Chapter 20

9.6K 332 102
                                    

Mas magaan ang pakiramdam ko pagkauwi ko ng bahay pagkatapos kong dalawin si Papa God sa chapel. Hindi man Niya ako kinausap, parang nabawasan yung lungkot ko sa mga nangyari nung araw na 'yon kaya nakangiio akong umuwi.

 

Akala ko, ako ulit ang unang tao sa bahay, pero laking gulat ko nung makita ko yung sasakyan namin na nasa labas. Tas pagpasok, nakita ko si Mama at si Kuya Chuckie na magkatabing nakaupo sa sofa at tinitignan ang isang album.

 

"H-Hello po, Kuya Chuckie," kinakabahang bati ko sa kanya pagkatapos kong magmano at humalik sa pisngi ni Mama. Saka ko nakitang photo album ko pala ang tinitignan niya! At ang dalawang sulat na galing kay Martin na nilagay dun ni Mama ang binabasa niya.

 

Umungol lang si Kuya at medyo tumango bago padaskal na nilipat yung page ng album pabalik sa baby pictures ko.

 

"Huy! 'Wag mo ngang pinagdidiskitahan yung album ng kapatid mo," angil ni Mama at inagaw ang album kay Kuya. "Minsan na nga lang makatanggap ng love letter si Charlotte, ganyan pa kayo. Aba, improvement yan mula sa mga love letters galing sa babae ah! Paano na lang kung hindi na maulit 'yan at puro sulat na naman galing sa mga babae ang matanggap niyan?"

 

Bumusangot ako. Hindi ko na lang ipapaalam sa kanya na nakatanggap ulit ako ng isa pa galing kay Martin. Baka kasi ipa-frame pa niya yon. Pero nagulat akong alam pala ni Mama na marami akong natatanggap na sulat galing sa mga classmates ko dun sa all-girl school.

 

"Ano na naman 'yang pinag-aawayan niyo?" Si Papa na kalalabas lang galing sa kwarto nila. "Alam niyo, sumama na lang kayo sa amin ni Mama niyo."

 

Agad din akong nagmano sa kanya. "Saan po kayo pupunta?" tanong ko.

 

"Maggo-grocery para sa birthday ni Mason."

 

"Hindi na po ako sasama Pa--"

 

Pinanlisikan naman agad ni Mama ng tingin si Kuya Chuckie. "'Wag kang OA, Chad ha. Ang tanda mo na para magtampururot. Charlotte, magbihis ka na dali."

 

Sina Mama at Papa lang ang malakas na nag-uusap habang hindi pa rin ako kinikibo ni Kuya sa biyahe. Kahit nung nasa SM na kami at nakabuntot lang kina Mama, kinakalikot lang ni Kuya ang phone niya.

 

Grabe naman siyang magtampo. Daig pa ang babae 'pag may buwanang dalaw. Baka naman abutin pa ng isang linggo ang 'di niya pagkausap sa'kin. Nagpa-sorry naman ako ah. At galing naman sa puso ang pagso-sorry ko.

 

"Wala ba kayong ibang pupuntahan?" tanong ni Papa. "May titignan muna kami ni Mama niyo sa Abenson bago tumuloy sa Supermarket."

 

"Meron po!" masigla kong sabi na nakataas pa ang isang kamay at hinablot ko ang braso ni Kuya Chuckie. Kung ayaw niya akong kausapin, ako ang kakausap sa kanya hanggang sa sumuko siya. "Saan mo po gustong tumambay, Kuya?" tanong ko pero hindi siya kumibo.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon