Ilang linggo na ang lumipas at araw-araw ko na ring chine-check yung Facebook ko pero di pa rin ina-accept ni Taki Grasa ang friend request ko. Haaayyy. Siguro busy 'yon mag-aral. Kaya na-inspire din akong mag-aral pa lalo.
Ganun naman dapat diba? Gawing inspirasyon yung taong gusto mo. Kaya nga hinayaan nina Papa si 'Ya Marcus na magka-girlfriend kahit nag-aaral pa kasi, nagtapos naman siyang honor student. Pati si Kuya Chino. Si Kuya Mac...matigas lang talaga ang ulo non, kaya wala nang nagawa sina Mama. Tss. Si Kuya Chad... di naman siya sinasagot ng mga nililigawan niya, kaya okay na rin. At si Mason... sina kuya pa nga ang nagsusulsol na pwedeng-pwede na siyang mag-girlfriend eh. Sempre, matalino na, gwapings pa.
Di ko nga lang talaga alam kung sino ang nirereto nila sa kanya. Parang sila-sila lang ang nakakaalam. Basta ang naririnig ko lang... Sapio Girl. Ampanget ng pangalan. Pero naisip ko...si Taki nga, pangit ang pangalan pero pogi... baka super ganda rin ni Sapio Girl na 'yon. Kaya sige, bigyan natin ng chance 'yan. Kelan ko kaya 'yon makikilala? Bakit parang ako na lang ang di kilala 'yung Sapio Girl na 'yun?
"Charlotte-"
Halos malaglag ko pa yung picture ni Taki sa pagmamadaling itago yun kasi biglang bumukas yung pinto at pumasok si Mama. Buti nga nasuksok ko pa sa loob ng punda ng unan ko eh. "Po?"
"Wala ka namang ginagawa, idala mo nga ito kina Kuya Chino mo." Iniabot ni Mama sa akin yung paperbag, tas nung sinilip ko...puro biskwit, cup noodles, chichirya. May bagong-lutong ulam din sa ilalim. May sabon at shampoo pa. May dog food din. "Silipin mo na rin kung buhay pa si Lark. Sa kaka-aral yata ng kapatid mo, napabayaan na niya."
Tumango-tango ako. "Kaya po masama ang pag-aaral no? Nakakalimutan ang pamilya?"
"Ano'ng sabi mo?" Nandidilat na balik ni Mama.
"Joke lang po. Si Mama naman, di mabiro. Balanse lang po dapat--study and life balance, diba?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "O siya. Kung ano man 'yan. Pumunta ka na. 'Dami mo talagang alam. Magdala ka na rin ng damit kung gusto mong matulog don."
Dahil utos ng Nanay ay di pedeng baliin, gumayak na ako. Nami-miss ko na rin kasi si Lark. Tsaka sempre, pati kapatid ko rin. Ang tagal na nga naman kasing di umuuwi ni Mason eh. Halos isang buwan na. Tas kapag tine-text ko, ang iikli ng sagot. Sinundan kaya siya ng mumu galing Corregidor? May nakita kaya siya dun o kaya nakaramdam ng pagmumulto? Ang dami kong gustong tanungin sa kanya kaya mas na-excite pa akong dalawin sila dun.
---
"Waaah! Ang laki na niya!" bulalas ko nang pagbuksan ako ng pinto ni Mason at nakita kong nakatunghay lang si Lark. "'Lika rito dali! Too~~t!"
"Pumasok ka muna; baka makalabas siya," bati ni Mase habang kinukuha sa kamay ko yung dala kong paperbag at nakipaglaro ako sa aso.
Pero lumaki na talaga si Lark! Dati, ang liit-liit lang niya eh. Ngayon ano...toddler na siguro siya para sa mga kapwa niya aso.
"Kumusta sina Papa?" tanong niya habang inaayos na niya sa kabinet yung mga padala nina Mama.
"Ganun pa rin. Uwi ka naman daw. Nami-miss ka na namin," nakangusong sabi ko. "Para ka namang sina bespren ko eh."
"'Kala ko nagkita na kayo ni ano... Nina Louie nung birthday ni Hiro?"
"Eh, wala naman si Chan-Chan dun. Nami-miss ko na sila lalo na yung food trip namin sa Hepa Lane."
"Sila ba ang nami-miss mo o yung pagkain?" nagdududang tanong niya.
"Parehas, ehehe."
"Mahilig pala si Louie sa streetfood?"
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...