Kaaalis lang ni Hiro dahil dun na siya sa bahay naghapunan pagtas niya ‘kong ihatid. Kainis nga kasi ilang gabi na akong nabibitin sa pagkain kasi nga nadagdagan pa kami ng isa.
“Pansin ko lang, napapadalas yata ang paghahatid-sundo sa’yo ni Hiro,” sabi ni Mama habang nililigpit namin ‘yung hapag-kainan. “Nanliligaw ba siya sa’yo?”
“WAHAHAHAH! JOKE BA ‘YAN, MAMA?”halakhak ko. “Mortal enemy number one ko ‘yon! Ligaw-ligaw, ako pa magturo manligaw don eh!”
Pinanlakihan ako ng mga mata ni Kuya Mac-Mac. “Subukan mo lang manligaw ng babae, Charlotte ah. Makakatikim ka talaga sa’min nila Kuya.” Tas tinignan niya si Mama. “Ma, ano ba namang klaseng tanong ‘yan? Bawal pang ligawan si Prinsesa. Ayusin muna niya ang pag-aaral niya bago siya ligawan.”
“Nagtatanong lang naman. Bakit? Wala naman masama sa pagtatanong ah,” sabi naman ni Mama. “Tsaka mabuti na rin ‘yung hinahatid-sundo siya ni Hiro. Libre ang pamasahe ni bunso,” tumatawang dagdag niya.
Umiling naman sila kuya. “Mama talaga,” sabay nilang sabi.
“Aba, kung libre, ‘wag tanggihan. Grasya ‘yon. Masamang tinatanggihan ang grasya baka di na makatanggap ulit ng blessing,” katwiran naman ni Mama. “Kaya ikaw, Charlotte. Lagi kang mag-thank you kay Hiro ah.”
Naisip ko tuloy na dapat hindi pala ako naiinis kay Hiro kasi nga naman nililibre niya ako ng pamasahe. Tas may libre pang pagkain at pangDOTA. Ang galante talaga nila ni bespren Louie. ‘Pag kami yumaman, ililibre ko rin sila, hehe.
Kaya kinabukasan, pagkarating namin ni Hiro sa school, nagpasalamat ako sa kanya.
“O, ano namang nakain mo?” tanong niya sa’kin. Mukha pa siyang nagulat kasi nag-thank you ako sa kanya.
“Hmmm… tortang talong! Sarap nga eh. Ikaw kasi ayaw mo munang kumain. Di mo tuloy natikman,” kwento ko habang naglalakad kami. Di naman na siya umimik.
Pagkarating namin sa classroom, inabutan niya ako ng isang rolyo ng bebelgam. “Kumain ka nga ng isa. Kaya pala amoy torta ‘yang hininga mo. ‘Di ka nag-toothbrush ‘no!”
Edi sempre agad akong huminga sa palad ko. Amoy torta nga! Kaya ngumuya ako agad ng bebelgam. “Salamat ulit, hehehe.”
Tumango lang siya. “Sige na, pumasok ka na sa loob. Mamaya na lang ako sa major class papasok. Sabihan mo nalang ako ‘pag may quiz.” Tas tumalikod na siya at umalis.
Nagkibit-balikat na lang akong pumasok habang ngumunguya ng menthol gum. Enko dun kay Hiro. Dati-rati tuwing uwian lang siya nagdo-DOTA. Ngayon, parang pumapasok lang siya para ihatid ako tas didiretso na sa computer shop sa tapat ng Uste. Kung ‘di ko pa nga siya ite-teks na major class na ‘yung susunod, di pa siya papasok.
“Mahal na Pinuno!!!” sabay-sabay na bati sa’kin ng grupo nila Martin. Tas nakita kong kumakain sila ng Snaku.
Nagningning talaga ‘yung mga mata ko. “Oy! Penge!” nasisiyahang lapit ko sa kanila. Matagal na kasi akong ‘di nakakakain nun eh.
“Hihingi ka eh kumakain ka pa ng bubble gum?” natatawang puna ni Paolo pero inabot pa rin sa’kin ‘yung chichirya. “Pa’no ‘pag nalunok mo ‘yang gum? Edi magdidikit-dikit ‘yung bituka mo, hala kaaa!”
Tumingin ako sa kisame para mag-isip kung paano ako makakakain ng Snaku nang hindi niluluwa ‘yung gum kasi sayang naman, kasusubo ko pa lang nun eh. ”Teka.” Sa pamamagitan ng dila ko, siniksik ko sa gilid ng taas na ngipin ‘yung nginunguya kong gum. “Ayan, pede na. Penge na ‘ko, onti lang, hehehe.”
Sobrang nagtawanan ‘yung grupo nila habang umiiling. “Imba ka talaga, Charlie. Basta pagkain, magagawan ng paraan!”
Dumakot na lang ako ng onti. Baka kasi mamaya, maamoy din ni Hiro na kumain pa ulit ako, pagalitan na naman ako. Enko dun. Ayaw niyang kumakain ako nung mga binibigay nila Paolo. Chipipay daw eh. Kung sabagay, parang mas gusto ko nga ang lasa ng Lays kesa Snaku.
“Patay-gutom ka talaga ‘no?” sabi nung babaeng katabi ko. Napapansin ko, kapag wala si Hiro, kinakausap nila ako. Pero madalas ding sinusungitan nila ako.
Ngumuso ako sa kanya. “Hindi kaya! Buhay-gutom kaya ako!” ‘Kita nilang humihinga pa ako, pinatay na nila! Naisip kong baka meron lang silang mens kaya suplada. “Gusto niyo?” alok ko sa kanila nung kakarampot na Snaku na nasa palad ko. Baka sakaling gutom lang sila.
Pero nagtinginan ‘yung iba pang mga babae at tumirik ‘yung mga mata nila. “Hindi ka na nahiya kay Hiro, lagi kang nililibre,” sabi nung isa pa.
Kumunot ‘yung noo ko. “Sabi ng Mama ko, huwag tanggihan ang libre kasi grasya ‘yon. Masama raw na tinatanggihan ang libre dahil baka ‘di na raw makatanggap ulit nestaym.”
“Eh bakit kahit hindi ka naman binibigyan o nililibre, nanghihingi ka pa rin? Ang kapal naman ng mukha mo.”
“Sabi rin ng Mama ko, walang masama sa pagtatanong,” depensa ko. Ays lang naman sa’kin kung hindi ako bigyan eh. Baka kasi kulang sa kanila. Pero mas ays kung hahatian nila ako, hehehe. “Aray ko!” angal ko nang maramdamang may pumitik sa noo ko mula sa gilid. Tas nagsikuhan ‘yung mga babae.
Paglingon ko, si Hiro pala na nakabalik. “Kumakain ka na naman? Kaya nga kita binigyan ng gum para ‘di ka na kumain. Ang siba mo talaga,” tiim-bagang sabi niya bago umupo sa tabi ko.
“O, akala ko—“ pagsisimula ko.
Pinanlisikan niya ako ng mata. “Antagal mo kasing kumilos. Nahuli tuloy ako ng prof. Tss.”
“Hi, Hiro,” halos hindi-magkanda-ugagang bati nung mga babae sa kanya pero tumango lang siya at tumungo na lang sa armchair kasabay nung pagdating nung professor namin.
Naghihinala na ako. ‘Pag nandiyan si Hiro, mababait ‘yung mga babae. ‘Pag wala, parang ang sungit nila.
Baka gusto rin nilang magpalibre kay Hiro. Masabihan nga mamaya.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...