Sobrang na-excite ako nung sinabi ng prof namin na ang magiging final project namin sa programming ay... janjararaaaannnn... Isang calculator!
Mantakin niyo, yung ginagamit ni Mason para mag-compute kapag masyado nang maraming numbers ang kailangan, kaya kong gawin! Ang angas no'n! Pero sempre, yung normal lang na calculator ah. Hindi yung may iskwe-square root, tangent, cotangent, cosine na mga ganon.
O diba? Natatandaan ko rin yung mga 'yon! Kasi lumalaki pa rin ang goldfish memory ko. Tingin ko ano...ahhh... Teenager na siya, huehue. Kaya tingin ko naman, kakayanin naming dalawang aralin ang C++ na gagamitin namin para makagawa ng sarili naming calculator.
Medyo ano lang...hehe...na-distract lang ako nung nag-announce na kailangan naming sumali sa Engineering Week kasi diba nga, sa College of Engineering ako kahit Computer Science ang course ko? Medyo marami kasing contest. May dance, tas Mr. & Ms. Engineering, may Quiz Bee rin, art contest, singing contest... Mga ganun.
Sayang nga eh. Kung sanang dito rin sa Uste nag-aral sina bespren ko, siguradong Mr. and Ms. Engineering na yung dalawang 'yon! Si Louie yung Mister tas si Chan yung Miss wahahaha! De joke lang sempre. Dalaga na si Louie, tas binata na rin si Chang. Sabi nga ni Tita Charlene kay Mama, malakas daw ang kutob na may girlfriend na siya. Agad kong tinext si Chan no'n. Sabi ko, ipakilala sa'min ni bespren. Pero tinanggi niya. 'Wag daw akong maniwala sa tita niya. Tss. Baka mamaya ayaw lang niyang ipakilala sa'kin kasi baka ako ang magustuhan, wahaha! Joke lang ulit.
Ayun na nga. Para sa engineering week. Hindi naman ako sinali sa kahit anong contest. Pero na-voluntold akong sumali sa intermission number sa awards night. Ayaw ko sana kaso lahat kasi ng mga kaklase ko may kanya-kanyanang gagawin. Nahiya naman ako. Kaya umoo na lang din ako.
"Ayan ka na naman sa mga extra-curricular activities mo ah," pagbabawal ni Mama nung sinabi ko sa kanya dahil napansin niyang lagi na naman akong naggigitara. "Baka mamaya bumaba na naman ang mga grades mo."
"Hindi po 'yan..." kampante kong sagot. Kasi kumpara naman nung sa Dugong Bughaw, hindi naman ako ang team leader ngayon eh. Kakanta lang naman. Madali naman 'yon.
"Ay nako... Tapos babalik ka pa sa softball team next year! Paano ka na naman makakapag-aral?"
Luh. Si Mama talaga. Masyadong advanced. Hindi pa natatapos ang taon, next year na agad ang iniisip. Di bale na nga. Ipapakita ko na lang na kaya kong pagsabayin.
Nagsumbong yata si Mama kina kuya kasi maya-maya pinuntahan ako nina Kuya Chuckie sa sala. "Tara, Prinsesa, ipapa-check up namin kayo ni Mase," nakangisi niyang sagot.
Nagtaka pa ako nun. Akala ko may sakit kami na hindi ko alam. Inisip ko nga kung tulad yun ng bulutong. Sabay kasi kaming nagkabulutong ni Mase nung elementary kami eh. Kinabahan kaya ako ng konti nung papunta na kami sa... Mall? Tas dumiretso kami sa EO Optical. Akala ko ipapa-check up na ang utak ko eh. Mata lang pala.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...