"Uy, guys! Patulong naman ako!" sigaw ni Ate Peachy habang nasa shower room kami.
Katatapos lang kasi naming tumulong maglinis ng kalat dahil sa nangyaring Paskuhan kagabi. Buti nga di lang kaming mga nasa ROTC ang tumulong eh. Aba dapat lang 'no! Aabutan kami ng siyam-siyam kung kami lang ang maglilinis ng sangkaterbang kalat!
"Ano yon?!" halos sabay-sabay naming sagot galing sa kani-kaniyang shower.
Ako, nag-aayos na ng gamit kasi mabilis lang naman akong maligo. Wisik-wisik lang, hahaha. De joke lang. Mabilis talaga akong maligo. Sa bahay kasi, iiwan ka talaga kapag 'di ka pa nakabihis kapag sinabing aalis na eh. Tas iisa lang ang banyo namin. Kaya talagang mabilisan talaga lahat!
"Gusto kasi namin ni Mommy ko na mag-business kami."
"Ano'ng klaseng business?"
"Christmas treats--leche flan, graham balls, silvannas.. mga ganon."
Napasinghap talaga ako. "Talaga, Ate? Patikim ako para malaman ko kung bebenta!"
"Hahaha, ayos din 'tong si Charlie eh. Kahit naman 'di masarap, kinakain mo. Paano mo malalaman kung ano ang bebenta sa hindi?"
Ngumuso ako. Grabe namaaan... nasasayangan lang naman ako kaya kahit hindi ako nasarapan inuubos ko eh. Sempre alam ko rin kung anong lasa ng masarap 'no!
Lumabas si Ate Peachy galing sa cubicle na nakatapis. "Para fair, nagdala ako ng sample. Sakto sa'ting lahat."
Lumapit ako kay Ate at tinignan yung nilalabas niyang tupperware. "Ano 'yan ate?" natatakam kong tanong.
"Graham balls," nakangiti niyang sagot.
Mukhang munchkins galing Dunkin Donuts na isa-isang nakabalot sa plastic. Pero mukhang masarap, hehe.
"Chocolate ba 'yan?" tanong ng isa pa naming kasama na di pa tapos maligo.
"Oo. May marshmallows sa loob," sagot ni Ate Peachy.
"Ay, ayoko. Diet ako. 'Bigay mo na lang kay Charlie yung parte ko."
"Yehey!" Napapalakpak pa ako sa tuwa. "Sino pa'ng nagda-diet diyan? Ako na lang din kukuha ng parte niyo."
"Sige na nga, mauna ka na. Excited ka eh," natatawang puna ni Ate Pechay kasi nakapila na talaga ako kahit nagbibihis pa naman yung mga kasama namin. Binigyan niya ako ng isa.
"Yehey. Pero Ate, sabi ni Ate Jessica, akin na lang daw yung parte niya. Edi dapat dalawa?" nakangisi kong paninigurado.
"O, akala ko mahina ang goldfish memory mo lalo na sa Math?"
"Kapag tungkol sa pagkain Ate, matalino ako, kahit Math pa 'yan, huehue." Kung pwede lang sigurong i-suggest 'yon sa mga professors 'no? Na tungkol sa pagkain ang sample problems para madali kong masagutan. Nako, first honor ako panigurado, hahahaha.
Bale, tatlo ang binigay sa'kin kasi umalis agad yung isa pa naming kasama. Swerte, hehe! De, ikukwento ko na lang kay Alvina yung lasa. Di gaanong matamis na masakit sa lalamunan, madaling nguyain. Medyo matigas yung labas pero parang surprise yung marshmallows sa loob.
Sempre nakain ko kaagad lahat habang namimili pa ng design yung mga kasama ko. Bakit kaya pihikan sila? Pare-parehas lang naman ang laman. Gusto nila maganda ang pagkakabalot, walang crack yung graham ball, ganyan. Sus, pare-parehas lang namang kakainin at tutunawin sa tiyan 'yon.
"O, bago niyo kainin, picture muna ah."
"HAAA?!" bulalas ko pagkalunok ng huling graham balls. Akala ko nga mabubulunan ako eh.
BINABASA MO ANG
HATBABE?! Season 2
Teen Fiction*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real experiences, the characters are purely figments of my imagination. Any similarities to a living person are purely coincidental. by hunnydew N...