Chapter 21

9.9K 344 286
                                    

Eksaytment na talaga ako para sa bard—birthday ni Mason, huehue. Paano ba naman kasi, sobrang dami ng pagkain! Karamihan ng gastos sa mga rekado, inako ni Kuya Mac-Mac. Kaya napuyat din kami sa pagluluto, ahaha. Pero ays lang. Paniguradong busog ako sa kakakain!

Nagulat nga rin si Mase nung nakita niyang hindi lang isa ang regalo namin kundi tatlo. Ang galante talaga ni Kuya Mac-Mac. Sabi pa nga niya, basta raw para sa pamilya, hangga't kaya niyang ibigay, ibibigay niya. Lalo na kung para kina Mama at Papa.

Pinagbihis lang nina Mama si Mase nung makauwi siya tas humarap na kaming lahat sa hapag-kainan para sabay-sabay kaming mag-agahan.

"Sana laging ganito," tuwang-tuwa kong sambit habang pinupuno ang plato ko ng pagkain. "Kuya sa barde—" yun pa lang ang nasasabi ko, pinandilatan na ako ni Kuya Chuckie. "Sa birthday ko, dapat ganito rin ha."

"Sa debut mo? Oo naman. Mas magarbo pa dito," nakangiting sagot ni Kuya Mac.

Nagningning talaga ang mga mata ko. "Talaga po?"

"Oo naman, debut mo 'yun eh," halos sabay-sabay nilang sagot pwera si Mase na umiiling-iling lang.

"Saan ba magandang mag-debut si Charlotte?"

"Dapat pala naghahanap na tayo ng pagdadausan ng eighteenth birthday ni Prinsesa."

"Hotel ba o pavillion? Magre-rent ba tayo ng isang place na may pool?"

"Si Llana ba 'nak, may alam sa ganito?"

"Sige po, 'Ma. Itatanong ko po..."

"Prinsesa, si Louie ba, may nasasabi sa'yo kung paano siya magse-celebrate ng eighteenth birthday niya?"

Kung hindi pa ako kinalabit ni Mase, hindi ko pa sila papansinin. Busy kasi akong kumain eh. Kaya ayun, inulit ni Kuya Marcus yung tanong niya. "Ay, 'di ko po alam eh. Baka manlilibre lang po siguro si bespren."

Tas nagsimula na naman silang mag-usap-usap. Hindi raw pwedeng manlilibre lang si bespren kasi nga debut yon. Sigurado raw na magarbo ang celebration ni bespren sa birthday niya next year. Hindi ko na sila pinakinggan at kumuha na lang ako ng barbecue.

Habang tuloy-tuloy sila sa pag-uusap, tuloy-tuloy lang din ako sa pagkain. Sempre naman, lulubus-lubusin ko na ang pagkakataong pinayagan akong kumain ng marami 'no.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon