Chapter 3

17.8K 348 146
                                    

Totoo pala ‘yung sinabi sa’kin nila Kuya. Mas maraming lalaki sa engineering kesa babae. Sa block nga namin, pito lang kami tas bente ang lalaki.

Pero ays lang naman. Mababait naman silang lahat. ‘Di ko lang talaga trip ‘yung  mga ginagawa ng mga kaklase naming babae dahil lagi silang nagsusuklay pagkatapos ng bawat subject. Malakas ang pakiramdam kong sa kanila galing ‘yung mga hibla ng buhok na nagkalat kung saan-saan. Kung ‘di naman sila nagsusuklay, nagpupulbo naman o kaya nagpapaganda. Enko ba sa kanila. Magaganda naman na, bakit kailangan pang magpaganda lalo. Inisip ko ngang baka kasali lahat sila sa beauty contest eh.

Kaya mas nakasundo ko rin halos lahat ng mga lalaki kasi walang arte. Tas puro games, anime saka sports ‘yung pinag-uusapan kaya nakakasabay ako. Tas andun din sina Martin at Paolo.. yung dalawang matatangkad na alagad ko sa Dugong Bughaw. Sila ‘yung nagpaikot para ipapirma sa mga Dugong Bughaw ‘yung malaking bardey card na binigay ko para kay Mase.

‘Wag na nating pag-usapan si Hiro. Kung dati nakakairita na siya. Mas lalo naman ngayon!

“Mahal na Pinuno! Gusto mo ng kropek?” alok ni Martin sa’kin pagkapasok ko sa classroom.

Nagliwanag talaga ‘yung mukha ko kahit naaasar ako kay Hiro. Sinundo niya kasi ako sa bahay para raw sabay na kaming pumasok. Tas sininghalan ba naman ako dahil ambagal ko raw kumaen! Eh sino ba kasing nagsabing sunduin niya ako?! Pupunta-punta sa bahay, tas magrereklamo! Hmp! “Penge!” natutuwa kong sabi sa kanila. “May suka ba? Mas masarap kung may suka tas bawang saka paminta!”

Pero bago pa ako makalapit sa grupo nina Paolo, hinila ni Hiro ‘yung likurang kuwelyo ng polo ko. “Hoy, bubuwit. Dito ka nga!”

“Teka! Kropek!” angal ko at pinilit tanggalin ‘yung kamay niya sa kuwelyo ko dahil halos kaladkarin niya ako papunta sa upuan namin. Sinubukan kong tanggalin ‘yung kamay niya pero mas humigpit ‘yung kapit niya.

“Diba kumain ka na kanina? Kakain ka na naman? Magpurga ka nga! Baka naman puro bulate na ‘yang nasa tiyan mo!” singhal na naman niya.

At dahil sa sinabi niyang ‘yon, natawa lahat ng nakarinig.

“Di bale nalang Mahal na Pinuno. Paghahatian na lang namin ‘yung parte mo. Masamang binubuhay ‘yang mga bulate mo sa tiyan. Kaya siguro hindi ka tumatangkad ‘no?” dagdag pa nina Martin bago na naman sila nagtawanan.

Sinamaan ko ng tingin si Hiro na nakangiting-aso. Kabanas talaga! Pasimuno talaga kahit kelan! Tas tuwang-tuwa pa kapag napapahiya ako. Enko kung bakit ako ang lagi niyang napapagdiskitahan. Hindi naman niya kinakausap ‘yung ibang kaklase namin. Ayaw makipagkaibigan pero lagi namang ako ang nakikita niya para asarin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa Uste din siya nag-aral eh. Wala naman dito si bespren. Sana nga siya na lang ang pumunta sa Canada para walang nambu-bully sa’kin eh.

Ay teka… parehas nga pala silang bully ni Louie. Mas malala lang si Hiro. Tss.

“Isusumbong talaga kita kay bespren Louie!” banta ko sa kanya. ‘Pag nalaman talaga ni bespren ‘yung ginagawa sa’kin ni Hiro, malilintikan talaga siya, muhahahaha!

“Edi magsumbong ka!” nandidilat na sabi naman niya. “Tulungan pa kita eh.” Kinuha niya ‘yung iPhone niya tas kinalikot sandali bago inabot sa’kin. “O, eto.”

“Hmp!” singhal ko bago pabalang na kinuha ‘yung selpon niya at hinintay si bespren Louie na sagutin ‘yung Skype Video. Buti nalang naka-data plan si Hiro, huehue. Pero nakailang dial na ako, walang sumasagot! “Halaaa!!! Bakit ‘di sumasagot si bespren! Mali ‘yung tinawagan mo ‘no?!” pagbibintang ko. “Tawagan mo ulit! Sa harap ko!”

“Ako pa ‘yung sinungaling? Ikaw na nga ‘yung pinahiram. Malamang gusto ko ring makausap si Siobe. Pero hindi mo ba naisip na baka nagpapahinga siya ngayon? Wala kang pusong kaibigan! Akala ko ba best friend mo siya? Bakit napaka-insensitive at inconsiderate mo.”

“Nyenyenye. Dami mong sinabi, ‘di ko naman naintindihan,” sabi ko at pinaikutan pa siya ng mga mata. Binalik ko na lang ‘yung selpon niya. Naalala ko, baliktad nga pala ‘yung mundo ni bespren. ‘Pag umaga dito, gabi don sa Canada kaya baka natutulog na ‘yon. “Ano palang ibig sabihin ng ‘Siobe’? Kamag-anak ba ng Siopao, hehe.”

Pekeng tawa ang ginawa niya. “Ha-ha. Bobo ka talaga. Makinig kang mabuti.” Edi lumapit ako ng onti. “Li'l sis.”

 

“Ha? Lilsis?”nagtataka kong tanong. Bulaklak ‘yung pumapasok sa isip ko. Bakit kaya ‘yun ang tawag niya kay Louie? “’Yung flower? ‘Yung puti? Kasi maputi si Louie?” sunud-sunod kong tanong.

Tinampal ni Hiro ‘yung mukha niya. “Haynako. Lilies ‘yon! Basta bunsong kapatid na babae!”

“Ha?! Bunsong kapatid na babae? Diba mas matanda sa’yo si Louie?” naguguluhan kong tanong.

“Bakit, babae ba ako?” balik ni Hiro. “Wala ka bang common sense?”

“Wala eh,” pag-amin ko naman. “Eh ano naman ‘yung ‘Shoti’? ShotiShotiShoti. Parang binaliktad lang na tisyu, hahahaha.”

“Eh ano ‘yung English ng ‘pandak’?” Mag-iisip sana ako pero sinagot naman niya ‘yung sarili niyang tanong. “ Diba ‘short’? Sino naman ang pandak? Diba ikaw? Anong English ng ‘ikaw’? Diba—“

“Sandali!” pigil ko sa kanya nang nakataas pa ang dalawang kamay ko. Magtatanong-tanong, ‘di naman ako pasasagutin! Anong akala niya sa’kin? “Alam ko ‘yan! Ehem. ‘You’. The English word for ‘ikaw’ is ‘you’.” Galing ko talaga.

“Odi ikaw na ang magaling,” kumento niya. “Kung magaling ka talaga, pagsamahin mo ‘yung dalawa.”

Napatingin ako sa kisame. “Short. You.”

 

“Eto, makinig ka ha,” paala niya sa’kin kaya nakinig na naman ako. “Shoti ay ako. Bunsong lalaki. Shorty… ay ikaw. Pandak na babae.”

“Bak—mph!” Aangal sana ako pero tinapal naman niya ‘yung isang kamay niya sa buong mukha ko!

“O, tama na! Tama na. End of discussion,” sabi niya tas tinalikuran ako at saktong pumasok na ‘yung professor namin kaya ‘di na rin ako nakaganti.

Tss. Shorty, shorty. Eh ano naman kung pandak ako? Cute naman. Tsaka….mas maganda namang pakinggan ‘yung ‘shorty’ kesa ‘shoti’.Diba?

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon