Chapter 32

7.2K 276 104
                                    

"HUWAAAAWWW!" Malakas talaga ang palakpak ko pagkatapos magdemonstrate nung bumisitang self-defense instructor. Dapat nga standing ovation ang ibibigay ko kaso nakaupo lahat kaming nanonood eh.

"Tuwang-tuwa si Cadet Pelaez ah," natatawang puna ng Corps Commander namin habang tumatayo mula sa pagkakatumba sa sahig ng classroom. Sa kanya kasi sinampol nung instructor yung mga moves.

"Sir, yes, sir. Ang galing kasi eh. Biruin niyo, ilang beses niyo siyang sinubukang ambahan ng suntok pero di talaga kayo nakaisa!"

Nagtawanan yung ibang mga cadets.

"Siyempre demo lang, alangang seryosohin ko. Sayang ang ganda ni Miss Jennielynn kapag totohanan," kindat ni Corps Commander Bigwas dun sa babae na natawa lang. "At dahil tuwang-tuwa ka diyan, 'lika dito at nang ikaw ang masampolan."

Agad talaga akong tumayo at nakipag-shake hands kay Miss Jennielynn bago nagpakilala. Nag-bow pa nga ako eh kahit alam kong sa martial arts lang 'yon tulad nung ginagawa ni bespren Louie sa Aikido. Pero bakit ba? Eh gusto kong ma-experience 'yon.

Sabado ng umaga 'yon at dapat may drills kami. Pero merong kaibigan si Commander Bigwas na libreng nagpapa-demo ng self-defense kaya 'yon ang activity namin ngayon. Sa panahon daw kasi ngayon, marami nang halang ang bituka kaya kailangan na raw matuto ng mga tao kung paano depensahan ang sarili.

"Malaki ang advantage ng mga tulad mong petite--"

"Nako, ma'am. Ayos lang pong sabihin niyong maliit o pandak ako, tanggap ko na," putol ko sa kanya at natawa na naman siya.

Tinapik-tapik niya ang ulo ko bago pumunta sa likod ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "As I was saying, may advantage ang mga tulad mong cute. Mas magaan, mas mabilis makakatakbo. Pero," pagdidiin niya... "Kapag na-corner ka tapos wala ka nang ibang magagawa kundi lumaban, baka ma-overpower ka agad."

Gusto kong sabihing mali ang iniisip niya. May practice kaya ako simula pagkabata kasi kasama ako sa pakikipag-wrestling kina Kuya noon. Dati nga di sinasadyang nasapak ko si Kuya Mac sa bandang ilalim ng kanang mata niya nung nagre-wrestling kami noon. Ayun, nagkapasa. Akala tuloy nila, basag-ulo si Kuya, hehehe. Tsaka grabe kaya yung mga warm up namin sa softball team. Mantakin niyo, hahampasin namin nang buong lakas yung isang malaking gulong ng truck gamit yung bat! Dun ako natutong pumalo nang malakas kaya laging homerun eh. Pag nga sinusuntok ko dati si ChanChan kahit biruan lang, nagkakapasa siya kaya alam kong mabigat ang kamay ko.

"Kaya you need to know the pressure points para may laban para makatakas. So, what are the pressure points? Ikaw, Charlie, may alam ka ba?"

Inalala ko yung mga napapanood kong mga action movies. "Mata po, Ma'am, panga tsaka bayag."

Grabe talaga ang tawanan ng mga cadets nung sinabi ko 'yon. Pati talaga yung instructor di napigilang tumawa eh. Bakit, totoo naman ah. Ano ba dapat ang itawag ko dun?

"Tama lahat. But for this class, let's call it 'groin' okay? The nose is also one, as well as the point under your ear on the side of your neck." Hinawakan niya yung ilalim ng tenga ko. "Ito yun. Kapag natamaan 'to," diniinan niya yung daliring nasa leeg ko at napaigtad ako. "Ayun na nga, bukod sa masakit, it may cause paralysis. With experts, pwede ring ikamatay..."

Pwede rin daw yung lalamunan, kahit yung balikat, yung gitna daw sa braso...enko kung anong tawag dun...basta yung harap ng siko? Hahaha. Pati yung dibdib, tas yung solar plexus daw o yung taas ng tiyan kung saan nagjo-join yung mga ribs. Tas yung tuhod at yung lower leg.

Ngayon ko lang talaga nalaman na kahit ano'ng parte pala ng katawan pwedeng maging pressure point basta alam kung paano tamaan.

"If you are aiming for these pressure points, 'wag pigilan ang pwersa ng kamay. Mas malakas ang impact kapag walang pigil. Iamba niyo, oo, pero kapag isusuntok niyo na, hayaan niyo lang yung pwersa..."

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon