Chapter 6

16.2K 325 158
                                    

Pinatawag kami ni Hiro sa opis ni Dean Aya kinabukasan kaya maraming nagtaka at natakot para sa’min. Bakit kaya sila natatakot? Mabait naman si Dean Sungit, kailangan lang na may laging nagpapa-smile sa kanya.

Pero tinanong ko na rin si Hiro habang naglalakad kami. “Bakit kaya tayo pinatawag?”

Nagkibit-balikat naman siya. “Baka nalaman nilang nangopya ka sa’kin.”

“Ha?! Wala nga akong nakopya sa’yo eh. Edi dapat si Martin ang kasama ko, hindi ikaw.” Kasi diba, si Martin ang nagpakopya sa’kin? Tas pinapakopya ko rin siya pero siya lang ang umayaw.

Tulad nung unang beses kong pagbisita sa Dean’s Office, tahimik na naman lahat ng mga tao dun kaya kinawayan ko nalang sila habang nakangiti. Pinagsabihan kasi ako ni Kuya Chad noon na ‘wag daw akong mambulabog lalo na sa opis ni Dean. Kaya ‘yon, kahit gusto ko silang batiin para sumaya naman sila, hanggang kaway, tango at ngiti lang ako.

Binati namin si Dean Sungit nung dumating siya at pinaupo kami sa magkatabing upuan sa harap ng malaking mesa niya. Saka siya naglakad-lakad na parang nag-iisip kung ano ang sasabihin.

Totoo nga na tungkol sa quiz kung bakit kami pinatawag! Pina-define pa nga kay Hiro kung ano ang Eucledian Space eh. Tama naman ‘yung sagot niya. Sempre naaalala ko kasi nasabi niya ‘yung mga keywords. Tas alam din pala ni Dean na hindi pumapasok si Hiro sa mga minor subjects namin.

So, Miss Pelaez,” baling niya sa’kin kaya napatuwid ako ng upo at nginitian ko siya. “Do you want to share how did you come up with the correct answer in multiplying matrices considering that you have no equation?”

 

Kinabahan ako don! Alam kong ‘yung sagot ko sa problem solving ang tinutukoy niya. Pero ayoko nang idamay si Martin kasi siguradong magagalit siya sa’kin. “Ahhh… sa hangin po ako nag-solve, Ma’am Sungit! Pramis!” Pagsisinungaling ko nang nakataas ang kanang palad ko.

Hindi naman niya masyadong pinansin saka sinabing kami lang ni Hiro ang nakapasa sa quiz na ‘yon.

Edi sempre, sobrang natuwa ako! “Talaga Ma’am?! Ang galing ko!” Mantakin niyo, na-perfect ko ‘yung identification! Tas naka five points pa ako sa problem solving, salamat kay Martin! Ang saya naman, pinatawag pa kami ng Dean para lang i-congratulate kami, hehe. O diba? Mabait naman si Dean Sungit eh. Simula ngayon, tatawagin ko na siyang Dean Bait.

Naunsiyami ‘yung pagsasagutan ni Dean at ni Hiro nung sinabing nasa labas daw ‘yung Tatay ni Hiro. Akala ko nga pede na rin akong umalis pero pinigilan ako ni Dean. ‘Di pa raw kami tapos mag-usap.

“Salamat po Dean ah,” sabi ko sa kanya nang may malawak na ngiti. “Talagang pinatawag niyo pa kami ni Hiro para sabihing kami lang ang pumasa, hehehe. Sabi na nga ba, mabait po kayo eh—“

“Charlie,” putol niya sa’kin at inayos ‘yung salamin niya. “Tapatin mo nga ako. Nangopya ka ba?”

Napalunok ako ng laway. Hindi pala niya pinaniwalaan ‘yung sinabi ko kanina, huhu. Ayoko na talagang mandamay ng ibang tao. Pero nahuli na kasi ako eh. Sabi nila Mama, ‘pag nahuli na, wag nang dagdagagan ang kasinungalingan dahil mas magiging malala lang. Aminin na raw para maremedyuhan pa. “S-Sa problem solving lang po—“

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon