Chapter 24

9.7K 349 358
                                    

Bakit kaya ganun? Madalas kapag may gusto kang gawin, hindi pwede o kaya maraming aayaw. Pero yung ayaw mong gawin, ipagtutulakan ka pa.

Ginawa ko na ang lahat para makaiwas sa pesteng gown na ' yon pero wala! Nag-novena siguro ang buong pamilya ko para lang matuloy 'to.

Kasi ba naman! Kumain na ako ng mangga at uminom ng soko-chocolate pagkatapos, pero di nasira ang tiyan ko. Tas kumain ulit ako ng kwek-kwek pero di naman ako naospital! Tsaka parang ayoko na rin ng lasa ng street food. Nagpaulan pero di nilagnat. Sinabihan ko na nga si Henry na isa-sub na lang ako ni Patty pero ayaw rin niya.

At nung sinubukan kong magsinungaling na hindi pumayag sina Kuya ko... PINUNTAHAN BA NAMAN AKO SA BAHAY PARA PERSONAL NA MAGPAALAM SA KANILA! Huhuhu. Edi semp-siyempre, pinagalitan ako. Bakit daw ako magsisinungaling. Huhuhu.

Tapos nagpuyat pa ako kinagabihan kakalaro ng Borderlands para tanghaliin ako ng gising. Nagdasal pa ako na sana bumagyo kinabukasan para di na ako patuluyin nina Papa. Pero grabe, tirik na tirik talaga ang araw nung ginising nila ako bandang alas otso. Pinakain lang ako nang kaunti tas halos kaladkarin papunta sa salon ni Tita Charlene!

Pumupungas pa ako nung nakarating kami. Lagi raw kasing punuan dun kaya maaga kaming pumunta para maasikaso raw ako nang mabuti. Dun na rin ako naligo kasi naka-pajama pa talaga ako nung pumunta kami. Yakap ko pa nga yung teddy bear na binigay ni Nile kasi inaantok pa rin talaga ako. Hindi na nga ako nakialam sa mga pinag-uusapan nila. Basta aabutin daw kami ng ilang oras dun.

Bakit ba kasi hindi ko binasa yung card na yun eh! At bakit ba kasi pumayag agad sina Kuya? Akala ko ba bawal akong makipagdate? Nung kay Martin, bawal. Kaklase ko naman 'yun. Tas si Henry na ilang beses ko pa lang nakita, pumayag agad. Ang labo talaga nila. Ayan tuloy, kailangan kong magdusa.

"Nagpuyat ka kasi kagabi eh," sabi ni Mama sa'kin nung nagpakawala ako ng hikab saka niya ako niyakap.

Nagulat pa ako nang konti kasi hindi niya ako pinagalitan. Dati kasi, sinisinghalan kami ni Mama kapag nagpuyat tas magrereklamo na kailangang gumising nang maaga kinabukasan. Nakakapanibago. Anyare?

"Matulog ka na lang dun sa loob ng kwarto mamaya. May higaan dun," payo niya sa'kin. "Hintayin mo lang na tawagin ka ha. Lalabas lang ako saglit."

Tumango ako at humikab na naman. Halos magluha pa nga ako sa antok. Bakit kaya dito pa nila ako patutulugin? Pwede naman sa bahay na lang ah. Kahit nga sa sala pwede na akong matulog eh.

"Ms. Charlotte Pelaez," tawag nung isang babae at tinignan ko siya. "Punta ka nalang sa pangalawang kwarto sa kanan. Tanggalin mo na lang yang suot mo ha? Cyclings tsaka underwear na lang ang itira mo. May bathrobe naman dun."

Umoo na lang ako kahit gusto kong tanungin kung bakit kailangan pang magtanggal ng damit. Babagsak na kasi talaga ang mga talukap ng mga mata ko. Kaya ayun, para akong zombie na pumunta dun sa kwarto.

"Uy, hello," bati sa'kin nung babaeng naka-uniform bago pa ako makasubsob sa parang kama.

Binasa ko yung pangalan sa nametag na naka-pin ng damit niya. "Hello po, Ate Joyce. Pinapunta po ako dito eh. Pwede na po ba akong matulog?" tanong ko.

"Ah, talaga? Ang alam ko kasi, bawal ang bata rito. Ilang taon ka na ba?" sunud-sunod niyang tanong sa'kin.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ah, ganun po ba. Sige po, sabihan ko po si Mama ko para makauwi na kami." Mukhang di naman ako masasarapan sa pagtulog nito kung bathrobe lang din ang isusuot ko.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon