Chapter 37

3.5K 211 202
                                    

Mula nung nalaman namin 'yung tungkol sa aksidente na nangyari kay Mama Louise, sumugod talaga kaming lahat sa bahay nina bespren. Kahit nga si Chan-Chan na--enko kung nagbubuhay-ermitanyo ba--napasama nang 'di oras sa amin. Nakaka-sad nga kasi hindi talaga lumabas nang kwarto si bespren Louie nun eh. Magdamag lang siyang nakakulong sa kwarto niya. Kahit yung mga pagkain na dinala namin ni Chang at inilapag sa labas ng pinto ng kwarto niya, di man lang niya ginalaw. Kaya ako na lang din ang kumain. Kesa naman masira 'no. Sabi ng magulang ko, masamang nagsasayang ng pagkain.

Tas ayun nga, nung nakaburol na si Mama Louise, araw-araw din kaming pumupunta. Dun na nga rin kami nagPasko kaya medyo sad ang Christmas ngayong taon. Pati birthday ko, di na namin masyadong na-celebrate din. Nagdala na lang kami ng pagkain kina bespren. Taon-taon naman akong nagbe-birthday. Mas kailangan ngayon ni Louie ng mga kasama.

Bale, hati pala kaming pumupunta doon. 'Yung mga tanderkats, dun sa burol dumidiretso, kaming mga bagets, sa mansiyon nina Louie. Buti nga di na niya nila-lock yung kwarto niya 'di tulad nung mga nakaraang araw.

Tsaka enko, kahit naman ayos lang kay Chang na siya ang magdrive sa amin ni Mase papunta kina Louie tsaka pabalik sa bahay, nagpumilit si Hiro na siya na lang daw. Madalas talaga, di ko maintindihan ang takbo ng utak non. De sempre, pumayag si Chang dun kasi makakatipid daw siya ng gas.

"Ano palang gusto mong gift, bespren?" tanong niya habang sakay kami nung kotse ni Hiro.

"Para sa Pasko ba 'yan o para sa birthday ko?" nakangising balik-tanong ko. Nabigay ko na kasi sa kanya nung Pasko yung sapatos na katulad nung amin ni bespren. Ayon, di pa raw siya nakakabili ng kahit anong regalo. Minsan talaga, nakakapagtaka at nakakatampo si ChanChan eh. Sobra naman yata niyang dinidibdib ang pag-aaral niya at nakakalimutan na niya kami. Buti nga sumasama siya ngayon eh, kundi nako. 'Di ko na siya bati.

"Grabe naman. 'Di ba pwedeng pag-isahin na lang 'yon?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Sa tagal ka naming 'di nakita ni bespren Louie, ang dami mo nang utang."

"Sorry na nga eh. Ano, sobrang busy ko lang talaga sa school. Kaya nga babawi ako diba?"

"'Keypayn. Kahit ano naman, ayos lang."

"Baka naman mamaya ako pa ang sisihin mo kapag di mo nagustuhan."

"Luh. Wala naman akong natanggap na regalong di ko nagustuhan ah!" gitla kong puna.

"Wala raw. 'Di mo nga ginamit 'yung pink dress na binigay namin sa'yo noong 7th birthday mo," kwento ni Chang na pinaikutan pa ako nang mata. "Diba, Kuya Mason?"

Habang nagkibit-balikat lang si Mase na nakaupo sa passenger's seat, nagulat na lang ako. Hala. Naalala pa niya 'yon? Ang talas talaga ng memory ng mga besprens ko. Sana mahawa si goldfish memory ko, huehue. "Ginamit ko 'yon. 'Di mo lang nakita," depensa ko. Ginamit ko naman talaga. Minsan nga lang. Tas nung nagkaroon ng donation sa school, dun ko na lang nilagay yung damit. At least magagamit pa ng pagdo-donate-an diba? Kesa mabulok lang sa aparador namin.

"Ano na nga ang gusto mong gift?" pangungulit ni Chang.

"Tsk. 'Di ko nga alam. Kahit ano. Basta 'wag lang pink. Mas iniisip ko nga rin kung ano'ng ireregalo ko kay bespren eh. Yung makakapagpasaya sa kanya kahit konti lang ganun. O kaya 'yung makakapagpa-relax sa kanya."

Humalukipkip si Chan-Chan. "Oo nga 'no. Hmm... gusto mo share na lang tayo? Ano ba ang magandang gift? Mga painting materials kaya?"

"Yun na ang binigay ko sa kanya nung birthday niya. Iba naman."

Sandali kaming natahimik habang patuloy lang na nagmamaneho si Hiro. Pero maya-maya, pumalakpak si ChanChan at sa gulat siguro ni Hiro, napapreno siya't muntik pa kaming singhalan. Pero nung pinanlakihan ko siya nang mata, tumikhim lang siya tas nagmaneho ulit.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon