"Kumusta na kayo ni kuya mo?" tanong sa'kin ni Mama. Sinama niya kasi ako sa Mall habang umiinom ng fruit kick sina kuya. Buti nga nakainom din ako. Mago-grocery raw kasi si Mama. Pero hindi naman kami sa supermarket dumiretso.
"Sinong Kuya po? Lima sila, hehe. Pero okay naman po kaming lahat," sagot ko habang nakabuntot kay Mama sa mukhang mamahalin na store. May malaking SALE kasi na nakapaskil sa labas.
Tumingin-tingin si Mama ng damit. Tapos haharap sa salamin para tignan kung bagay niya. Halos lahat ng tinignan niya, bagay naman sa kanya. Pero kapag tinitignan niya yung presyo, ibabalik niya shelf. "Mabuti naman kung ganon. Akala ko naiinis ka na sa kanila kapag tinutukso nila si Louie kay Mason."
'Pag ako, yumaman, aayain kong magshopping si Mama. Tapos bibilhin ko lahat ng gusto niya nang di tumitingin sa presyo ng damit. Bibilhin ko kahit di naka-sale. "Ah, ano...nao-awkward-an lang po ako pero ayun. Wala rin naman akong magagawa kung gusto talaga ni Mase si bespren," kibit-balikat ko.
"Matagal na niyang gusto si Louie. High school pa lang yata," kwento niya habang nagtitingin naman ng mga ipit ng buhok.
Napasinghap ako don! "Talaga po? Akala ko nagsimula lang 'yon dahil parehas silang nasa UP tas madalas silang magkita."
Tumawa siya. "'Di ka kasi mapagmatyag kaya di mo napapansin. Sabi nga nila, tingin-tingin din 'pag may time. 'Wag puro pagkain ang abalahin mo."
Ngumuso ako nang konti. Mas interesado kaya ang pagkain. Tsaka baka kapag nagmasid-masid ako, tawagin pa akong usisera. Dun na lang ako sa mabubusog ako diba?
"Subukan mo nga ito." Inabot niya sa'kin yung mahabang wig na medyo kulay brown.
"'La, aanhin ko naman po 'yan?"
"Basta subukan mo lang," nandidilat niyang utos kaya hinayaan ko na siyang isuot sa ulo ko yung wig. Iginiya niya ako sa may salamin. "O diba? Bagay kaya sa'yo yung mahabang buhok! Bakit ba kasi gustong-gusto mo yang maikling buhok?"
"Madali pong ayusan. Diba nga po nung sinubukan kong pahabain yung buhok ko noon, ang daming balakubak. Tas nalaglagan pa ng bubble gum ni ChanChan kata pinaiklian ulit," kwento ko sa kanya.
'Di pa siya nakuntento, kinuhanan pa ako ng picture. Kukuha pa sana siya ng headband sa kabilang shelf kaso may natabig siyang dumadaan. "Ay, anak ka ng nanay mo-!"
"Sorry po-"
"Oh, si Taki pala 'to eh!" Pagkasabi 'non ni Mama, napalingon ako, kasi baka namamalikmata lang kami. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko pero si Taki nga!
"Uy, Taki!" bati ko.
"Ay, hello po, Tita Matilda!" Nagmano si Taki kay Mama bago bumaling sa'kin. "Uy, Charlie! Naks. Bagay pala sa'yo ang mahabang buhok," nakangiti niyang kumento.
Napahawak ako sa buhok ko at dun ko lang naalalang di ko pa natatanggal yung wig na pinasuot ni Mama. "Talaga? Sige nga, magpicture nga tayo para makita ko," biro ko sa kanya.
"Oo naman, bakit hindi." Tumawa siya nang konti pero nilabas din naman niya yung phone niya at kinuhanan nga ako ng picture.
"Mama! Bilhin na ba natin 'to? Bagay raw sa'kin," baling ko kay Mama na kinuhanan din kami ng picture gamit yung cellphone niya. Tas tinignan ko yung presyo nung kaparehas na wig na nasa estante. "Mama, 2000 daw po."
Pagkasabi ko non, tinanggal na ni Mama yung wig na suot ko at maayos na binalik kung saan niya kinuha. "Pahabain na lang natin ulit yang buhok mo, Charlotte."
Enko. Ang daling patawanin ni Taki kasi tawa siya nang tawa sa tabi. Maya-maya, napansin namin na lumapit sa kanya ying isang babae na mas bata lang nang konti kay Mama. At kamukhang-kamukha ni Taki. Mahaba lang yung buhok.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...