya ka kaya magpatulong." he suggested sarcastically. Napaangat ako ng tingin kaya nagkasalubong yung mga mata namin. "Please Winter. I need money." pagmamakaawa ko pa. Hinawakan ko yung kamay niya pero iwinaksi niya rin ito agad. Tinalikuran na niya ako at nagsimula nang humakbang yung kanyang paa. "Maybe Chase can help you." saad pa niya kaya sinundan ko siya.

"Winter! You can have me." napahinto naman siya. "You can take me... my body, my life, my soul. kahit ngayon mo kung gugustuhin mo please. Kailangan ko lang ng pera." kumawala na yung luha ko. Desperada na kung desperada pero iyon na lamang yung tanging paraan para magkapera ako agad para sa Tita ko.

Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin. "You can fuck me anywhere and anywhere you want. Kaya kong magpaubaya sayo Jimenez kung tutulungan mo akong mabayaran ang gastusin ng Tita ko sa hospital."

He faced me. "It is a deal. It is settled then." agad niyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. Walang pag-alinlangan ay inangkin niya yung labi ko. Hinalikan ko rin siya pabalik. Pinalupot niya naman yung mga paa ko sa bewang niya.

Sana naman ay kakayanin ko ang mga salitang binatawan sa kanya... Alang-alang sa buhay ng Tita ko. Hindi lang katawan ang isinugal ko dito... Pati kaluluwa ko and maybe even my heart is at risk.

Note: Pasensiya dahil sabaw yung updates. Hi!

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon