Indebted 20

7.3K 274 35
                                    

Sumilay sa mga labi ko ang isang napakatamis na ngiti nung nakita ko ang aking munting anghel na karga ni Tita.

Nagkataong papalabas sila ng bahay nung nakarating ako. Namumugto pa ang mata ng aking anak na halatang galing lang sa kakaiyak.

Inilapag ang mga binili at agad akong lumapit sa gawi nila at inakay si Ash. May naririnig pa rin akong hikbi mula sa kanya. Kinuha naman ni Tita ang mga pinambili ko at binitbit

I looked at my Tita and she finally sighed in relief. Tinitigan muna niya kami ng maigi na halatang masaya sa kanyang nakikita. "Mabuti na lang at nandito ka na, kanina pa kasi yan umiiyak. Hindi ko man lang magawang mapatahan. Naku!  Mukhang makikinig lang yan sayo Raine!" litanya pa niya habang inaaliw ko si Ash.

"Ash, mommy's here okay?" saad ko pa habang hinahaplos ang makinis at namumula niyang pisngi. Labi lang ata ang minana ng anak ko mula sa akin.

"Bakit mo naman pinapahirapan si Tita mo?" I smiled when I hear no more sobs. Napatahan ko na rin siya sa wakas.

"Pasensiya na Tita kay Ash." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Iyan ang madalas kong sabihin kada uuwi ako dahil mukhang pasaway talaga si Ash kahit baby pa lang 'to. Naku! Huwag lang sabihin ng pagkakataon na pati ba naman ugali ng bata ay namana niya pa rin kay Winter.

"Anu ka ba! Okay lang Raine, mas maigi nang may babantayan akong bubwit dito kesa sa mabored ako sa lugar na'to. Alam mo na wala akong kilala dito." wika niya saka dinadagan ng isang ngiti sa labi. 

Malayo na kasi siya sa mga dati naming kakilala. Napagpasiyahan kong tumira na lang sa Village para na rin sa kapakanan ng anak ko. Maayos naman ang paninirahan namin dito kahit ilang buwan pa lang ang nakalipas. Yun nga lang ay wala pa kaming kakilala. Wala ring nakatira sa isang bahay na katabi namin.

"Oh siya! May nakalimutan pala akong sabihin sayo." nakita ko pa ang pagkamot niya sa kanyang ulo.

"May bisita ka nga pala, nandun sa loob, naghihintay lang sa sala." napakunot ako sa aking noo na tila nagtataka. Talaga? May bisita? Sino?  At paano niya ako nahanap kung gayun namang wala akong sinabihan sa adress ko?

"Sino daw po?" napahawak siya sa baba niya na parang inaalala pa ang pangalan nung bisita ko daw kuno.

"Ano nga ba yun... Teka-- ahhmm Havianas ata yun?" halos gusto kong matawa sa sinabing pangalan niya. Tsinelas yun!  Baka ang nais niyang sabihin ay Havana. 

"Baka Havana po ang pangalan Tita." nakangisi na ani ko. "Yun nga!" dali niyang sagot pabalik.

Oh crap!  Havana is here!

"Napagpasiyahan kong iwan mo muna siya sa loob dahil sana ay ipapasyal ko na lang sa labas si Ash para tumigil na sa kakaiyak. Saktong dumating ka naman at tumahan na rin yung bata." tumango na rin ako at saka sinabing mauna na sa loob para harapin ang sinasabi niyang bisita.

Mula sa malayo ay nakita ko ang pigura ni Havana na nakatalikod. Sa tansya ko ay abala siya sa mga picture frame na nakadisplay doon. Halatang pinag-aaralan ang mga nasa larawan.

Kahit nakatalikod siya kilala ko pa rin ang tindig at postura niya. She's almost perfect kaya di malabong lahat ay turing sa kanya ay prinsesa. She stood up straight having her chin up and a girl with class.

"Havana..." it seems a strange for me to uttered an old acquittance name tulad ng kay Ferrer. Matagal na rin naman kasing hindi ko sila natatawag. Hindi tulad noong nasa school pa kami dahil madalas nagkikita ay sanay kaming tawagin ang pangalan at apilyedo ng isa't isa.

She slowly take a glance in my direction. Kaagad niyang inilapag ang picture frame na pinapalooban ng picture ni Ash.

"Raine, Ms. President." lumabi siya saka ngumiti. She tightened her gaze towards me and to my baby.

IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon