Indebted 19

6.8K 253 55
                                    

"Uwaa! Uwaa!"

Nagmulat ako ng aking mga mata nung narinig ko ang aking anak na umiiyak. Kahit dinadalaw pa rin ako ng antok ay mas nanaig ang pagkalinga ko sa baby para patahanin siya.

Mula sa crib ay inaakay-akay ko na siya sa aking bisig. "Sssshh." pagpapatahan ko pa. "Stop crying baby, mommy's here." pakiusap ko pa sa kanya na animoy maiintindihan niya ako.

He is just ten months old. Tulog na siya kanina nung nakauwi ako galing sa trabaho. Si Tita lang ang nagbabantay sa kanya.

Kakabalik ko lang mula sa aking trabaho dahil pagkatapos kong manganak ay nag-stay pa ako ng ilang buwan para ako na mismo ang magbantay sa kanya.

"Baby, mommy's here." Maya-maya pa ay nakahinga na ako ng maluwag nung tumigil na siya sa kakaiyak.

Nagmistula siyang isang anghel na nakapikit ang mga mata. Napangiti ako habang nakatitig sa kanyang mukha.

He really is a replica of his father. Paulit-ulit ngang sinasabi sa akin ni Tita na ang gwapo daw ng anak ko. Kahit nung niluwal ko siya ay maraming nagtanong kung sino ba daw ang ama niya.

Mag-isa lang ako nung nasa sinapupunan pa siya. Sa tuwing may check-up ako ay tanging ako lang o minsan naman si Tita ang aking kasama.

Nung mga panahong, naglilihi ako ay wala akong kasama tulad nung ibang mga ina.

The moment I gave him birth,  I have no one to hold on. Wala akong kakapitan.

But I am thankful, na nakayanan ko lahat ng yun.

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon