Bawal talagang magmura sa bahay namin. Lalo na kapag nandun si Mama. Nagiging monster nga siya kapag naririnig niya sina kuyang nagmumura kahit 'pag nagbibiruan lang sila. Buti nga ngayon 'di na siya namamalo. Pinandidilatan na lang niya kami.
Suki talaga kami nina Kuya sa sinelas ni Mama noong umuwi na siya galing Singapore. Lalo na sina Kuya Marcus at Kuya Chino. Si Mason nga lang yata ang di pa nasinturon kasi nga tahimik.
Ayaw din nila Papa na nakakarinig ng 'bobo', 'stupid', 'moron' kahit pabiro lang din. Tumatatak daw kasi sa isip yung ganun. Pati nga yung salitang 'shit', ayaw din nilang naririnig na sinasabi namin. Di raw magandang pakinggan.
Kaso talaga, sa araw na 'to. Di ko mapigilang mapamura eh.
"CHARLIE!" halos sabay-sabay na bungad nina Chelsea pagkapasok ko sa klase. Kulang na nga lang kaladkarin nila ako papunta sa upuan nila eh.
"Anyare?! Anyare?!" gulantang kong tanong sa kanila.
"Ikaw ba 'to?"
Kumunot ang noo kong tumingin sa isang magazine na nakabuklat. "Ay, tae!" bulalas ko. Nandun kasi sa magazine yung picture ko nung business launch na katabi ko si Tita Louise!
"Eeeww, Charlie. Kababae mong tao, ganyan ka magsalita," angal nila.
Ngumuso lang ako. "Ano'ng kaibahan niyan sa 'shit' na lagi niyong sinasabi? Tinagalog ko lang naman ah," depensa ko naman. Maganda na rin yung naiba yung usapan, baka makalimutan nila yung picture ko-
"Ano nga? Ikaw ba 'to?" ulit ni Chelsea. Kinuha pa niya yung magazine tas tinitigan din niyang mabuti. "Kamukhang-kamukha mo eh." Tas nilingon niya yung grupo nina Martin. "Uy, tignan niyo. Parang si Charlie 'to diba?"
At dahil do'n, nagsilapitan yung mga lalaki naming classmates at tinitigan rin nilang mabuti yung litrato. Nagpabalik-balik yung tingin nila sa'kin tsaka dun sa litrato. "Oo nga 'no. Kamukha mo nga, Charlie!"
Habang ako, pinagpapawisan nang malamig at malagkit. "Di ah. Di naman ako nagsusuot ng besti-bestida!"
"Ah, oo nga. Akala ko nga makikita kitang naka-gown nung JS prom natin nung high school eh. Kaso naka-tux ka rin," dismayadong sabi ni Martin.
"Ganun na nga! Tsaka ang ganda naman niyan para maging kamukha ko," sabi ko na lang.
"Oo nga 'no? O, Martin, eto na lang pala ang ligawan mo. Kamukha naman ni Charlie eh. Tas babaeng-babae pa. Baka magkaroon ka ng pag-asa dito, ayieee," panunukso nina Dennis.
"De, di pa naman ako nawawalan ng pag-asa tsaka mas gusto ko pa rin yung charm ni Charlie. Diba, 'no?" Siniko pa talaga ako ni Martin tas tinanguan ako.
Nilipat ko yung isang page kasi naiilang akong nakikita yung sarili kong nakaayos. "Ha? Diba nabasted na kita?"
"Boom! Saket no'n pare! Sapul na sapul!"
"Eto talagang si Charlie, walang preno eh!"
Tas nilapit ni Paolo sa mukha niya yung magazine. "O, diba ito yung nag-aya sa'yo ng date? Ano na nga ulit ang pangalan nun? Si Henry? Diba? Inaya ka niya nung nasa ilalim tayo ng Dita Tree?"
Napalatak ako. Bakit antatalas ng utak netong mga kaklase ko? "Inayawan ko," halos singhal ko. Buti na lang talaga, hindi kami nakuhanan ng litrato nang magkasama ni Henry nung gabing 'yon kundi mahihirapan akong magsinungaling. Basang-basa na kaya ang kili-kili ko sa kaba! "Tsaka, ano namang gagawin ko diyan? Pang matanda lang yata yang nangyari diyan eh. Wala naman akong maiintindihan diyan kung sakali."
"Eh bakit sina kuya mo, nandito?" tanong ni Paolo bago niya tinuro yung picture nina-
"Kuya Marcus at Kuya Chuckie?!" Lumuwa talaga yung mata ko nung nakita ko yung magkahiwalay na litrato nila. Kasama ni Kuya Chuckie si Ate Elay. Tas, hindi ko kilala yung kasama ni Kuya Marcus. Gelpren kaya niya? Mas maganda kesa kay Ate Nica.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...