Napuyat ako kagabi kasi sinuyod ko yung account ni Taki, hehehe. Buti na lang talaga, naglalaro ng PS3 sina kuya eh kaya walang sumita sa'kin.
Kaso naman, puro reposts ng 9gag, lyrics ng kanta tsaka kung anu-anong games ang nakapost sa FB nya. Tas wala ring masyadong pictures. Kung meron man, putol yung mukha niya. Yung parang mas kinukuhanan niya ang background kesa sa sarili niya. O kaya puro group pictures. Mas marami pa nga yung pictures ng kung anu-ano. Tingin ko nga mas maraming litrato yung dalmatian nila kesa sa kanya eh.
Pero tingin ko, mas maganda 'yon. Lalo na kung ise-search siya nina Kuya, wala silang makikita.
"Diba 'no?" tanong ko kay Lark nung sinalubong niya ako sa sala.
Kahit napuyat kasi ako at Linggo naman, matik akong nagigising ng alas kwatro ng madaling araw. Madalas kasi sa ROTC, pinapapasok kami nang mga alas sais para magdrills.
"Samahan mo 'kong mag-exercise?" tanong ko ulit kay Lark kasi sinundan niya ako hanggang sa garden.
Di kasi ako makapag-exercise sa sala kasi natutulog pa si Mase. Nakatalukbong pa nga eh. Di rin naman pwede sa likod-bahay kasi puro labada ang nakasampay don.
Di naman masyadong mahirap yung mga morning drills namin sa RO. Kasi halos parehas lang ng warm-up namin sa softball team. Doble nga lang.
Tulad kunwari ng jumping jacks. Dapat fifty reps yun. O kaya yung push-up. Di pede yung modified o kaya half kahit sa babae-dapat full-push up yon tas bente dapat ang magawa. Yung sit-ups, trenta.
Madalas din kaming mag-obstacle run. Yung tatakbo sa mga gulong, gagapang sa ilalim ng net tas putikan pa yung gagapangan. Aakyat sa lubid...
Ako lagi ang pinakamabilis don kasi ako ang pinakamaliit at pinakamagaan, hehehe.
Gusto nga sana nina Mama sa Lady Sponsors ako sumama-yung tinuturuan kung paano maayos na kumilos ang mga babae. Paano umupo nang maayos, kumain nang maayos, ganyan. Tas sila yung laging partner ng officers kapag may mga events. At pag may mga morning drills kaming mga normal na cadets sa field, sila nasa may grand stand lagi at dun tinuturuan. Kaya rin ayaw ko kasi parang amboring naman.
Mas masaya kaya yung active lagi. Naisip ko ngang mag-PMA kaso sabi nina 'Ya Marcus, mataas daw ang grades na kailangan. Tas sabi rin nina Kuya Chad, may height requirement daw. Dun pa lang daw, bagsak na ko. Tsk.
Ang astig siguro nun 'no? Yung ipapadala sa gera, may hawak na baril para makipagbarilan sa mga kaaway-
"Bratatatat!" mahinang sigaw ko habang ini-imagine na may dala akong armalite pagkatapos kong magawa yung fifty na jumping jacks, 20 na push ups at 30 na sit-ups. Pasikat na nga yung araw eh. Kaso tumahol din nang tumahol si Lark. "Ay sshhh...'wag kang maingay kasi marami pang tulog."
Hmm...advanced naman na ang technology ngayon. Pwede na siguro ang laser gun para di gaanong maingay yung baril. Tama!
"Pitew! Pitew! Pitew!"
Gumulong ako para makapagtago sa likod ng mga halaman ni Mama.
Tas tumahol na naman nang tumahol si Lark.
"Sasagipin kita! Ayan na ako, Lark! Ilagan mo ang mga kalaban! Magtago ka rin! Pitew! Pitew!"
Tinalunan ko yung isang hilera ng cactus ni Mama. Tas gumapang ako sa batuhan para makalapit kay puppy.
Nung nakalapit ako, binuhat ko agad si Lark bago lumuhod at pinagbabaril ang mga teroristang nagtatago sa mga halamanan! Na-headshot ko pa ang isa!
"Pitew! Pitew! Pitew!"
Sa isip ko, nakita ko silang slowmo na napapadausdos sa lupa dahil sa malalang tama ng laser gun ko.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Genç Kurgu*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...