Chapter 7

15.3K 324 120
                                    

Nung sinabi ni Dean Aya na gusto niyang mataas ang grades ng best player ng softball team, dinibdib ko talaga ang pag-aaral. Sa bahay, ako lang ang hindi pwedeng magsalita ng Tagalog kahit kinakausap nila ako sa Tagalog. Kailangan daw English ako sumagot para masanay daw ako.

Binibigyan pa nga ako ni Kuya Chad ng listahan ng mga idiotic expressions eh na kailangan ko raw gamitin lagi para daw makabisado ko.

“Okay, use the expression ‘sky is the limit’ in five different sentences,” utos ni Kuya Chad.

Edi sempre nagulantang ako. “Five?! Bakit an—“

“What? I can’t understand you,” nakangising putol niya.

Bumusangot  ako. “Why… why five? Too many,” angal ko.

 

Sabi niya, kailangan daw at least limang beses kong gamitin para maalala ko. Ganun daw gumagana ‘yung utak, kailangan ulit-ulitin para matatak sa kukote. Hindi naman kasi lahat may photogenic memory… ‘yung naaalala agad ang isang bagay kahit unang beses lang na makita?

“Sky is the limit,” pagsisimula ko. “Big brother Marcus said to me… to order lots of burger… because his money is ‘sky is the limit’..?” pag-aalangan ko dahil parang tunog mali.

Umikot ‘yung mga mata ni Kuya Chad. “Sige na nga, pwede na ‘yan. Technically, tama naman. Mali lang ‘yung pag gamit mo.”

Kumunot ‘yung noo ko sa sinabi niya? “Ano ‘yung… ehem… what is right?”

 

Enko kung bakit siya napasinghot sa tawa. Tama naman ‘yung sinabi ko diba? Pa’no ba ita-translate sa English ‘yung tanong na ‘ano ba ‘yung tama’? Diba ‘what is right?’ Diba? Mali ba?

“Usually, ginagamit ang ‘sky is the limit’ bilang sagot sa tanong na ‘gaano karami o kamahal’ ang pwedeng bilhin. Kunwari… Kuya Marcus brought me to Jollibee and I asked him: How much can I spend for food? He replied: sky is the limit.”

 

“Aaahhh… okaaay,” tumatango-tango kong sagot. “Question!” eksaytment kong sambit na nakataas pa ‘yung kamay ko. Nung tinanguan niya ako, saka ako nagtanong. “Why is ‘sky is the langit’ wrong?”

 

“Because it’s not the correct idiomatic expression,” sagot niya.

Masigla ko ulit na itinaas ‘yung kamay ko at tumango ulit siya. “But… sky IS the langit, right?” Diba? ‘Pag ni-Tagalog ‘yung ‘sky’, ‘langit’ ang tawag? Edi dapat tama rin? Mas tama nga ‘yon eh kasi ni-translate na agad sa isang expression ‘yon. Diba?

Umiling lang si Kuya sa sinabi ko. “But ‘langit’ is not an English word. You’re observing an English-only policy, right?” pagpapaalala niya sa’kin.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon