Indebted 16

7.3K 272 58
                                    

Nilalaro ko yung ball pen ko habang nasa lap naman ang aking notebook. Isa ako sa mga nakaupo ngayon sa bleachers ng gymnasium. Marami kasing nagpupunta rin dito para manood sa praktis. Ewan ko ba kung praktis ba ang dahilan o sadyang gusto lang nilang tingnan ang mga nagpapraktis na players.

Napasimangot ako sa mga natatanaw kong ibang grupo na para namang finals na kung makasupport sa player na paborito nila.

"Gosh! Ferrer! Oh my, kinindatan niya ako girl!" halos gusto kong ikot yung mata ko sa narinig ko sa isang babaeng malapit lang dito sa banda ko. Tatlong upuan lang siguro yung nakapagitan sa amin.

Kahit ni sino namang magbabanggit ng pangalan ng Ferrer na yan ay kikindatan niya. Hindi pa ba sila nasasanay don sa lokong yun?

Muli kong itinuon ang atensyon sa notebook ko. May sinasagutan lang ako. Isa na rin ito sa paraan para makapag-advance study na ako. Hindi ko na alintanana ang panahon, malapit na talaga yung finals namin. Next week na ang final exam and finally ay makakagraduate na ako.

Humulma yung labi ko sa isang ngiti dahil sa iniisp ko. Gagraduate na ako!

"Winter! Whoo! Galing mo talaga! I love you!" napaangat ako sa aking ulo at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na yun. Naku! Ewan ko ba at kumukulo yung dugo ko kapag naririnig ko yung pangalan niya na ipinaglalandakan ng iba sa di naman malamang dahilan.

Agad namang dumapo ang mata ko kay Jimenez. Pinagmamasdang maigi yung galaw niya. Sige! Subukan niya lang tingnan o ngitian yung babaeng yun, kakatayin ko siya.

Kanina pa ako nagpupuyos sa inis dito sa upuan ko dahil hindi ako makapagconcentrate dahil sa nakakarinding sigawan nila. Si Jimenez kasi! Kung hindi niya lang ako pinilit na pumunta dito ay okay sana. Ano naman kasing mapapala ko sa panonood ng praktis niya?

Dali-dali kong ibinalik sa notebook ang atensyon nung tumingin siya sa gawi ko. Nakalimutan ko tuloy na may sasagutan pa ako.

Kahit sa notebook ako nakatingin ay wala pa ring nagreregistered sa utak ko. Na kay Jimenez pa rin yung diwa ko. Matagal na rin pala kami sa ganitong sitwasyon. I will always be his property. I will always be his toy.

Tumayo ako nung maramdaman kong tila binabaliktad yung sikmura ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko. Hinawakan ko yung tiyan ko.

Iniwan ko na lang bigla yung gamit ko dun. Pati notebook at ballpen na hawak ko at tumakbo papunta sa malapit na comfort room.

Hindi pa ako nakakarating ay gusto ko na talagang sumuka. Mabuti na lang at nakaabot pa ako.

Sinuka ko yung kinain ko kanina sa may sink. Grabe yung naramdaman ko. I leaned on the sink. Pagkatapos ay naghilamos na rin.

Pagkalabas ko pa lang ay nakasalubong ko si Jimenez na nagtatakbo. Puno pa talaga siya sa pawis. Hinihingal ay tumigil siya sa tapat ko.

"Are you okay?" tanong niya sa akin na parang concern talaga. "Okay na ako." maikli kong sagot naman. "I just vomit all the stuff that I have eaten this break time." kusang ngumiti ang labi niya.

"Ikaw kasi, pinakain mo ako nung may peanut butter na palaman. Sinabihan na kitang pinakaaya ko yun pero pinilit mk ako." reklamo ko habang naaalala kung paano niya ako pinilit na kumain nun.

"Sorry." he showed his perfect white teeth to me. Kasabay nun ay ang paghila niya sa akin palapit sa kanya. Kinulong ako nung mga braso niya nung hindi na ako makapalag pa. "I just have thought na baka magustuhan mo rin yun pag nakakain ka na." hinalikan niya ako sa buhok ko.

"May mga bagay talaga na kahit anong pilit mo ay hindi mo talaga magugustuhan. Bakit? Nung pinakain ba kita ng isaw, nagustuhan mo? Hindi rin naman diba?" I inhaled his sweat scent. Bakit ang bango niya pa rin?

"Tumigil ka na sa kakayakap sa akin Jimenez. Ang baho mo na." tulak ko pa. Himala at agad siyang kumawala sa akin.

"Let's go. May practice pa ako." Tinalikuran na niya ako pagkasabi niya nun. Ganun naman palagi ang ugali niya. Walang pinagbago.

Habang nakabuntot ako sa kanya ay naramdaman ko ang biglaang pagsakit ng aking ulo kaya napahawak ako sa aking sentido.

I am fainting. Tila unti-unti ay nahihilo ako. Napansin ko pa ang paghinto ni Jimenez at tiningnan ako. Lumapit na naman siya pabalik sa akin.

"Raine, it seems that you aren't okay." I signaled him to stopped. "Okay lang ako." paliwanag ko.

"I'll take you to the clinic." he offered but I resisted. I insist na kaya ko pa kaya inalalayan niya na lang ako pabalik sa bleachers.

"Just wait here dahil magbibihis lang ako. I'll leave from the practice. Kung ayaw mo sa clinic ay uuwi na lang tayo sa condo ko, maaabutan pa natin ngayon si manang at matutulungan ka sa problema mo." paliwanag pa niya.

"No, okay lang talaga ako." pagpupumilit ko pa sa kanya.

"You aren't okay Raine. I won't take no as answer." matigas na saad niya kaya tumahimik na lang ako at hinintay siya.

"Sa bahay mo na lang ako idiretso, huwag na sa condo mo. Baka maabala pa natin si Manang." ika ko nung nakaandar na yung kotse niya.

"No, mas mabutin nang kasama natin si Manang at kahit papaano ay may tutulong sayo. Wala ka ring kasama sa inyo Raine." and as usual, siya naman palagi ang nasusunod.

Mga ilang layo lang yung condo unit niya doon sa school kaya nakarating kami agad.

Mabuti na lang at naabutan pa namin si Manang.

"Oh napaaga ka iho." nginitian niya si Jimenez. Kilala ko na rin si Manang dahil siya yung tagalinis sa condo ni Jimenez. Nakwento rin kasi sa akin ni Jimenez na sya na daw ang tumayong mama nya dahil palaging wala yung parents niya.

Hindi na niya ito pinapatrabaho dahil may edad na siya subalit may katigasan rin ang ulo. Gusto lamang daw ni Manang tumanaw ng utang na loob dahil sinuswelduhan naman siya ni Jimenez kahit nong hindi na siya nagtatrabaho.

"Kasama mo pala si Raine." ngumiti din siya sa akin. "Manang please help her, masama kasi yung pakiramdam niya kanina pa. I have to go, may kialangan lang akong bilhin." hindi na siya naghintay ng sagot namin at umalis na.

Umupo na muna ako sofa at hinilot-hilot ang sentido. "Napano ka ba iha?"

"Naku, wala lang 'to Manang. Itong kasi si Jimenez, ang oa lang. Sinuka ko lang yung pinakain niya sa aking monggo dahil ayoko nun. Nahihilo lang din dahil sa dami ng iniisip." nakangiti kong paliwanag kay Manang.

Mataman niya akong tinitigan. "Mabuti kong ganun iha. Akala ko naman ay buntis ka. Kung di mo binanggit yung dahilan ay iisipin ko talaga ang bagay na yun." napaisip ako sa sinabi niya.

"O siya, magtsa-a ka nalang muna at nang mainitan yang sikmura mo." tumayo na siya. Bigla akong kinabahan.

And I'd remembered one thing...

I'm one month delayed.

Note: Salamat sa mga comment niyo. Love lots po.

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon