Wala akong pakialam kung nasa ilalim kami ngayon ng araw. Nanatili akong nakatayo sa labas.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Winter. Will I let him in my life? Will I introduce our child to him?
Naguguluhan na ako sa kung alin ang alam kung tama at mali. I must think first. I tried to open my mouth but no words will eventually came out from it.
Paulit-ulit na nagbukas-sarado ang bibig ko. I don't know what should I say right now. Idagdag mo pa ang titig niya sa akin. Kahit simpleng "ewan" ay hindi ko mabigkas. Walang boses ang lumalabas sa lalamunan ko.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko. Hindi niya binibitawan ang mga matang nakatitig sa akin ng maigi. His gaze sends a chill to my system.
"Raine, let me---" He was cut off with the voice we hear just aloof from us.
"Winter!" dala ang payong para sa proteksyon sa araw ay nakatayo si Max ilang pagitan lang ang layo sa aming kinaroroonan.
Ngumisi siya sa amin pareho. Suot niya ngayon ang isang red floral maternal dress na hanggang tuhod niya lang. Kahit na simple lang siya ay nagsusumigaw pa rin ang alindog niya.
Would I believe him that by any chance, he haven't fall on Max? Kahit na sino sigurong lalaki ay magkakagusto sa babaeng tulad niya.
Napansin kong dumapo ang mata ni Max sa kamay namin ni Winter na magkahawak. Napawi ang ngiti niya sa tingin ko ay dahil doon. Sinubukan kong kunin ang kamay ko pero hindi ako hinayaan ni Winter.
Ngumiti ulit siya. "Bakit nasa ilalim kayo ng araw?" papalapit na tanong niya.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya nung nakalapit na siya. Talagang pinaghiwalay niya ang kamay namin.
"Raine, you should have not exposed your skin under the rays of the sun. Hold this. Ikaw na ang gumamit niyan." I don't know if she is just being nice with me. Baka binibigyan ko lang ng kahulugan ang ginawa niyang pagtanggal sa magkahawak naming kamay ni Winter.
"No, it is okay. Ikaw na ang gumamit." pagtanggi ko pa saka muling ibinigay sa kanya ang payong.
"Naku ano ka ba, baka nahihiya ka lang. Sige na gamitin mo na yung akin." Sadyang paranoid lang ba ako? O talagang may laman ang sinasabi niya?
Despite the fact of what I heard from Winter a while ago, I can't still change the truth that they are still married.
Kahit pa sabihin nating di nila mahal ang isa't isa pero iba pa rin ang sitwasyon namin. Kasal sila sa mata ng batas, tao, at maging sa Diyos.
"No, thanks." sinubukan ko pa rin ang ngumiti sa kanya.
"It is up to you Raine. So anyways, san kayo pupunta?" she is seems friendly with her tone pero parang may mali talaga. Ako lang ba ang naghahanap ng mali sa kanya? Insecure ba talaga ako?
"We'll have lunch." she showcase her perfect white teeth. "Sounds great! I am also hungry right now. So let's go?"
Hindi na siya naghintay pa ng sagot mula sa amin ay agad na niyang hinawakan ang kamay ni Winter.
Nakahinga na rin ako ng maluwag nung pumasok na kami ulit sa loob ng hotel. Ngayon ko lang na realize kung gaano pala kainit sa labas.
Pagkarating namin sa isang table ay agad siyang pinaupo ni Winter.
"Raine, let me do that." pagboboluntaryo rin ni Winter para makaupo ako. Uupo na sana siya sa tabi ko nung biglang nagsalita si Max.
"Dito ka na lang Winter." she pleaded. Nakangisi niyang sabi na parang bata.

BINABASA MO ANG
Indebted
Tiểu Thuyết ChungDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...