Aaargh... Birthday na naman ni Hiro. Wala na naman akong maisip na ireregalo sa kanya. Sina Kuya naman kasi, ayaw akong pasalihin dun sa binili nilang regalo. Boys only daw yon. Tss. Boys only, boys only... Makikita ko rin naman 'yon 'pag binuksan ni Hiro! Tas ang malala pa, tatlo raw ang kailangang ibigay. Bat andame? Debut ba niya? Pasko na ba? Ako nga isa lang ang natatanggap kong regalo sa Pasko at birthday ko eh. Arte talaga non.
Ayaw ko rin namang galawin yung ipon ko, kasi nga pambili 'yon ng sapatos ni Chan-Chan para pare-parehas kami nina Louie ng rubber shoes! Sabi ko kasi kay bespren, hati talaga kami. Ayoko namang siya ang magbayad ng lahat kasi nga regalo namin yon kay Chang sa Pasko. Sasabihin ko na lang kay Chang na gift ko na hanggang birthday niya yung share ko sa sapatos, wahaha!
Naalala ko tuloy yung ginawa ko para kay Mase noon. Yung illustration board na may picture niya tas pinapirma ko sa buong Dugong Bughaw. Kaso, baka kunin lang ni Chelsea 'yon kung picture ni Hiro ang ilalagay ko tas i-display sa kwarto niya. Tas magagalit na naman sa'kin si Hiro kasi 'di siya makatulog kasi hinahalikan ni Chelsea yung picture niya, ahaha. Ganun daw 'yon sabi nung mga kaklase ko noon nung nasa all-girl school pa ako eh.
Marami namang lumang yellow pages at magazine sa bahay. Pwede na siguro 'yon. Tsaka okay nga 'yon kasi makakapag-recycle ako. Pero ano namang klaseng origami na naman ang gagawin ko? Ayoko na ng paper roses kasi nagawa ko na 'yon. Tsaka baka tinapon na ni Hiro kasi pangit naman daw ang pagkakagawa. Tss. Kung bear naman...baka di ko na ibigay sa kanya, ahaha.
Hmmm...naalala ko tuloy yung sinabi noon ni Krystal sa'kin. Kapag daw gumawa ng isang libong paper cranes, may katumbas daw 'yon na isang wish na magkakatotoo. Dapat daw gagawan niya ako ng gano'n pero enko...di na siguro niya natapos.
Kaya tinignan ko yung kalendaryong nakasabit sa dingding ng kwarto namin at nagbilang ng araw. Siyempre, isang libo 'yon, kahit isang buong araw na yun lang ang gagawin ko, 'di ko kayang makumpleto yun agad.
Mahigit dalawang linggo bago yung birthday ni Hiro. Ibig sabihin...
Nagkwenta talaga ako. At nalaman kong dapat maka-seventy akong paper cranes kada araw! 'La...may klase pa ako, tas homeworks, tas quizzes! Di ko pa rin kakayanin kahit araw-arawin ko ang paggawa! Kaya siguro di na tinuloy ni Krystal yung pagbibigay sa'kin no'n kasi nga naman mahirap gawin nang mag-isa.
Kaya dun ko naisipang kuntsabahin ang mga kaklase ko.
"Birthday ba niya?" nagningning ang mga matang tanong ni Chelsea.
Di ako agad nakasagot. Alam ko kasing ayaw ipaalam ni Hiro yung tungkol dun. Baka singhalan na naman ako 'pag pinagsabi ko. "Ay, ano... Kasi diba sakitin siya? Ayon...para lang tulungan natin siyang gumaling."
Buti na lang agad na pumayag sina Chelsea. Siya pa nga ang bumili ng mga colored bond paper eh. Siya na rin yung araw-araw na naniningil ng origami sa mga kaklase namin, silang anim na mga babae, tigsasampu ang ginagawa araw-araw. Samantalang yung mga lalaki, tig-iisa o dala-dalawa. Pati sina Mama at Papa nakitulong na rin.
"What are you doing here, Ms. Pelaez?" narinig kong tawag sa'kin habang nasa Quad ako at hinihintay matapos si Kuya Chuckie para sabay na kaming umuwi.
Pag-angat ko ng tingin..."Ay, hello po, Dean. Maaga po kaming nadismiss. Hinihintay ko lang po si Kuya."
Hindi siya umimik at tinignan yung nagkalat na papel sa mesa. "You're making papercrafts instead of studying."
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...