Ohoho! Eksaytment talaga ako! Kahit isang linggo akong hindi nakapasok at hindi ko naranasan ‘yung Freshmen Orientation, eksaytment pa rin ako!
Taas-noo talaga akong pumasok sa school nun. “GOOD MORNING PO! GOOD MORNING!” masiglang bati ko sa bawat estudyanteng makasalubong ko kahit tinitignan nila ako ng masama o kaya natatawa na lang. Meron ding iilan na nginingitian naman ako, hehe.
“Kilala mo lahat ‘yun?” nagtatakang tanong sa’kin ni Kuya Chuck. Sinamahan niya ako kasi kailangan daw naming pumunta sa Dean dahil nga ‘di ako nakasali sa Freshie Orientation achaka lagpas daw ng tatlong araw akong di nakapasok.
“Hindi, hehe,” sagot kong nakangiti at nagkakamot ng ulo kong natatakpan ng sombrero.
“Ikaw… kung sino-sino ang kinakausap mo. ‘Pag napahamak ka sa kadaldalaan mo ah,” pangangaral niya at tinignan ako bago kami pumasok sa isang building. “Tanggalin mo nga ‘yung cap mo. Baka pagalitan ka pa ni Dinaya Sungit,” paalala niya sa’kin.
Kaya sinunod ko na lang siya. Sino kaya si Dinaya Sungit? Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad kami papasok ng Engineering building!
Sa wakas, hindi na ako sa Benavides maglalagi… sa Roque Ruaño na, huehue.
Habang naglalakad kami papalapit sa Dean’s office, napansin kong kanina pa aligaga si Kuya Chuck. Punas nang punas ng pawis… ayos nang ayos sa kwelyo ng polo niya.
“Natatae ka ba, Kuya? Gusto mong magCR ka muna?” tanong ko at pinanlisikan niya ako ng tingin.
“’Yung medical certificate dala mo ba? ‘Yung class schedule? ‘Yung ID mo? Baon?” sunud-sunod niyang tanong sa’kin nang makarating kami sa labas nung Dean’s Office.
Maraming beses akong tumango. Kanina pa kasi niya ako tinatanong niyan eh. Napagod na akong sumagot. “Ang kulit mo naman Kuya eh. Pasok na tayo!” sabi ko at pinihit na ‘yung pinto. Malawak akong ngumiti nung nakita ko ‘yung mga nandun na mukhang inaantok pa yata. “GOOD MOR—!”
Kasabay ng pagtapal ni Kuya Chuck ng palad niya sa bibig ko, pinandilatan ako ng ilang tao sa loob habang ‘yung iba naman, napapikit na lang. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakinig silang lahat sa kung anong pwedeng mangyari kaya tumahimik ako’t nakinig din.
Saka naman may lumabas na babaeng nakakunot-noo galing sa kung saan at naupo sa likod ng pinakamalaking mesa. Nakasalamin, nakapusod ang buhok at salubong ang kilay. Mukhang may kinalaban na monster kung sa’n siya galing.
Tumikhim ‘yung isang lalaking nakaupo pinakamalapit dun sa mukhang problemadong teacher. “A-Ahh… Dean Aya—“
“Yes?” buong-buo ‘yung boses nung babae pero hindi man lang siya tumingin sa’min.
“Sir Chad Pelaez—“
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Ficção Adolescente*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...