May isang araw na nagdala ng gitara ‘yung isang katropa nina Martin sa klase at nagkakantahan sila no’n. Pati sina Chelsea, nakikisama sa pagkanta-kanta habang naghihintay ng prof. Pero hindi ko sila masyadong pinapansin kasi nagbabasa ako ng Reader’s Digest na may kasamang Tagalog-English Dictionary para sa mga salitang hindi ko alam ang ibig sabihin. Tinatanong kasi ako minsan ni Kuya Chuckie tas ‘pag nasagot ko, bibigyan niya ako ng sokoleyts, hehe. Napansin yata kasi niya na mas ginaganahan ako kapag may kapalit ‘yung mga ginagawa ko. Positive reinforcement daw ang tawag dun.
“Si Mahal na Pinuno, magaling maggitara ‘yan!” malakas na sabi ni Martin tas ayon, nabuyo ako ng mga kaklase naming tumugtog.
“Isang kanta lang ah. Magbabasa pa ako eh,” katwiran ko tas umoo naman sila kaya pinasa agad sa’kin ‘yung gitara at pinalibutan nila ako. Love song daw ang kantahin ko kaya napaisip ako.
Simula kasi nung nire-review na ako ni Kuya Chuckie, ‘di na ako halos makahawak ng gitara. Kasi pagod na pagod na ‘yung utak ko sa mga drills niya. Kaya nung ni-on-the-spot nila akong tumugtog, wala akong maalala.
Napakamot ako sa batok. “Ano, ays lang ‘yung ‘Now and Forever’ ni Richard Marx?” tanong ko. Lumang kanta ‘yon na tinuro sa’kin ni Nile dati. Isa sa mga paborito ko ‘yun kasi maraming plucking. Talagang tinutukan ako ni Nile non para makabisado ko kaya ‘yun lang din ang agad na pumasok sa isip ko, hehehe.
Tapos, ayun… dahil hindi naman nila alam ‘yung buong lyrics, sinaliwan ko na rin ng kanta tas tumahimik sila para makinig tsaka panoorin ‘yung mga daliri kong mabilis na nagpapalipat-lipat ng strings at frets. Mahina pa nga silang natatawa kasi napapanguso ako dun sa adlib eh. Ang hirap kasi nun, anlalayo ng kailangan kong tipahin tas anliliit pa ng mga daliri ko. Pero sempre, dahil minaster ko ‘yon, walang mali, hehe.
“Shet, ang galing mo, Charlie. Nakaka-in love,” sabi nung mga babae.
“Ay graaabeehh, bakit nung kami ‘yung naggigitara hindi ganyan ang reaction niyo?” alma nung mga lalaki. “Ansaket ah, harap-harapan niyong sinasabi na mas mahuhumaling kayo kay Charlie kesa sa’ming mga matitipunong kalalakihan?”
“Eh sa mas lovable si Charlie kesa sa inyo, why not, diba? Sana lalaki na nga lang siya eh.”
“Oy! Hindi ah! Babae ako ah!” pagdidiin ko. Mamaya makarating pa kila kuya ‘yon, tuluyan na akong ipakulong sa kumbento, ayoko nga! “Kayo na nga lang! Ayoko na! Mag-aaral na lang ako,” asik ko sa kanila tapos binalik ko na ‘yung gitara. Ayoko nang ma-guidance ulit tulad nung elementary ako.
Meron ding isang araw na tinabihan ako ni Erick, isa pang katropa nina Martin, tapos bumulong. “Charlie, pwede mo ba akong tulungan?”
“Sa?” wala sa loob kong sagot dahil hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng salitang ‘devastating’ na nabasa ko sa Reader’s Digest.
“Pwede mo ba akong tulungang ligawan si Patricia?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...