Chapter 1

23.8K 426 176
                                    

Sobrang eksaytment akong mag-college kasi sabi nila Kuya ko, ‘yun daw ang pinakamasaya kahit pinakamahirap na parte ng buhay estudyante nila. Pagtas ko ngang magpa-enroll kasama ni Kuya Chad, nagulat ako sa dami ng units ko eh. Mantakin niyo, twenty-four! Samantalang si Mason, eighteen units lang! Andaya talaga! Hmp! Pero sabi kasi ni Kuya Chino, katumbas daw ng dalawa hanggang tatlo ‘yung isang unit lang sa UP kasi mahirap daw ‘yung mga pinag-aaralan nila. Kaya medyo natuwa rin ako kasi ibig sabihin nun, madali lang ‘yung aaralin ko, hehe.

Tuwang-tuwa talaga ako lalo na nung binili na namin ‘yung ibang libro tsaka nung nilibre ako ni Kuya Mac-Mac ng sapatos. Tsaka alam niyo ba kung ano ‘yung uniform ko? Gray pants tsaka white na polo! Ibig sabihin, walang palda!!! Wuhoo!!!  Buti nalang talaga Engineering ‘yung course ko, kundi magpapalda na naman ako, hehehehe. Nung naiwan nga akong mag-isa sa bahay, nagkagulatan kami ni Mason dahil ‘di ko alam na uuwi siya. Nahuli niya tuloy akong nakabihis pang-school, ahahaha.

Pero ayon… sa kasamaang-palad, ni-trangkaso ako nung pasukan kaya ‘di ako nakapunta sa orientation, huhu. Gusto ko ngang pilitin ‘yung katawan ko kasi sabi nila Kuya Mac, maganda raw ‘yung orientation para sa mga freshmen kasi may concert pa raw sa gabi. Kaso, nipagalitan ako nila Mama. Manghahawa lang daw ako kung papasok pa ako. Sinabihan pa sila ni Kuya Marcus na tatlong araw akong ‘wag papasukin para gumaling daw ng todo. Nakakalungkot talaga.

“Charlie…” narinig ko ‘yung boses ni bespren Chan-Chan. Wala pa kasi silang pasok kaya sa kanya muna ako pinabantayan nila Mama. Wala kasi akong kasama eh.

“Mmmm…” ungol ko habang nakahiga at naglalaro ng PSP. Ayos naman na ako, hindi na masyadong masakit ang katawan ko. Malas nga lang kasi may ubo’t sipon pa din kaya barado ilong ko’t kahol ng kahol. Pangalawang araw kong absent nun.

“Kamusta na’ng pakiramdam mo?” tanong niya sa’kin pero  parang kinakabahan siya na ewan.

Humarap ako sa kanya. “Odti. Baked?” Ang hirap talagang magsalita kapag maraming sipon. Ang ‘n’ tsaka ‘t’ nagiging ‘d’, tapos yung ‘k’ kung minsan nagiging ‘g’, pati ‘yung ‘m’ tunog ‘b’. Buti nga naintindihan ako ni Chang eh.

Sumimangot siya tas nagkamot ng ulo. “Ano… kasi, may mga bisita ka.”

Edi sempre nagulat ako. Bakit ako magkakaroon ng bisita eh may sakit nga ako? O dahil may sakit ako kaya may dumalaw sa’kin?

Naka-jacket, medyas tsaka pajama akong pumunta sa sala kasama ni bespren. Naka-bonet pa nga ako kasi nilalamig talaga ako. Pero nung nakita ko kung sino ‘yung mga bisita ako, babalik sana ako sa kwarto para magbihis pero hinayaan ko na lang. Alam naman nilang may-sakit ako eh. Ays naman na siguro ‘yung suot ko.

“O anong nangyari sa’yo?” bati ni Hiro na parang nang-aasar.

“Hello, Charlie. Kumusta?”

Hindi ko na pinansin si Hiro at umupo sa sofa. “Hello Dile. Buti daddito ka pa? Wala pa kayog pasok? Ogey da ako.” Kahit alam kong hindi pa ako okey, ayoko namang mag-alala pa siya lalo.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon