Chapter 22

8K 317 187
                                    

Maaga kaming na-dismiss kaya napagkasunduan ng ilan sa'min ang maglaro. Anong laro? Dugtungan ng kanta. Doon kami sa may Lovers Lane pumunta para wala kaming mabulabog na ibang klase.

Bakit Lovers Lane ang tawag? Marami kasing tumatambay dun na magboypren. Hindi ko rin alam kung bakit mahilig silang tumambay dun eh parang amoy patay dahil dun sa tanim na Dita Tree, ahahaha. De joke. Mabango yung bulaklak nun...pero mga patay talaga ang naaalala ko kapag naaamoy ko.

Pero sempre di lang mga magboypren ang laging nakatengga don. Madalas nga ring dun tumatambay ang mga Engineering students tulad namin eh, hehe. Minsan nga maraming Archi students dun na dino-drawing yung mga puno.

May sampu rin kaming nakaupo sa ilalim ng puno ng Dita. Kasama namin ang barkada nina Martin at Chelsea. Ang nakapagkasunduang hatian, girls versus boys.

"Pwede naman kahit katunog lang diba?" tanong ko nung maayos na akong nakaupo sa damuhan. Umoo naman lahat kaya nagsimula na ang laban.

Unang kumanta ang grupo nina Dennis dahil nanalo sila sa toss coin. "Ehem... Hey, there's a look in your eyes~~"

"Ambilis naman! Hindi ba dapat isang buong stanza?" angal namin. Di man lang pinaabot sa second line!

"Walaaa..pag di kayo nakakanta in five seconds, one point na kami!"

"Ang dayaaaa!"

"One...two..."

Itinaas ko ang mga kamay ko at tumigil sila para pakinggan ako. "Ice, ice, baby... Dung dung dung dung tugudungdung... O ha! Kayo na ulit!" maangas kong hammon habang nagchi-cheer ‘yung mga kakampi ko. "Ano na? Wala pala kayo eh!"

"Wut?! Anong kanta ang nagtatapos sa 'dung'? Meron ba? Ikaw nga, dugtungan mo!"

"Meron yan! Eto ah..." Umubo ako nang kaunti bago kumanta. "Dung dung dung dung pakidungkidung...alibango.. Sa dagad....balaki ad basarab..."

"Ano bang klaseng—hindi pwede ‘yan. Wala! Null and void!"

"Sabi niyo pwede ang katunog? Ganyan kaya ang tunog kapag kumakanta pag may sipon, diba?"

"Ay, ayawan na. Inuutakan na tayo ni Charlie!"

Ang saya-saya talaga kapag nagchi-chillax lang kasama ng mga kaklase 'no? Sama-samang naghihirap sa mga lessons, tas sama-sama ring nagkakasiyahan para balanse. Narinig ko na 'to kay Kuya Mac eh. Work-life balance daw. Ang ibig sabihin daw nun, dapat 'di lang daw puro trabaho kasi yun ang pinanggagalingan ng stress. Dapat may pahinga rin.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon