Nakabusangot ako buong biyahe ng jeep. At hindi ko talaga sinasagot yung tawag niya. Kabadtrip talaga ng Hirong 'yon! Sa'kin na lang lagi binubunton ang galit niya! Di man lang magawang magpasalamat sa'kin sa ginawa kong paglilinis ng bahay niya tas aawayin pa 'ko. Hanggang ngayon kaya masakit pa ang katawan ko dahil ramdam ko pa ang pagod.
Tsaka pwede naman niyang sabihin kung ayaw niya akong ihatid. Maiintindihan ko naman. Pwede rin namang kuntsabahin niya ako. Yung umoo siya kay Louie pero pagtalikod ni bespren saka niya sabihing di niya ako mahahatid. Madali lang naman akong kausap. Kesa 'yung magbabait-baitan siya 'pag may iba kaming kasama tas mapipilitang gawin ang ayaw nita tas 'pag kami na lang ang naiwan, aawayin niya ako. Ang labo.
Ngayon ko napatunayang 'di lang mga babae ang malabong kausap. Mga lalaki din! Hmp!
Buti natatagalan 'yon ni Taki. Ang bait siguro ni Taki at mahaba ang pasensiya.
Sa sobrang inis ko, mabilis akong nagutom. May pagkain na kaya sa bahay? Tanghalian naman na niyan. Ano kayang ulam namin?
Iniisip ko pa lang ang pagkaing luto ni mama, nawawala na ang inis ko hehe. Sana marami silang luto.
Pero pagkauwi ko, corned beef na may sibuyas at patatas at sabaw lang ang ulam.
Masyado pala silang na-excite dun sa Kinect games na hiniram ni Kuya Chino kay Ate Llana. Mantakin niyo, pati sina Mama nakikilaro! Ahaha. At nakauwi na rin sina Mase at Lark, kaya pala ang pula-pula ng ilong ni Kuya Mac kahit uminom na ng anti-histamine, hehehe.
At! May fruit kick! Huehuehue.
"Kuya, pasubok ako mamaya! 'Yung Dance Central!" sigaw kong nakataas pa ang mga kamay pagkatapos kong maghugas ng pinggan. Ang bibilis kasi nilang kumain kaya ako ang nahuli. Masyado silang excited maglaro. Ako, mas excited kumain dahil gutom ako kaya ako ang umubos ng pagkain, muhahaha!
"Katatapos mo lang kumain. Bawal gumalaw agad. Magkaka-appendicitis ka," sagot ni Kuya Chino habang naglalaro sila ng table tennis ni Papa. Hanggang dalawa lang kasi ang pwede dun sa Kinect sports eh. Kaya abangers din sina Kuya Mac sa pagtatapos ng laro nila para sila naman ni Kuya Chuckie ang next.
"Eh bakit kayo ni Papa hindi ba magkakasakit din? Nauna lang naman kayo ng ilang minuto sa'kin ah," pagmamaktol ko.
"Parehas kaming wala nang appendix ni Papa 'no," katwiran naman ni Kuya Chino habang nakatutok pa rin sa TV.
Hindi naman nagsisinungaling si Kuya Chino. Kasi nung bata kami, kaya rin kinailangan ni Mama na magtrabaho sa ibang bansa dahil nagka-appendicitis si Papa nun kaya di makapagtrabaho. Si Kuya Chino naman, ganun din yung naging sakit bago siya mag-college.
Humarap naman ako kay Mase at bumulong. "Totoo ba 'yon? Ha, Mase? Totoo bang magkaka-appendix ako kapag naglaro agad ako pagkatapos kumain?"
Nagdududa kasi ako nang konti. Kasi diba isa 'yon sa mga sinasabi ng mga matatanda sa mga bata? Yung parang... 'Wag kang matutulog nang basa ang buhok mo dahil mababaliw ka. Di naman totoo yun diba? Malay ko ba dito sa appendicitis na 'to. Baka ginu-good time lang ako ni Kuya Chino eh o kaya ayaw akong palaruin. Maganda nang makasigurado.
"'Tanong mo na lang sa teacher mo sa science," tipid niyang sagot sa'kin.
"Pagkatapos niyong lahat diyan, magsu-Zumba naman ako ah," singit naman ni Mama.
"Mama! Yung 'Just Dance' po sayaw-sayaw din 'yon! Pero hanggang apat po yung players dun! Hindi masyadong mahaba ang waiting time, pwedeng dalawang grupo tayo tapos salitan," sulsol ko pa.
Saktong natalo ni Papa si Kuya Chino sa basketball nung nagsalita siya. "O, pagbigyan niyo na 'tong kapatid niyo. Tutal naman kahapon pa kayo naglalaro niyan. Para rin makasayaw si Totoy. Di makasingit sa inyo eh."
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...